CHAPTER 33 (EDITED)

Start from the beginning
                                    

"Pero,ma'am--"

"Don't worry,they're my friends."I smiled.

Agad namang binuksan ni kuya guard yung gate at pinapasok sila.

"Ano pa lang ginagawa niyo dito?"I asked.

"Kakamustahin sana kita--I mean namin pala."Nakangiting dagdag ni Ivan at saka umakbay sa katabi niyang si Cash.

"Talaga? Sige,tuloy kayo."Sabi ko at pinagbuksan kami ng guard ng door.

"Upo kayo,teka...kumain na ba kayo?"I asked.

"Yes."Maikling sagot ni Ivan at nilingon naman si Cash.

"M-mm...Busog pa naman kami."Sagot niya habang diretsong nakatingin sa'kin.

Nakaramdam naman ako ng biglang pagkailang ng biglang...

*Grrrgggghh*

"Tsk,tsk...you're lying,bro."Natatawang tugon ni Ivan ng biglang tumunog yung tyan ni Cash meaning na he's hungry.

"Pftt..."Muntik pa akong napahagalpak ng tawa dahil dun.Napahawak siya sa tiyan niya tsaka nahihiyang nag iwas ng paningin.

"Ehem,wait lang ah,magpapahanda lang ako ng pagkain.Mukhang gutom na kayo eh.Kumain na ka rin ulit,Ivan.Dyan lang muna kayo,saglit lang ako."Sabi ko at dumiretso sa kusina.

"Yaya Cherry,pwede po bang pahanda ako ng the best na dish niyo.Mukhang hindi pa kasi kumakain yung dalawang kaibigan ko,tapos pinuntahan pa talaga ako nila dito sa mansion para kamustahin."Nakangiting tugon ko.

"Naku,ma'am.Napakabait po talaga ng mga kaibigan niyo.Sige,ma'am,ihahanda ko po ang pinakamasarap na dish para sa inyo."Sabi ni yaya Cherry at tinanguan ko naman siya.

Maya maya ay nakita ko naman si Annie na may hawak na tray na may juice at sandwich.

"Annie.."Tawag ko sa kanya.Nilingon niya naman ako.

"Ma'am Cassy..."Sabi niya.Kunyaring nagtampo naman ako sa kanya.

"Tayong dalawa lang naman ang nandito eh,bakit ma'am ang tawag mo sa akin?"Kunyaring nakasimangot na tanong ko.Natawa naman siya.

"Okay,Cassy na,pero Cassy namiss talaga kita!"
Pabulong na sigaw niya at ibinaba ang hawak niyang tray at niyakap ako.

Niyakap ko rin siya.

"Ako rin,namiss din kita ng sobra!"Pabulong na sigaw ko rin.Nagbitiw naman kami sa pagkakayakap.

"Ito nga pala yung meryenda ng mga manliligaw mo dyan sa sala habang hinahanda pa namin yung pinakamasarap na dish."Nakangiting sabi ni Annie.At kinuha ulit ang tray.

"Ano ka ba,hindi ko sila mga manliligaw.Mga kaibigan ko lang sila."Naiilang na sabi ko.

"Ibibigay ko lang ito sa kanila."Sabi niya.She was about to go pero tinawag ko siya.

"Annie,ako na lang ang magbibigay sa kanila."Nakangiting sabi ko.Nginitian niya rin ako bago tinanguan.

"Buti na lang,salamat Cassy.Sa totoo lang kinakabahan ako kapag nakakakita ng lalaki lalo na at gwapong kagaya nila baka pumalpak
pa ako."Sabi niya.Natawa naman ako.

"Hahaha,sige na,ako na ang bahala dito.Thank you."Sabi ko at saka dumiretso sa sala dala ang tray.

Napansin ko naman na nag uusap si Cash at Ivan.

"Here,magmeryenda muna kayo habang hinahanda pa yung ibang food."Sabi ko kaya napatigil sila sa pag uusap.

"Wow,what is that? Sandwich?! Favorite ko yan,Cassy."Nakangiting sabi ni Ivan at kumuha ng isa at kumagat.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now