Cafeteria

0 1 0
                                    

Narating ko na ang building namin.Apat na palapag ang nursing department at nasa ikalawang palapag ang unang klase ko.Inakyat ko ang ikalawang palapag gamit ang hagdan sa kaliwa.Mas malapit kasi ang room ng first period ko doon.

Pagpasok ko sa classroom ay wala pa ang Prof. namin.May iilan ring kulang sa mga kaklase ko.Yung iba naman sa kanila nasa labas,nagchichikahan.

Tinungo ko ang aking upuan at inilapag ang aking bag.Inilabas ko na rin ang mga gagamitin sa klaseng ito para ready na.Nang maiready ko na ang mga gamit ko ay kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jennica--isa sa mga kaibigan ko.Kami lang kasi ni Jennica ang magkaklase sa oras ng subject na ito.Yung ibang kaibigan naman namin ay iba ang first period.

Nagtipa ako ng itetext.'Jen,nasaan ka na?Nandito na ako sa classroom.I'll wait for you here.'

Wala pang isang minuto ay nakatanggap kaagad ako ng reply ni Jennica.'On the way na ako Louisse.Just chill okay?Di ka naman sasaktan ng mga kaklase natin.'

She's right.Hindi ako sasaktan ng mga kaklase namin.Never rin naman ako sinaktan ng mga kaklase ko dahil sa mga kaibigan ko na rin.I'm very thankful to have them.Sila ang pumoprotekta sa akin.Kaya hindi ako nabubully sa classroom.May pagkamahinhin kasi ako kapag hindi ko kasama yung mga kaibigan ko kaya minsan ay napagtitripan.Pero kapag kasama ko naman sila ay parang mga kuting sa tabi tabi ang mga nangtitrip sa akin.

Inilibot ko ang aking paningin.Tiningnan ko ng isa-isa ang mga kaklase kong parang nangangain ng tao.Nagtagpo ang paningin namin ni Janice-the bitch,isa lang naman siya sa mga nangtrip sa'kin.In fact,siya ang pinakamalakas mangtrip among her circle of friends.The last time I remember ay binuhusan niya ako ng kape sa hallway.Mag-isa ako non at kokonti lang ang tao kaya hindi na nakaabot kina Jennica ang balita.Basang-basa ang outfit ko that time,buti nalang palagi akong may extra sa locker kaya nakapagpalit ako.

Janice gave me a smirk bago bumalik sa ginagawa niya.Saktong namang pagdating  ni Jennica kaya nawala na rin yung nerbiyos ko.

"Louisse!"lumapit sa'kin si Jennica at nagbeso.We do that everytime na nagkikita kami."So ano,may nang-away ba sa'yo?Wala diba?"

"Wala naman."tugon ko.

Dumating na ang Prof. namin.Agad kaming nagsitayuan at binati siya ng magandang umaga.Sinabihan niya kaming maupo na at nag-umpisa na sa pagtuturo.

Ang boring ni Prof.Yung tipong aantukin ka sa bawat lessons niya.Pero honestly,lahat ng teachers namin ay boring magturo.Except kay Prof. Chase,ang nagtuturo sa amin ng calculus.Gwapo kasi siya at medyo bata pa,kaya excited ang lahat pumasok sa kaniya.

Natapos ang isang oras at na talakayan sa first period.Sumunod ang second period.Third period at hanggang naglunch time na.

Pumunta muna ako sa hallway kung saan nakapuwesto ang mga lockers.Binuksan ko ang akin at ipinasok ang mga gamit ko na tapos ko ng gamitin.

Tumunog ang cellphone ko.Chineck ko ito at may text message pala ni Jennica.'Where are you Louisse?We're here at the quadrangle.Hurry.Let's have lunch na.'

Nireplyan ko si Jennica.'I'm coming.'Inilock ko ang locker ko at tinakbo ang papuntang quadrangle.Tinungo ko ang favorite spot namin.Ang waiting shed sa pinakadulo.

Mga ilang metro pa ang layo ko ay tanaw ko na ang mga kaibigan ko---si Jennica,si Corinne at si Kassandra.Nakita nila ako at kumaway sa akin.

.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang cafeteria.Nasa hallway pa lang kami at ilang blocks pa bago ang cafeteria.May ilan kaming mga kaklaseng nakasalubong sa hallway.Yung iba ay nginitian kami at yung iba naman ay walang pakialam,yung parang hindi ka nila kilala.

Pagdating namin sa cafeteria ay agad kaming dumiretso sa counter.Nag-order kami ng aming makakain.I ordered a medium-size vegetarian burger and a glass of honey and lemon juice.Jennica ordered burger and fries and a can of soda.Kassandra ordered steak and a can of del monte pineapple juice while Corrine---may baon siyang pagkain.Palagi siyang may baon kaya hanggang juice lang ang maoorder niya kasi sayang naman kapag di niya kinain.

Pagkatapos naming mag-order ay dumiretso na kami sa table namin.Yes.Table namin.Kami lang ang maaaring umupo dito.May kanya-kanya rin naman kasing puwesto ang bawat grupo ng estudyante dito.

Malaki ang cafeteria ng university.Marami kasing nag-aaral dito kaya dapat malaki rin,kaya ang kalabasan ay maingay ang cafeteria.Mas lalong umingay dito sa loob ng dumating ang mga tagaHRM department.'Chill when breaktime'daw kasi kaya sinusulit nila ang pag-eenjoy dahil marami daw silang ginagawa.

Nakafocus lang kami sa mga pagkain namin.Binabalewala ang ingay sa paligid.Nag-open ng topic si Corrine tungkol sa darating na semestral break.


"So,saan tayo this semestral break?"si Corrine na may halong excitement sa mukha.


"Anywhere na may beach?"ani Kassandra.

"What if magboracay tayo?"finally,sumabat na si Jennica.


Tango lang ang tanging nagawa ko sa mga ideya nila.Sumasama lang naman kasi ako kahit saan.So gora lang ako kung saan gusto nila.

Halos maubos namin ang oras ng lunch break sa pag-iisip kung saan kami this semestral break.Nakapagpaalam na ako kina Mommy at Daddy kanina at pinayagan naman nila ako.Tinanong nila ako kung saan daw kami at kung ilang araw pero sinabi ko na hindi pa nakakapagdecide ang mga kaibigan ko.


Biglang tumahimik ang cafeteria ng bumukas ang pinto.Nakatayo dito ay ang grupo ni Denver,ang pinakabully dito sa school.Ang immature nga eh,nasa kolehiyo na kami pero pambubully pa rin ang laman ng utak niya.Kamag-anak niya kasi ang guidance counselor kaya wala siyang pakialam.I wonder if pumunta ba siya dito para maglunch o para mambully na naman.


Napuno ng bulungan ang area ng nagsimulang maglakad sina Denver.Kinakabahan ang bawat isa sa amin dahil hindi namin alam kung sino naman ngayon ang pupuntahan at bubugbugin niya.Nilagpasan niya ang table namin at nakahinga ako ng maluwag.


But sadly,huminto siya sa table sa likod namin.Tumalikod ako para makita ang nangyayari.Nakatayo sa Denver sa harap ng isang lalakeng estudyante.TagaLaw department yata.


Nagulat ang lahat,yung iba ay naghiyawan ng kinuha ni Denver ang juice ng lalaki at inula sa damit nito.Nabasa ang buong damit ng lalaki ngunit wala itong nagawa.

Mas dumami pa ang tao sa cafeteria.Yung iba kahit na tapos ng maglunch ay tinakbo talaga ang daan papunta dito para lang makiusyoso.

Hindi pa nakuntento si Denver.Pinulot naman niya ang pinggan ng lalaki at ibinuhos sa ulo nito.Wala pa ring nagawa ang lalaki at hinayaan nalang si Denver sa ginagawa.Ngunit kita sa expression ng mukha ng lalaki ang galit at parang any moment ay tutulo na ang luha niya.


Dumating ang guidance counselor at ilang staff."Mr. Gomez!Ikaw na naman."kalmadong sabi ni Ms. Lilanie na parang sanay na sa nangyayari.

Tinulungan ng dalawang staff ang lalaki.Jake daw yata ang pangalan.Pinasunod naman ni Ms. Lilanie si Denver sa office niya,pero bago sumunod si Denver ay tumingin siya sa'kin at nagsmirk.


Kinabahan ako. Napaisip ako kung bakit niya ginawa iyon.May nagawa ba ako sa kanya?Ano ang ibig sabihin non?


#

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Virgin (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon