Part 24

2.4K 78 1
                                    

Leslie POV

Andito ako ngayon sa labas ng clinic sinamahan ko magpa check up si Nicole nagsusuka palagi at minsan ay nilalagnat baka may dengue na pero imposible kasi malinis naman palagi ang condo nakakapanibago bumalik sya sa pagiging masungit nya at ang pihikan sa pagkain

Minsan at napipikon ako sa kaartehan nya at di sya pumapayag na lalabas akong mag isa gusto ay lagi kaming magkasama ang lagay hindi na ako nakakapag gym nagka asawa lang ako tataba na ata ako
Kaya ngayon ayaw nya ako pasamahin sa loob nasa labas lang tuloy ako lagi akong tinatakot na papatulugin ako sa labas ng condo

Naku dragona ang napangasawa ko at natututunan ko na syang mahalin kasi hindi naman sya mahirap mahalin mabait maalaga bilang asawa ay lagi nya akong inaasikaso alam ko minsan napipilitan lang dya pero natutuwa ako kasi sinusubukan nya na maging mabuting asawa

Ang lagi ng improvements ng cooking skills nya dati dati ay laging sunog at maalat ngayon sakto nalang ang timpla mas gusto ko na nga na ipagluto nya ako kaysa sa kumain sa labas

At may nabili akong lupa sa antipolo pero hindi ko pa sinasabi sa kanya gusto ko sya ma surprise kasi para may regalo naman ako sa kanya kahit biglaan ang nangyare sa amin ni nicole ay sya ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko dumating sya in perfect timing

At palabas na sya kasama si Doktora nakangiti na parang tanga si doktora

Ang gwapo naman pala ng mister mo nicole, sabi ni doc
Haynaku doc nakakabwesit nga kasi ang daming nagkakagusto dyan, mahina na sabi ni nicole pero rinig ko
Dapat lang naman gustuhin pogi naman kasi, parang tanga talaga si doc sabi ko sa isip ko
Doctora Zulueta, at inabot ang kanyang kamay
Leslie, Leslie Reyes ho doc, sabi ko
Well Leslie congrats, sabi ni doc
Bakit po doc, sabi ko
Well magiging Daddy kana, straight na sabi ni doc
Ano po??? Gusto ko ipaulit
Magiging daddy kana, 3 weeks pregnant si nicole, sabi ni doc
Tumingin ako kay nicole at naluluha sya lumapit ako sa kanya at niyakap syang mahigpit at sumigaw YES!!!!!!! na parang nanalo sa lotto
Thank you nicole, thank you at di ko napigilang halikan sya hayaan mo si Doc! Hahaha masaya ako
Hoy mahiya naman kayo sakin, sabi ni Doc
At tumingin kami ni nicole sa kanya at tinawanan lang sya

Sige na alis na tayo sabi ni Nicole
Okay, inalalayan ko sya Doc alis na po kami salamat po uli, pagpapaalam ko
Wag nyo kalimutan ang monthly check up ha ? Pagpapaalala ni doc
Okay Doc, Thank you ulit

At sumakay na ako ng kotse, napatingin ako kay nicole, kaya pala ang sungit sungit mo buntis ka pala okay lang pagsungitan moko ganyan daw talaga pag naglilihi
Sabay hawak ko sa kamay nya holding hands while driving dahan dahan lang kasi ayoko may mangyari sa amin ni nicole at ni baby

Bakit ang tahimik mo? Tanong ko kanina ko pa napansin na parang lutang sya

Di ko kasi ineexpect na magbubunga lahat tapos ngayon magiging mommy na ako tapos may baby sa tiyan ko ang bilis ng pangyayari ano kayang sasabihin nila daddy

Matatanggap nila yan angel yan blessings ni God satin yan basta wag lang mamana ang pagiging bratinella mo hahaha okay na yun sabi ko

Sira, gusto ko ng bulalo leslie sabi nya
Naku ito na ang umpisa ng kalbaryo ko, pagbibiro ko
Kalbaryo pala, wag na nga, sabi nya tapos parang maiiyak na sya nako nadagdagan ang mood swing nya
Joke lang ito naman sige punta tayo tagaytay para satisfy yan crave mo
Tapos ngumiti, hays

Sa mga sumunod na araw at buwan habang palaki ng palaki ang tyan ni nicole at baby boy ang baby namin mas minamahal ko sya kasi kahit buntis sya ginagampanan nya pa rin ang pagiging Asawa sa akin bumalik na ako sa office kasi baka mawalan ako ng trabaho malapit na ang kabuwanan ni Nicole at nakapag ready na din kami ng mga kailangan nya sa pangangak hindi naging madali ang paglilihi nya  may times na naglilihi sya ng bulalo at ang gusto nya sa tagaytay pa galing isipin nyo ang struggle ko pero ginagawa ko para hindi sumama ang loob nya kahit 24hrs ako duty magugulat nalang ako na pumunta pala ng office kasi namimiss ako
Ako daw ang pinaglilihian nya sabi ng mga magulang namin edi alam nyo na na pogi ang kalalabasan ng baby namin

KRISTINE POV

akala ko otor magiging parang bula ako sa story na to
Hindi naman kristine- otor

Nandito ako ngayon sa Pinas umuwi ako kasama ang anak ko Baby Girl sya, Clio ang pinangalan ko sa kanya at andito kami sa office ng Daddy at sobrang tuwa nila ni Mommy kay clio

At kung tatanungin nyo kung bakit kami lang ang nandito wala si Cedric ay naiwan sya sa US kasi nakakulong sya nahuli syang actual na gumagamit ng bawal na gamot kaya pala ibang iba na sya nung mga oras na pinanganak ko si Clio kasi si baby clio ay hindi niya anak si Leslie ang tatay ni Clio  alam nila daddy pero mas pinili nalang na wag ipaalam kay leslie dahil okay na sya at may pamilya na din at nabalitaan kong buntis at malapit na manganak si Nicole ang swerte nya kasi si leslie ang napangasawa nya if I know pinikot nya lang siguro si Leslie alam ko ang story kung bakit sila kinasal at naging mag asawa

Kamukhang kamuka ni Leslie si Clio babaeng version lang nya kaya nga nakakainis kasi wala man lang nakuha sa akin at yung mga ugali nyang malambing nakuha di sa kanya ang nakuha lang sa akin ay dahil babygirl sya. Alam kong pag nagkaisip sya ay tatanungin nya kung nasaan ang tatay nya at siguro saka ko nalang sasabihin na si Leslie ang tatay alam kong unfair kay Leslie kasi anak nya si Clio at hindi man lang nya ito nakakarga at nayayakap pero ayoko na kasi makagulo alam ko ang ugali ng asawa nya bitch yun

Malapit na ang retirement honor ni daddy at alam ko sa araw na yun magkikita kami ni leslie at malamang makikita nya ang anak nya magmamaang maangan nalang ako mag pretend na si cedric ang tatay ng bata bahala sya ang cute pa naman ng anak namin

Ilang linggo nalang at magkakasama na kami palagi nila daddy at mommy focus nalang sila sa buhay sibilyan kasama kami ni baby clio

The Generals DaughterWhere stories live. Discover now