Chapter 36: Sweet

Start from the beginning
                                    

"Seryoso ka nga?" Natawa naman si Jerome na nasa tabi ko.

[Ano bang problema mo? May tiwala naman kami kay Jerome kaya magtiwala ka rin. Ikaw ang syota tas ikaw ang walang tiwala. Ayus ka ah.]

"Pa! Itigil mo nga yang syota na yan. Pang-kanto talaga e!" Narinig ko namang tumawa sya sa kabilang linya. Abno rin talaga to ee.

[Oo na. Sige na. May kelangan pa akong asikasuhin. Basta mag-ingat kayo ni Jerome.] Sabi nya. Magsasalita pa sana ako kaso binaba na nya ang telepono. Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana ng pagbababa sa telepono agad.

Binalik ko na yung cellphone kay Jerome na sobrang lapad bg ngiti.

"Baka naman mapunit na yang mukha mo sa kakangiti." Komento ko.

"Pumayag kase sila. Kala ko hindi e."

"Akala ko rin e. Psh. San ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Magtatanan tayo." Seryoso nyang sabi sabay pa-andar ng sasakyan. Teka, hanudaw?!

"Gag* ka ba? Tanan ka dyan!" Tinawanan nya lang ako.

"Eto naman, di mabiro. Pupunta lang tayo sa Tagaytay." Sagot nya.

"Tagaytay?! Ang layo nun!" Sigaw ko.

"Malapit lang yun, ano ka ba? Basta akong bahala sayo. May tiwala ka naman sakin diba?" May tiwala naman ako e.

"Oo naman. Kas---" He cut me off.

"Yun lang ang kelangan kong marinig. Kung gusto mong matulog, matulog ka lang. Gigisingin na lang kita kapag andun na tayo." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"Okay." Sabi ko tas sinandal ko na yung ulo ko sa bintana.

++++++++++++++++++++++++++++++

"Lance." Nagising ako sa malumanay na boses ni Jerome na bihira ko lang marinig. Minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko at bumungad sakin ang isang nakangiting Jerome.

"Andito na tayo?" Tanong ko sa kanya. He slightly nodded.

"Ano bang meron sayo? Bat ka nakangiti dyan?" Tanong ko. Bigla naman naging seryoso ang mukha nya. Tsk. Bipolar.

"Lance, kahet ngayong araw lang. Let's try to be a normal couple." Normal? What does he mean?

"Normal naman tayo ah. Wala namang may diperensya sa utak sa ating dalawa. Wait. Wala nga ba?" Napa-buntong hininga sya at naiiling na humarap sakin.

"Lance, wag ka munang mamalo, mambara, manapak o kung anoman sa araw na to. Let's try to be sweet." Di ko alam kung dapat akong ngumiti sa sinabi nya. Di ko maiwasang isipin na..

"Di ka na ba masaya?" Bigla syang tumawa ng malakas. Aba haup! Nagawa pang tumawa!

"Tang*na! Sige! Tawa pa!" Sabi ko habang pinapalo sya. He reached for my hands and held it tight.

"San mo ba napulot yung sinabi mo?"

"E kase parang gusto mong ibahin yung nakasanayan natin.".

"Di naman dahil sinabi ko na magpaka-sweet tayo ee ay di ako masaya. Kailanman, di sumagi sa isip ko na malulungkot ako kapag kasama kita." Napangiti ako sa sinabi nya.

"Eh bakit gusto mong magpaka-sweet?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang makita kung bagay satin. Try lang natin ngayon." Sabi nya habang nakangiti.

"Please?" Sabi nya gamit ang malumanay nyang boses. I bit my lower lip. Papayag ba ako? Minsan lang naman kase to mang-trip, kaso ang hirap namang gawin ang isang bagay na wala akong kaalam-alam gawin. -,-

Her Secret Revenge [Completed]Where stories live. Discover now