Zan's

23 1 1
                                    

Merong isang diyos at babae sa ibang planeta na si Zen ang diyos o hari sa Planetong Zenro. Si zen ay diyos ng oras kaya niyang kontrolin ang oras at kaya nitong tumagos sa mga bagay, ngunit nakita ni Zen ang isang magandang babae nabighani siya dito at lagi niya itong sinusundan, ang babaeng ito ay nag ngangalang Karo na isang tao ngunit napakabait nito.

At nung nakita ni Karo ang diyos na si Zen nagulat ito at tinanong niya "Ikaw ba ang diyos ng oras?" patakang sinabi ni karo. Sagot naman ni Zen "Oo, matagal na kitang pinagmamasdan nakakabighani ang iyong kagandahan at nais kitang makilala pa nang husto" pangiting sinabi ni zen.. "Hindi kaba natatakot dahil ako'y isang normal na tao at ikaw ay isang diyos" Kabadong sinabi ni karo.. "Hindi ako matatakot dahil ako ay isang Diyos nasakin ang kapangyarihan ng oras" matapang na sinabi ni Zen kay karo.. "Ako nga pala si karo at ikaw ay si?" "Ako si Zen diyos ng oras at hari ng palasyong tinatawag na Jadrit" nakatitig si zen habang sinasabi ito kay karo..

At araw araw na sila nag uusap hanggang sa ito'y naging magkasintahan na ngunit ginamit ni Zen ang kanyang kapangyarihan kay Karo ngunit ito'y hindi umubra dahil ang Kanyang kapangyarihan ay hindi gagana sa mga taong mahal niya, Kaya sila'y nagpakasal at isinilang ang kanilang unang anak na si Zan wala silang nakikitang kakaiba kay Zan para itong normal na tao lamang. Laking tuwa ng magkasintahan nung isinilang si Zan at ipinag alam agad ito sa kanila kaharian sa Jadrit.

Maraming kaaway si Zen na iba pang mga diyos at mga iba't ibang elemento sapagkat ang kaniyang anak ay isang panganib sakanyang mga kaaway kaya't nung nalaman ng mga kaaway ni Zen na siya'y mayroong anak nabigla sila at gusto nila kunin at patayin ang bata na si zan.

Makalipas ang dalawangpung taon at ngayo'y malaki na si Zan ito'y malapit sakanyang magulang at maraming kaibigan sapagkat hanggang ngayo'y hindi niya alam ang kanyang kapangyarihan.. Nagtataka ang kanyang ama at ina sapagkat wala pang kapangyarihan ang kanilang anak at gusto nila malaman agad ang kapangyarihan nito dahil mapanganib ang buhay ni Zan sa ibang planeta at sa mga ibang diyos.

At nang si Zan ay lumabas sa kahariang Jadrit at naglibot ito sa gubat ngunit may napapansin siyang kakaiba dahil walang magproprotekta sakanya tulad sakanilang kaharian.. At matapang na naglibot si Zan sa gubat at biglang may nagpakita sakanyang ibang klaseng elemento at ito'y nagbabato ng apoy.. At mabilisang kumaripas ng takbo si Zan at biglang nakasunod sakanya ito, ngunit hindi alam ni Zan ang kapangyarihan kaya't kumuha siya ng bato at ibinato ito sa elemento ngunit walang nangyari.. At sa sobrang takot ni zan ito ay nagalit sa elemento at siya'y biglang lumipad at tinapatan ang elemento nag iba ang kulay ang mata ni Zan at bigla itong tinaas ang kanyang kamay at itinutok sa Elementong sumusunod sakanya at sinabi "Anong problema at bakit ka nang gugulo sa gubat na ito" galit na sinabi ni Zan sa elemento habang ito'y nakatingin ng masama.. " Ikaw ang panganib saming mga elemento na pilit kinukuha ang kahariang Jadrit sapagkat isinilang ang anak nang aming kaaway" malalim na boses na sinabi ng elemento kay zan at walang ka alam alam na si zan ang anak na tinutukoy niya.. Biglang lumapit si Zan at sinabing "Ako ang hinahanap ninyo." at biglang sinakal ni zan ang elemento habang nagliliyab ang kamay nito at gulat na gulat ang elemento na humahabol sakanya at bigla itong nagsabi ng hindi maintindihang salita at biglang nawala.. Nagulat si Zan ng bigla niyang malaman kung ano ang kapangyarihan at lumipad siya papunta sakanilang kaharian at hinanap agad ang magulang niya.

Nung nakarating na siya sakanilang kaharian ay bigla niyang tinawag ang kanyang ama at ina.. Gulat na gulat ang kanyang mga magulang sapagkat kakaiba ang kapangyarihan nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zan Where stories live. Discover now