Part 1

14.1K 181 5
                                    

Leslie POV

Ako nga pala si Leslie Reyes 24 yrs old, babaeng maginoo, 5'5 ang height isa akong pulis, nagpulis ako para mag silbi sa bayan at maiahon sa kahirapan ang nanay ko, may dalawa akong kapatid ang panganay namin si Marielle Reyes isa syang civil engineer at ang bunso  namin si Arnie Reyes. TRES MARIAS kami ako lang ang naligaw ng landas.

LOVE LIFE?
Wala ako nyan kasi galing ako sa mga heart breaks na parang nakakatakot na magmahal uli, kasi mag iinvest ka sa kanila tapos iiwan ka rin pala sa dulo kaya wag nalang🙄
Pero malay natin baka may dumating tapos magpatibok sa puso ko edi go lang ng go!

Sana makilala ko na sya, basta kahit hindi na maganda at sexy basta mahal ako okay na yun at maalaga yun lang

Kristine POV

Ako nga pala si Kristine Marie Pineda, 24  yrs old, 5'2 ang height, isang abogado, at anak ng isang heneral na si Gen Pineda ang pinaka mataas sa hanay ng mga kapulisan. Mabait naman yung tatay ko, lahat ng gusto ko nakukuha ko kasi mayron akong tinatagong lihim na malalaman nyo rin sa takdang panahon. Ang laging tinuturo ng aking ama na lagi dapat disiplinado at laging iisipin ang para sa nakararami at wag iisipin na mag dehado ng ibang tao para lamang sa pang sariling kaligayahan, kaya kahit mayaman kami ay marunong ako sa buhay nag iisang anak lang ako, pero di ako spoiled brat. Sobrang haba na ata ng intro ko sa buhay

LOVELIFE??? Wala akong naka relasyon, kasi iniingatan ko ang puso ko kasi nga, may sakit ako sa puso at anytime pwede akong mawala, yun ng sekreto ko at ng pamilya ko, kaya lahat ng gusto ko nangyayare at binibigay lahat ni daddy.
Pero bukas pa rin naman ako sa mga possibilities na magkaroon, at sana matanggap nya ko ng buong buo.






The Generals DaughterWhere stories live. Discover now