"Annyeong, Jennings!" at nag-fist bump pa 'yung dalawang KSP. Pero ano daw? Jennings?

"Jennings kasi ang middle name niya. Tapos ang funny kasi sa Clinical Chem, under sa monitoring of quality control eh Levey Jennings chart. Kaya kapag nakikita ko 'tong si Jennings, QC agad naaalala ko," tapos tumawa pinsan ko.

Nagfake laugh na lang ako kasi ang korni niya.

Nanliit mata ni Tate sa akin bago siya ngumisi at tinignan nanaman ang katabi ko. "Gusto mo bang ligawan 'tong si Kamahalan? Tutulungan kita mapa-amo 'to."

"Tate!" pinanlakihan ko siya ng mata. Anong akala niya sa akin? Baliw na aso?

"Gusto ko 'yan, Tate!" nag-high five pa yung dalawa bago bumulong si Kumag kahit rinig ko naman. "Nauubos na pick-up lines ko dito sa pinsan mo. Saan ba 'to pinaglihi at sobrang sungit?"

"Ang alam ko, mahilig si Auntie Carla sa ampalaya noong pinagbubuntis niya 'yang si Carly," sagot naman ng walanghiya kong pinsan.

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. "Pwede ba, tumigil na kayo." nilingon ko naman ang katabi ko. "At ikaw, bakit ba pasulpot-sulpot ka? Wala bang araw na 'di kita makikita?"

"Syempre, baka ma-miss mo kagwapuhan ko," he smirked haughtily.

Tinitigan ko siyang mabuti, "Saang banda ba 'yung gwapo sa'yo? Bakit 'di ko makita?"

Tawang tawa naman 'yung weirdo kong pinsan. Hindi ko na sila pinansin at nagsimula na akong kumain.

"Itaga mo sa bato, Carlotta. Darating din ang araw na ako ang hahabul-habulin mo."

I shivered in disgust. Hinding-hindi mangyayari 'yon.

Hindi na ako pinansin ni Kumag at kinausap na lang niya sina Tate at Yuan. Ang dami ngang dumadaang kakilala sa gilid namin at pareho pang kinakausap ni Levi at Tate. Bagay 'tong dalawa, eh. Parehong sikat dito sa campus tapos pareho ring may saltik sa utak.

Noong mag-alarm, signaling it's 4PM, nilinis ko na 'yung kalat ko at tumayo na.

"Alis na ko," paalam ko sa kanila. Kinawayan ako ng pinsan ko na busy pa rin sa pakikipag tsismis at tinanguan lang ni Yuan. Kinuha ko 'yung kalat ko at tinapon sa malapit na trash can. Claygo kasi. Clean as you go.

"Grabe 'to nang-iiwan!" habol ni Levi sa akin. "Pagkatapos kitang hintayin, iiwan mo lang ako? 'Wag ganon, Carlotta. 'Wag ako 'yung puro nag-e-effort sa relasyon natin!"

Tangin--

Pinaghahampas ko siya at gustong-gusto ko na murahin kasi ang lakas pa ng boses niya at napatingin sa amin ang ibang studyante! Punyemas talaga!

"Argh! Writer ka ba? Ang galing mong gumawa ng kwento!" singhal ko sa kanya.

Titig na titig siya sa akin bago siya humagalpak ng tawa. As in tawang-tawa siya! Nakakainis! Masyadong nakakakuha ng pansin!

"Carlotta, sure na ba 'yon? Ang corny ng pick-up line mo!" patuloy pa rin siyang tumawa.

Naramdaman kong uminit bigla mukha ko. Hindi naman kasi pick up line 'yun, eh! And I was trying to prove a point! Ugh!

"Bahala ka nga sa buhay mo," masungit kong sabi at iniwan na siya. Nakaka-bwisit talaga ang lalakeng 'yon!

Pagkapasok ko sa room na sinabi sa amin eh napalingon naman 'yung nasa loob sa akin. Akala ko kung ano na pero noong bigla silang nagsipag-'ayee' alam ko na nasa likod ko na si Kumag.

Hindi ko na sila pinansin at naglakad na lang ako papunta kay Georgina para tabihan siya.

"Naks, Levi, ngiting-ngiti! At sabay pa kayo ni Carly!"

Courting Him (Guillermo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon