Leslie POV
Paulit ulit lang ang set up namin ni nicole tuwing gabi ay nasa bar kami uuwi syang lasing at di nya alam ang ginagawa nya
Minsan naman ay lalabas ng kwarto na naka bra at panty lang not minding na may kasama syang nilalaki
Buti nalang matindi ang pagpipigil ko sa ganun kasi syempre may mga pangangailangan din ako wala si Kristine para ibigay yun pero di ko dahilan yun para magloko
Si Kristine di sya nag cocontact wala na akong balita sa kanya mga tatlong buwan na nagtatampo ako sa kanya sabi nya wag daw mawawala ang communications pero sya itong umiiwas sya itong ayaw magpa reach out di ko na alam ang gagawin ko nagpaalam ako kay nicole ng 1week para mag pa US para kumustahin si Kristine pati si Maam ay di ko na din macontact humihingi ako ng update kay sir wala daw syang alam pero di ako naniniwala baka may di ako alam sa mga nangyayare sa kanila
Masama ng kutob ko,
Pinayagan naman ako ni nicole pero sasama sya sa us kasi may pupuntahan din daw syang mga kaibigan doon so ngayon na nga ang alis namin, tatlong buwan na walang connection kay Kristine ay parang nababaliw na ako gusto ko malaman kung anong nangyare sa kanyaHabang nasa byahe ay di ako makatulog excited akong makita si Kristine namimiss ko na ang fiancee ko
Makalipasang ilang oras ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin, ginising ko na si nicole at bumaba na kami may sumundo sa amin pagdating namin doon at nag check in sa hotel kung saan malapit ang address nila Kristine sinabi nya ito sa akin nung nagkakausap pa kami magkasama kami sa iisang kwarto ni nicole pero dalawang kama
Nagbihis agad sya at may pupuntahan daw sya, binigay nya sa akin ang oras na kailangan ko para makita si Kristine
At naglakad lakad ako nakita ko na mismo ang bahay na tinitirahan nila may dalawang kotse nakaparada at biglang lumabas si Kristine at nagulat ako kasi buntis sya malaki ang tiyan nyaParang nakakita sya ng multo, namutla sya at ako ay nakatingin lang na blangko sa kanya di ko alam ng mararamdaman ko ngayon, bakit sya buntis? Kaya ba di sya nag cocontact kasi ito ang dahilan, ang dami kong tanong pero walang gustong kumawala mula sa aking bibig
Love? Yun lang ang nasabi ko at pagsabay nun ang paglabas ng isang lalaki base sa itsura nya ay isa syang pilipino
Bigla syang nagsalita, honey ready na ang pagkain nakapag handa na ko kain na tayo, sino ba yang tinitignan mo? Sabi ng lalaki
At tumingin sa direksyon ko, at nagsalita ako
Sorry mali ata yung napuntahan ko at saka ako lumakad ng mabilis at parang anytime tutulo ang luha koAkala ko ba ikakasal pa kami akala ko ba ako lang akala ko ba mahal na mahal nya ako, at akala ko pa magpapagaling sya dito magpapa opera ng sakit nya pero putang ina bakit sya buntis bakit may lalaki?? Saka na nag unahan na tumulo ang luha ko
Sobrang sakit nanaman masaktanPumasok ako sa hotel at dirediretsong pumasok sa kwarto namin, di ko napansin na nakahanda ang pagkain nagluto si nicole marunong pala sya magluto, dinaanan ko lang sya at pabagsak na humiga sa kama
At tumulo uli ang luha ko di ko pinansin ang pagbubunganga ni nicole, masakit ang nararamdaman ko at pumunta sa telepeno ng hotel at nag order ng maraming alak, denilever naman nila agad ang alak dito sa room namin at binayaran ko agad
Sunod sunod na bukas ko ng alak at laklak ng laklak lang nakaka limang bote na ko ng bigla nya akong tuktukan sa ulo
At nagsalita sya, gagu! Bat kaba nagkakaganyan akala ko ba pumunta ka dito para makita yung fiancee mo? At inagaw ang hawak kong alak
Di ka naman umiinom, sa ilang buwan ntin magkasama di kita nakita uminom tapos ngayon bumabaha ang alak dito sa kwarto pag ikaw sumuka yare ka sakin
Nakatingin lang ako sa kanya ng blangko walang mag sink in sa akin sa mga sinasabi nya
Tinawanan ko lang sya ng mapait at kinuha ang bote sa kamay nya at tuloy tuloy na nilagok ng nasa bote
Di makapaniwalang tinignan nya ako
Halika dito uminom tayo para sa celebration ng pagka buntis ni Kristine putang ina nilang lahat at umiyak na ako
Nakausap mo ba sya? Nakita mo ba na buntis sya baka busog na
Stop it, she fools me, gagu kung busog yun may abs pa rin yun alam ko ang buong katawan nun I know that she's pregnant,
Pasigaw kong sabi sa kanyaOpss sorry Boss pala kita, sorry pwede bang mag request wag ka muna lumabas ngayong gabi at samahan moko ubusin natin to
Okay sige, abnormal ka pala pag nalalasing. Gusto mo rin bang matulog ng nakahubad in case na parehas tayo ng trip pag lasing?
Nope, ayoko ko baka iba magawa ko pag nakahubad ako so, kahit ilagay mo lang ako sa kama ko will be fine
Umupo kana dito at samahan moko sabi ko
At naubos namin ang inumin na inorder ko pagka gising ko kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko at magkatabi kaming natulog himala di sya nakahubad ngayon at nakayakap lang sya saakin haha di nya na siguro kinaya ang lasing
Bumangon na ako at naligo shit sobrang sakit ng ulo ko
Naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit ako nagpakalasing kagabi
Kung saan sya masaya ay i leletgo ko sya tska may baby na sila magiging pamilya na sila na once na pinangarap namin di rin pala ako ang makakasama nya sa pagtanda
Naligo nalang ako at nagbihis yayain ko nalang si Nicole na mamasyal para di naman sayang ang pag punta namin dito
Nakaluto na ko ng breakfast namin may mini kusina dito sa loob at ginising ko na sya
Hey Nicole, gising kana para makapag breakfast tayo mamasyal tayo sa labas iikot mo ako dito
Di pa rin sya gumagalaw kakalabitin ko sana sya pero nagmulat na sya ng mata at makikita kong antok na antok pa rin sya
Tara na bangon kana jan, NICOLE ulit ulit kong tawag sa kanya
Okay, okay gising na ako punyeta ka sobrang lasing ko kagabi parang ayoko na uminom sa mga susunod na araw dahil sayo
Napangiti nalang ako mabuti naman kung ganun sabi ko