Louisse

0 1 0
                                    

Monday morning.Nagising ako ng maaga dahil sa nakakairita kong alarm.May pasok ngayon kaya kailangan maaga akong magising.Matagal kasi ako sa CR at napakabagal kong mag-ayos.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga.Medyo nahilo ako sa biglaang paggalaw.Strinetch ko ang mga kamay ko at ang aking buong katawan.Ang sakit ng katawan ko.Ang hirap rin pala matulog.

Pinatay ko ang lamp sa gilid ng aking kama.Binuksan ko ang kurtina ng glass wall ng aking kwarto at bumungad sa akin ang baybayin.Malamig ang simoy ng hangin.At parang kinikilabutan ako sa bawat dampi nito sa balat ko.

Bumalik ako sa kama at inayos ang aking higaan.Inayos ko ang aking mga unan na may disenyong itim na rosas.I love the color black.Kaya black rin halos lahat ng gamit ko.Shirts.Black.Shoes.Black.Purses.Black.Jeans.Black.Name everything that a girl can have.Mine is all black.At kung hindi naman itim ay gray.Inayos ko rin ang kumot ko-na kulay black rin.


Pagkatapos kong maayos ang aking higaan ay bumaba na ako ng bahay.Dalawang palapag ang bahay namin at may rooftop.Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig.Hindi man lang ako nabahala na hindi pa ako nakapag-ayos ng sarili.Hindi pa ako nakapaghilamos and I'm still wearing my pajamas--yes, I still use pjs.Which of course are black.


Uminom pa ako ng isang baso.Grabe ang pagkauhaw ko.At ang dry ng lalamunan ko.Nakalimutan ko siguro na uminom ng tubig bago matulog,which is a part of my daily routine before going to bed.

"Good Morning Louisse!Gising ka na pala."bati sa akin ni Manang Mary.Isa si Manang Mary sa tatlong kasambahay namin.Specifically,siya ang nagluluto.Siya kasi ang pinakamagaling at pinakamasarap magluto among the three of them.But of course,she still do other house chores.


"Good Morning!"bati ko rin kay manang Mary na may kasabay na ngiti.Pumunta ako sa lababo at hinugasan ang ginamit kong baso.Isa lang naman 'tong baso kaya huhugasan ko na.

"Ma'am Lou-"I cut her off.

"Just Louisse Manang Mary."Ayaw ko kasing tinatawag akong Ma'am,Madame or whatever.And mas matanda si Manang Mary kaysa sa'kin kaya it's so weird if she calls me ma'am.At isa pa,I just don't like the idea of it.I just want her to treat me like anybody,like a regular person and not as her boss.

"Uhm.Sorry po ma-Sorry Louisse.Nakalimutan ko na naman."I smiled."Kapag tumatanda nga naman."aniya.

Iniwan ko na sa kusina si Manang Mary.Magluluto na rin kasi siya ng breakfast at kailangan ko na rin magready para sa school.Inakyat ko ulit ang hagdan patungo sa pangalawang palapag ng aming bahay.Pagdating ko ng kwarto ay inihanda ko na ang aking susuotin.At dahil sa isang university ako nag-aaral,eh wala kaming uniform.Kaya ikaw na yung bahala sa susuotin mo.

Nagbihis ako pagkatapos kong maligo.Black jeans.Black shoes.And a black shirt-with a printed 'hey' in the middle.Luckily,the 'hey' is white kaya hindi naman ako magmumukhang pupunta sa patay sa outfit kong ito.Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table.Inayos ko rin ang bag ko.Im all set.All I have to do is to eat breakfast and I'm off to school.


Bumaba na ako at dumiretso sa dining area.Nakaupo na sina Mom at Dad sa kani-kanilang puwesto.Ganun din si Khael-kapatid ko.Fifteen years old na si Khael at mas naging seryoso na siya sa buhay.He's not that sweet brother of mine anymore who used to greet me 'good morning' every breakfast.May sarili na siyang mundo.

Inilapag ko ang aking bag at naupo."Good Morning Sweetie."bati ni Mom at Dad.

"Good Morning!"bati ko rin.

Kumuha na ako ng pagkain dahil nagugutom na ako.At ayaw ko rin malate sa school.Kumuha ako ng isang sunnyside-up na itlog,ilang bacon strips,isang cup ng kanin at isang saging.Marami pang nakahandang pagkain sa mesa kaso nacoconscious ako sa katawan ko kaya dapat sukat yung mga kinakain ko.Nagpaserve din ako kay Manang Jane--isa rin naming kasambahay,ng fresh pineapple juice.For better digestion.LOL.Ang dami kong alam.

Nang matapos ang breakfast ay ipinahatid na kami ni daddy sa driver namin-si Manong Ali.Bumiyahe na rin sina Mom at Dad sa trabaho nila kaya hindi nila kami hinahatid.Sa likod kami ng sasakyan nakaupo.Ang boring ng biyahe.Si Khael naman nakapikit lang habang suot ang kanyang headphones.Ine-enjoy siguro ang magandang musika.May maganda kasing taste sa musika si Khael.I know it because I have listened to his playlist when he's still twelve.

Pagkatapos ng halos thirty-minutes na biyahe ay nasa harap na kami ng isang gate.Napakalaking gate.Ang gate ng paaralan ko.Si Khael kasi eh sa kalapit na school mag-aaral dahil nasa grade nine palang siya.


Pinagbuksan kami ng gate ng nakaduting guard para makapasok.Nang huminto ang sasakyan ay naunang bumaba si Manong Ali at pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat po."

Huminga ako ng malalim.Masayang-masaya na nakasurvive ako sa tahimik na biyahe.Hinintay kong makaalis sina Khael bago binaybay ang daan patungo sa building namin.

#




The Virgin (ONGOING)Where stories live. Discover now