Sampu

15 0 0
                                        

Sampung taon na ang nakalipas pero andito parin lahat ng takot na naramdaman ko.

Kung paano at sino sino ang nanakit sa akin. Baka nga siguro walang gustong sumeryoso sakin.

Baka nga nasa akin yung problema no? Baka di talaga para sakin. Kase nauulit nanaman lahat.

Napatigil ako sa pagiisip ng biglang nagvibrate yung phone ko.

Jullien Caesar : Where are you?

Wala ako sa mood magtype kaya I just called him.

"Andito ako sa gilid", agad kong sabi ng sagutin niya yung tawag ko. "Pag labas mo ng pinto ng room, sa kaliwa ka tumingin" dagdag ko pa.

Then what did I expect? Binabaan niya agad ako at agad na naglakad patungo sakin. Mukhang badmood nanaman siya. Baka di nakasagot sa quiz.

"Tapos na ba klase mo?" bungad niya ng makarating siya kung nasaan ako. Madali lang naman ako mahanap kase ako nalang yung naghihintay dito. Sanay naman ako maghintay.

"Oo kanina pa. Kanina padin ako naghihintay dito." sagot ko sa kanya. Tumayo nako at gusto ko nadin umuwi.

"What? Kasalan ko pa? Edi sana di ka naghintay!" sagot niyang pasigaw. Di nako nagulat. Kase lagi naman siyang pasigaw kung magsalita nung tumagal na kami. Baka nga sa una lang lahat masaya.

"Tara na. Umuwi na tayo!" dagdag niya. Di nako nagsalita kase napapagod nako makipagtalo. Pagod nako sa lahat.

Naglakad kami papuntang parking. Shempre sumakay nalang din ako. Boyfriend ko nga pala siya. Baka di lang halata.

Mukhang pagod talaga ako kase nakatulog ako sa byahe. Nagising nalang ako ng may nagtanggal ng seatbelt ko.

"Andito na tayo babe. Wala sila mama at papa. Nakayla lola naman si bunso. Pasok na muna tayo" sabi niya habang tinatanggal yung seatbelt ko.

"Dapat dineretso mo na ako samin kase pagod narin ako."

"What? Ayaw mo ba ako kasama?!"

"Hindi naman sa ga-" he cut me off.

"Kung ayaw mo, umuwi ka magisa mo!" sigaw niya sabay walk out papasok sa bahay nila.

Lumabas ako sa sasakyan at pumasok sa loob. Boyfriend ko padin naman siya. Gusto ko padin magwork to. Walong buwan ko nadin naman siya kasama e.

Pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Nakasubsob sa unan yung mukha niya. Hinubad ko yung shoes ko sabay tumabi ako sa kanya sa kama.

"Sorry na. Pagod lang ako" sabi ko sabay yakap sa kanya.

He removed the pillow then faced me. "Don't you want to be with me?" tanong niya habang nakatingin lang sa mga mata ko.

"Ofcourse gusto ko. Anong klaseng tanong yan?"

"Talaga?" he said then cupped my face.

"Oo nam-" but even before matapos ko yung sasabihin ko, hinalikan niya na ako. Halik na parang sabik. Hinayaan ko nalang siyang halikan ako. Shempre hinalikan ko din siya. Mahal ko siya. Sobra.

I know Jullien, his hands roaming around my body while kissing me. But then naramdaman ko yung isang kamay niya na may inaabot sa bag niya.  Tumigil ako para tignan yon.

"Babe please?" he said then showed me what he got inside his bag. Hindi nako nabigla kase ilang beses niya na ako inaya pero tinanggihan ko siya.

"Nagaaral pa tayo babe. Ayoko pa" sagot ko sa kanya. Mukhang nalungkot siya pero nagulat ako nung umibabaw siya sakin.

"Bakit ba ayaw mo ha? Hindi mo ba ako mahal?"

"Mahal kita babe. Pero ayoko pa talaga." sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Darat-" may sasabihin pa sana ako ng bigla niya akong halikan. Yung halik na nakakasakit na. Sobrang higpit ng hawak niya sakin.

"J-ullien a-ano baa? Nasasaktan nako!" i said between kisses. Pero di siya nakinig at tinuloy niya padin.

"What the -" nagulat ako nung tumigil siya para sirain yung shirt na suot ko. "Ano bang ginagawa mo Jullien?!" natatakot nako. Hindi na maganda to!

"Kung ayaw mo ng may please, edi sapilitan!" sagot niya sabay halik ulit sakin. Sobrang higpit ng kapit niya sakin. Halos di ako makapalag! Nakita kong namumula na yung braso ko. At nakita ko ding may mga luhang tumutulo na sa mga mata ko. Tuloy padin siya sa paghalik niya sakin hanggang sa papunt na siya sa dibdib ko. Tanging bra ko nalang yung andoon kase sinira niya yung t-shirt ko! Damn!

"Tama na!" hindi ko man maiangat yung braso ko, nagawa ko namang ihead-bang siya nung akmang hahalikan niya ako sa labi. Sobrang sakit pero naialis ko siya sa top ko!

"Fcvk! San ka pupunta?!" sigaw niya nung tumakbo ako palayo ng kwarto. Mabuti nalang at may dala akong jacket. Kahit sobrang init ay isinuot ko iyon para lang makaalis.

Tumakbo ako ng mabilis papuntang labas hanggang sa makapagpara ako ng taxi. Wala nakong pakealam sa itsura ko. Rinig na rinig ko ang mga sigaw ni jullien. Ayoko na talaga.

"Manong tara na po!" pasigaw kong sabi ng makita kong papalapit na si jullien sa taxi na sinasakyan ko.

Nanginginig ang buong katawan ko. Fck! Ayoko na magmahal.

Until When?Stories to obsess over. Discover now