[Prince Hope’s Point of View]
Ramdam ko ang bawat tingin ng mga studyanteng nadadaanan ko sa Hallway , corridor maging sa kabuuan ng skwelahang pinasukan ko .
Umakyat ang kaba sa dibdib ko sa ginagawa nilang iyon . Ano ba kasing tinitingin tingin nila ? dahil ba bagong mukha ako ? ganun ? . Bakit ? ngayon lang ba sila nakakita ng transferee ? . Tss !
*boogsh*
Tae !
“ Sh*t ! “ tinignan ko ng masama ang bwisit na bumunggo saken . Isang babae ! Napaka lampa naman nito , napakalaki kong tao hindi niya ako nakita ? . Tss ! Bagay lang sa kanya ang matumba ! Lalampa lampa kasi !
“ N-naku ! Pa-pasensya na . Cl-clumsy lang talaga akong tao “ nagmadali itong tumayo at pinagpagan ang sarili “ Pasensya na ulit “
Buti naman at alam niyang Clumsy siya . Inismiran ko lang siya , inayos ko nalang ang polo kong nagusot dahil sa pagkakabangga niya .
“ B-bago ka ? “ nakakunot na kilay na tinignan ko siya . Obvious naman diba ? “ Sa-sabi ko nga *gulp* A-ako nga pala si Bailey , Bailey Mikaella Castillo , ikaw ano pangalan mo ? “ sabay lahad ng kamay niya .
Tinitigan ko lang ito ng seryoso tapos sa kanya , kita ko ang paglunok niya . Magsasalita na sana ako ng may makita ako sa polo ko .
“ Bwisit ! “ singhal ko ng makita ko ang puti kong polo na may sulat ng ballpen , tinignan ko ang kaliwang kamay niya at may hawak itong kulay blue na ballpen .
“ Ha ? bwisit ? bwisit pangalan mo ? “ – Bailey
Binigyan ko siya ng masamang tingin na ikinaurong niya sa kinatatayuan niya . Kasisimula palang ng araw ko narumihan na agad ang polo ko , at itong lampa na ito ang may kagagawan ! Bwisit naman talaga oo .
Dahil first day ko at huling skwelahan ko na ito ay nilagpasan ko nalang siya at naglakad nalang muli . Tss !
“ Bwisit ! Wag na wag kang magtitiwala kahit kanino ! “ – Bailey
Napahinto ako sa sinabi niya .
Hindi niya na kailangan pang sabihin 'yon , dahil unang una palang wala na akong balak na magtiwala pa kahit kanino .
Paglingon ko sa likod ko , nagtaka ako dahil wala na ito . Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko na ito nakita pa .
Saan nagpunta yun ?
Tae ! Paki ko ba !
-
‘ Siya ba yung Transferee ? ang malas naman niya’
‘ Tama ka , sa dinami dami ng pwede niyang pasukan na Universities ay dito pa siya napunta’
‘ E sa wala na akong mapupuntahan o mapapasukan ? dahil last choice ko na ito ?’ – gusto kong sabihin yan dun sa dalawang babae na nakaupo sa harapan ko . Akala mo kung pagkwentuhan ako ay parang wala ako sa likuran nila . Tss!
“ Hi “
Lumingon ako sa bumati saken . Kumunot ang noo ko , bakit lapitin yata ako ng babae dito ? . Inirapan ko lang siya at sa iba ko nalang ibinaling ang attention ko .
“ Gwapo ka sana ang sungit mo naman “ rinig kong bulong nito .
Bakit ang hilig nilang bumulong ng malakas ? ganito ba talaga dito ? . Argh ! Kung meron pa sana akong ibang mapapasukan hindi ko pipiliing dito pumasok e .
“ Aubrey , hayaan mo na muna . Bago hindi ba ? baka naman nahihiya pa siyang makipag-usap “
Napalingon ako dun sa katabi nung Aubrey daw . Maiksi ang buhok nito na hanggang balikat at kulay itong cream . Maganda siya , pero kulang sa height . -_- .
“ Yun na nga e , dapat kung bago siya dapat siyang maging mabait at hindi yung magsusungit agad siya “ – Aubrey
“ Tumahimik ka na nga “ napalingon siya saken kaya ngumiti ito ng pilit “ Pasensya ka na sa kaibigan ko ha ? “ tumayo ito at hinawakan sa braso ang kamay niya “ Tara na , kailangan pa tayo sa SC Room “
Bago tumayo yung Aubrey , ay tumingin muna ito ng masama saken at inirapan ako . Tss !
Pero teka ! . SC Room ? ano yun ? Soft Copy Room ? diba ebook yun ? . May ganun pala dito ? astig ah ! Makahingi nga ng SC mamaya sakanila . Mahilig akong magbasa e’ lalo na kung RomCom , Action , Adventure , Horror at Mystery/Thriller . Ang astig kaya ng mga ganun !
*PAK*
Nasapo ko ang bolang bigla nalang saking ipinasa . Buti nalang at mabilis ang pakiramdam ko kundi tatama ito saken .
Masamang tingin ang ibinigay ko dun sa bumato saken ng bola . May kasama itong dalawang lalaki at isang babae . Silang apat ay nakavarsity na damit .
Astig ah ? Varsity din yung babae ? .
“ Problema niyo ? “ seryosong tanong ko at tumayo ako mula sa kinauupuan ko . Pinasa ko ulit dun sa nambato saken kanina yung bola , mabilis niya itong nasapo .
“ Naglalaro ka ng basketball ? “-maangas na tanong nito .
Umangat naman ang gilid ng labi ko . Hindi na kailangan itanong yan , yan yata ang hilig ko .
“ Oo naman , ano game ? “ – maangas din na tanong ko .
“ Aba , maangas mga pre ! “ sabi nung babae .
“ Hahahaha “ tawa nung dalawa . Meron bang nakakatawa sa sinabi ng kasama niya ? Tss!
“ Game ! , 10:00 am sa Cover Court “ nakangisi niyang sabi ganun din ang ginawa ko . Lumapit siya saken at ipinatong nito ang kaliwang kamay niya sa balikat ko . “ One on One “
“ Sure “ tinapik niya ako bago ito lumabas ng silid .
Lumingon ako sa tatlo pa niyang kasama .
“ Your going down Boy ! “ at nag curse hand pa ito . Tss ! Ke babaeng tao , bastos ! Umalis na silang tatlo sa harapan ko .
Aba ! Unang araw ko palang yata , parang mapapasabak na ako ah ?
-
EDITED