CHAPTER 1

14.2K 314 12
                                    

LESTER POV

Ako nga pala si lester kim secretary ako ng isang ceo na sobrang strikto pero nagagawa ko naman lahat ng iutos niya. 25 years old na ako 5'4 lang ang height ko. Medyo maputi,singkit, basta perfect yung mukha ko.

2 years ago nag apply ako sa Chaxel Company dahil walang wala kaming pera ni mama dahil nasa hospital siya dahil sa sakit niya sa puso.

Unang araw ko palang sa trabaho ko nasisigawan at napapagalitan na ako ng boss ko marami siyang utos. Pero kailangang gawin para magkaroon ng pera kahit gaano pa kahirap. Mahirap mag ayos ng schedule lalo na kapag nag ka-cancel ng meeting dahil mahirap mag re-schedule hindi mo alam kung saan mo isisingit yung mga meeting. Mahirap din mag ayos ng mga paper works dahil sa mga project na ginagawa ng kompanya.

Maaga kang papasok tapos late ka ng uuwi. Pagkauwi trabaho ulit dahil sa mga hindi natapos na paper works. Ganyan ang trabho ko. Pero ngayon easy nalang lahat sakin. Lahat ng iutos at ipagawa ng boss ko kayang kaya kong gawin on time.

Gwapo yung boss ko kaso pangit ang ugali. 5'9 ang height niya kaya naman lagi akong naka taas noo kapag kausap ko siya. Always siyang busy laging tutok sa trabaho. Ang pinaka nakakainis sakanya masyado siyang perfectionist. Wala namang perpekto sa mundo.

Lahat ng employees niya dito sa kompanya takot sakanya, dati takot din ako pero iba na siya makipag usap sakin ngayon parang normal na may halong konting galit pero nakakatakot ang mukha laging naka poker face.

Lagi ko siyang pinapaalalahanan kapag tapos na ang work. Dahil minsan hindi niya na napapansin ang oras. Hindi niya na rin nabibigyan ng oras yung parents niya. Kaya laging tumatawag ang parents niya sakin laging tinatanong kung busy ba si boss. Oo closse kona parents niya dahil lagi silang dumadalaw dito sa kompanya para bisitahin si boss. Kaya nga lang pumunta yung parents niya sa paris para mag bakasyon.

Lagi ko siyang kasabay umuwi dahil dumadaan pa ako sa bahay niya para tapusin ang ibang project schedule para sa kompanya. Malaki ang bahay niya kaya naman nag lagay siya ng mini office sa loob para kapag kailangan niya ako sa mga emergency meeting hindi na siya maghihintay sakin. Bago ako pumunta ng kompanya dito ako sa bahay pumupunta para ipag handa siya ng damit na masusuot at pagkain na makakain. Dito ko rin iniiwan yung ibang paper works hindi ko na inuuwi sa bahay kasi baka kailanganin niya.

Ganyan lang ang ginagawa ko sa loob ng 3 years kong secretary niya. Hindi man ako magaling na secretary noon, pero gianagawa ko ng maayos ang trabaho ko para samin ni mama.


----------------
@BBLLAACCKK69 FOLLOW ME ON TWITTER

PERFECT SECRETARY (BXB)Where stories live. Discover now