Chapter 1. The Boss

204 5 1
                                        

A/N: Hi! 2nd story ko to. BxB ulet. Hays! Yun una ko mejo di ko na alam gagawin dun eh. Haha!

Hope you'll enjoy this. Mejo serious po to kaya sana wag kayo mabore. Di ako magaling sa romantic comedy. Comment if you like. Start na tayo mga dre.

Ross POV

Blaaag! Ayun bagsak! Angas kasi ng nito eh!

"Ano aangas ka pa dre?" kinuwelyuhan ko siya sabay angat. Kawawa naman tong mokong na to. Duguan eh! Hehe!

"Boss, ok na yan. Baka mapatay mo yan mayari pa tayo." sabay tapik ni Bryan sa balikat ko.

Binitawan ko naman yung timang na yun. Ayun parang lantang gulay na bumagsak sa semento.

Hays! Nakakaboring talaga. Good thing I have lame faggots to play with. Mula ng mauso tong senior high dito sa pinas sobrang nakakainis na. Haba pa ng igugugol ko sa school. Wala namang kwenta.

Buti nalang andito ang barkada kaya masaya din naman. At yung binugbog ko kanina? Ewan ko kung sino yun! Haha! Yung maangas na transferee. Ugok yun ayaw pumili ng babanggain.

2 hours earlier.

"yahoooo! Hahaha!" sigaw ng sigaw si Bryan. Ewan ko lang kung ano nakain ng taong to.

"Mga dre, si Steph kakatext lang. Sinagot na niya ko! Haha!" si Bryan.

"Ayun oh! Painom ka naman!!" bulyaw ni Rick. Sabay naglapitan din samin yung iba pa naming kasama. Parang ang laking balita ng pagkakaron ng syota ni Bryan ah.

"Naku naman Bryan! Tang na ka parang nung isang araw kakasagot lang sayo ni Trixy ah!!" ako. Sabay batok sa feeling poging to.

"Oi boss walang basagan ng trip!" bulyaw din naman ni Bryan habang himas himas ang batok niya.

"Oo nga naman Boss! Paminsan minsan yaan mo naman kami ang magkachiks!" gatong ni Rudy. Habang nakangising aso.

"Hoy Rudy! Ulul ka! Maka kami ka jan? Tang na mo kelan ka pa nagkachiks? Haha! E hanggang ngayon virgin ka pa eh! Wahahaha!" pambabara ko naman kay Rudy.

At nagtawanan na nga buong tropa.

Ok na ang kantyawan namin nang biglang may bumato samin! Ang malas din naman kung sino man yun dahil ako ang tinamaan. Pati mga kasama ko natahimik.

"What the fuck! Sinong lokong bumato saken??!!" yung mga estudyanteng nakatambay puro natahimik din. Yung mga nerd parang nanginginig pa! Pero kung sino man yun, mata lang ang walang latay pag nahuli ko!

"Hey you moron! That's me! Cant you see that your noise is such a destraction for everyone here?" may chinitong mukang labanos na lumapit. Meron pa siyang parang 6 na alipores sa likod niya. Lakas din ng loob ng labanos na to ah. Maya papuputukin ko ang mga mata nito nang tuluyan ng pumikit. At nag e-english pa si kamote!

"Fuck you dude! Sinong tinawag mong moron dre?" sagot ko at talagang yung kamao ko kuyom na sa galit.

"Oh sorry dude! I just realized that you dont qualify for that! Coz you're a friggin idiot!" sabay duro pa niya saken.

Di na ko umimik sabay suntok sa muka niya. Ayun putok ang nguso ni labanos sabay bagsak sa semento. Yung mga kasama niya sa likod sinugod ako. Pag kasuntok ko dun sa isa rumesbak na din mga tropa ko. Sa tindi ng galit ko kay labanos siya lang nakikita ko. Nung akmang tatayo siya bigla ko naman siya tinadyakan sa sikmura.

"Ano ispokening dollar ka pa? Lampa ka naman pala!" ako.

Bigla naman siyang bumangon at sumugod ng suntok saken pero masyado mabagal kaya nailagan ko. At ubod ng lakas ko naman siyang sinikmuraan. Napaluhod siya sa sakit at pagkatapos nun nagdilim na paningin ko. Basta binugbog ko lang siya ng walang humpay.

Tumigil lang ako sa tapik ni Bryan. Pagtingin ko sa kasama ni labanos mga bagsak na din.

"Mga dre sibat na tayo!" si Bryan. At yun nga nagsi takbuhan na kami. Kung ako si Luffy siya naman si Zorro. Ako ang captain at siya ang first mate.

"Hahaha! Mga dre sa guidance nanaman tayo mamaya nito." si Rudy. Habang tumatakbo kami. Eto namang mokong na to si Mr Vain. Conscious lagi sa sarili.

"Oo nga. Ang epal kasi nun eh! Gang ba yung mga yun?" si Harry habang hinihimas niya kamao niya. Si Mr Nice! Maawain sa hayop pero hayop naman kung mambugbog.

"Siguro. Bagong muka yun. Malamang transferee." si Arnold. Ang genius ng gang. Lahat ng bagay alam. Tawag namin sa kanya si Mr Google.

"Ano boss? Naenjoy mo ba yung punching bag mo? Kala ko papatay ka na kanina ah!" tanong naman ni Chris.

"Oo naman dre! Ang lambot nun eh! Hahaha!" sagot ko naman.

"Haha! Baka bading. Yari ka dre napatol ka na pala sa babae ngayon! Hahaha!" Si Rick, ang Clown ng tropa. Pag siya kasama mo. Maghapon kang tatawa.

"Ungassss!" -ako.

Ako naman ang boss. Hehe! Ako kasi bumuo ng grupo namin. Di naman kami mga gangster. Mga basagulero mga yun eh. Kaya lagi namin nakakabangga mga gang dito.

Ako pala si Black Ross Monte Carlo. Kaka-17 ko lang mga 3 mons ago. Kilala ako sa university namin ikaw ba naman maging anak ng mayor eh. Dagdag mo pa ang lolo kong governor. Wala nabangga saken sa school na to kaya malamang transferee nga yung naupakan ko kanina.

Ganito lang buhay ko. Punong puno thrill. But then life gets boring when you always gets what you want. Nagrereklamo ako ng boring aa school but then mas madami pa naman inaabsent ko sa pinapasok ko. Wala kaming nagiging problema sa grades. Angkan din naman namin may ari ng school na to. At di sa pag aano this is one of the most prestigious school here.

Kaya ako ang boss dito. What Ross wants is what Ross gets. Ayun din lagi sinasabi saken ni Daddy.

Can't See but Love (boyxboy)Where stories live. Discover now