Umasim ang mukha ko sa narinig. "Aren't you a girl?"

"Ikaw ang pinag-uusapan dito, huwag mong ibaling sa'kin. At isa pa, dahil daw last day mo na ngayon dito sa Emerson, gumawa ang HUMSS ng simple play para sa'yo."

Agad pa akong napatayo mula sa pagkakaupo. "Really? Hindi ko man lang nalaman."

Tiningnan ako ni Ivy na parang isa akong baliw. "Surprise nga, 'di ba? Halika na, may text na sila sa'kin. Actually hindi ko rin dapat sinabi sa'yo para magulat ka na lang pagpasok mo nang room, e. Pero ang tanong, nag-e-emote ka rito, aabutin na ng uwian hindi ka pa umaakyat sa classroom."

Surprise gone wrong. Hindi ko napigilan ang isang halakhak. HUMSS never failed to make my day.

Pagpasok namin ay bumungad sa'kin ang room naming punong-puno ng props, at ang mga kaklase ko ay pawang nakasuot ng pang-cosplay. Base sa ambience, parang nasa isa akong kaharian.

"What's happening?" kunwari ay walang-ideya kong tanong.

Pumagitna si Jam at ngumiti sa akin. "Watch."

At nagsimula na silang mag-act. My classmates are good performers, I can say that. They are creative and innovative. Tuwang-tuwa ako habang pinapanood ang kanilang play.

It's the Sleeping Beauty, a disney movie.

Nang matapos ang play ay malakas na palakpak ang ibinigay ko sa kanila. "You guys are awesome!" puri ko sa pang-theatre nilang performance.

Nasa gitna ako ng classroom ngayon na para bang ako ang center of attraction.

Lumapit sa akin si Aela at nagtanong kung ano ang wish ko sa mga sandaling ito.

"I wish that all of you, HUMSS-Peridot School Year 2017-2019 will soon be successful individual. May your dreams come true, everyone. I believe in you."

They all cheered for me and assured me that my wish would come true. I hope so, people.

"At may isa pa," dagdag ko na siyang nagpatigil sa kanila. "Kung sakaling mahihimatay ako, dapat may hahalik din sa akin para magising ako."

Gusto kong tumawa nang malakas nang makita ang mga mukha nilang parang nadismaya.

Humarap ako sa kabilang parte nang maramdamang may nakatayo sa likod ko. Nagulat ako nang makita si Brent na napakalapit na sa akin, halos magdikit na ang aming katawan. Napaatras ako. His presence has always been addictive but dangerous.

Tinukso na naman kami ng mga kaklase namin, pero wala akong naging reaksiyon... hanggang sa marahan akong hinawakan ni Brent sa magkabilang braso at hinila palapit sa kanya.

Wala akong nagawa. Nanlalaki ang mata ko nang nagwika siya, "Sorry, Fairy Tale. I wish this kiss can make you forgive me."

And in front of the HUMSS-Peridot, the man that I love kissed me, and I feel like I'm in my long white gown and we're in front of a castle, with blooming flowers everywhere and a red carpet on the floor.

Nagmulat ako ng mata, and the last image I saw is Brent's eyes, straightly looking at me. I even able to bit my lower lip before I lost my consciousness.

***

"May lason ba 'yung halik?"

"Ang wish niya, mahimatay muna bago mahalikan, hindi mahalikan saka mahimatay."

"Hindi naman kasi siya si Aurora."

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang marinig ang mumunting boses sa paligid ko. Ang una kong nakita ay si Raine, hanggang sa bumaba ang tingin ko sa kama at nakita roon si Aela at Ivy.

I'm Dreaming for a Fairy TaleWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu