Chapter 11 - S. A.

10.6K 477 112
                                    

     'Stranger? Di ka na stranger sa akin. Kilala na kita,' tugon ko.

     'Akala mo lang yun. Sigurado akong hindi ako yung iniisip mo.'

     Pwede. Pero mas lamang sa akin na sya iyon kahit na may ilang bagay na hindi nagtatagpo base sa mga clue na nakuha ko.

     'Sige na. Anong problema? Baka makatulong ako,' pilit ni S. A.

     Napatingin ako kay Zach, na tutok na tutok pa rin sa cellphone nya, dahil sa pagkaalala sa mga sinabi nya dati. Ganitong-ganito iyon at natulungan nga nya ako.

     'Mukhang lovelife,' dagdag pa nya.

     'Hindi. Kaibigan,' sagot ko.

      Napatingin ako sa direksyon ni Zach dahil sa pagkawala ng liwanag ng cellphone nya. Yinakap nya ang unan sa tabi at tumalikod sa akin.

     Nabalik ang atensyon ko sa phone nung mag-vibrate ito. 'Talaga? Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa kanina?'

     'Oo nga,' pagkumbinsi ko, 'Kaibigan lang. Lalaki rin yung tinutukoy ko.'

      Lumipas ang dalawang minuto at hindi pa rin sya nakakapag-reply. Okay, ang laking tulong. Binalik ko na ang cellphone sa night stand, mukhang tapos na ang usapan namin.

     Napabuntong-hininga na lang ako. Ibang klase ang araw na to. Ang pagod ko ay abot na hanggang bukas. Sinubukan ko na muling magrelax para makatulog na.

     "Eros," pagtawag sa pangalan ko na nagpaahon sa akin mula sa namumuong antok. "Eros."

     Dumilat ako at bumaling kay Zach. Nakaharap na rin sya sa akin at mukhang gising na gising pa ang diwa.

     "Oh? Matutulog na ako," bugnot kong sabi.

     "Alam ko," sagot ni Zach. "Hindi mo kasi ako pinapansin maghapon tapos nagbabad ka pa sa cellphone mo."

     "May kailangan kasi akong tapusin, na alam mo naman," tugon ko. "Kailangan kong magawa agad para makapagpraktis din sa Mahiwagang Batis."

     Bumangon si Zach, naupo sa kama nya. "Galit ka pa nga."

     "Bakit? Dahil kita sa mukha ko?"

     Napasinghal si Zach. "Ganyan naman lagi mukha mo pagdating sa akin."

     Naramdaman ko ang biglang pagpatag ng kunot kong noo. Sobra naman yung palagi, at natural lang yung ngayon dahil sa ginawa nya kahapon.

     "Ramdam ko," sagot ni Zach sa tanong ko. Muli syang tumalikod, hinawi nya nang kaunti ang kurtina kaya mas nakapasok ang malamlam na liwanag ng gabi. "Sige na, matulog ka na. Pasensya na sa abala. Sorry ulit sa kahapon."

     Wow. Ang lakas naman makakonsensya nito. Matapos ipamukha sa akin na palaging mainit ang dugo ko sa kanya, nagsesenti naman ngayon sa bintana. Kung sinasadya nya o hindi, effective ang ginagawa nyang pangongonsensya.

     Isang malalim na paghinga, bumangon ako at naupo sa tabi ni Zach, nakatalikod sa durungawan. Napalingon sya sa akin, tinugon ko ang mga mata nya.

     "Nag-alala kasi ako," sabi ko. "Bukod sa nagtampo si Chris sa akin sa hindi ko pagsama sa kanya dahil sayo. Sobrang nag-alala lang ako sayo tapos. . ."

      Binalik ni Zach ang tingin sa labas. "Alam kong hindi sapat ang sorry sa nangyari, pero sana maramdaman mo na sincere naman ako."

     "Alam ko naman yun," tugon ko.

     Sumandal si Zach sa akin, ang init ng braso nya ay nangingibabaw sa lamig ng gabi. "Ikaw ang unang tao na masasabi kong kaibigan. Hindi pa tayo matagal na magkakilala pero. . ."

     "Tumigil ka nga," pagsuway ko kay Zach. "Hindi bagay sayo."

     Bahagya syang natawa. "Totoo naman kasi."

     "Drama mo," kumento ko.

     "Bati na tayo?" tanong ni Zach.

     "Hindi naman kita hahayaang sumandal kung hindi," sagot ko. "Pero dapat may Dan Eric's bukas."

      Tuluyan nang sinandal ni Zach ang ulo sa balikat ko. "Noted."


•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Sino nga kaya si S. A.? Hmmmm

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu