"He will never be worthy of you, Lovely!" Umirap na lamang ang kapatid ko si Alyx. I smiled at her. Pinilit kong ngumiti kahit kitang kita sa kanyang mga mata ang halong inis at pangamba. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang aking mga gamit upang ilagay ito sa aking shoulder bag. Bumuntong hininga siya.
“Don’t you worry so much Alyx. I’m already a grown up. Hindi mo naman ako kailangan laging bantayan. Besides, mas matanda ak—"
"Yet, you’re still dumb and don’t know kung ano ba talagang halaga mo bilang babae!" She almost shouted infront of my face pero hindi ako nagpatinag. Hindi nagpatinag ang nararamdaman ko. Desididong desidido ako upang maayos 'to.
"Hayaan mo muna ako Alyx. Kaya ko 'to. Kaya ko yung sarili ko," kinuha ko ang aking bag na nakalagay sa upuan at tumayo. Inayos ko ang akin sarili upang maging presentable sa taong haharapin ko. Tinignan ko siyang muli at alam kong sukong suko na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Gusto ko man matawa pero baka batuhin na niya ako ng kung ano mang mahawakan niya.
"You’ve cried enough Lovely! Tama na yang katangahan na 'yan. Makikipagkita ka nanaman doon sa lalaking walang ginawa kung hindi ipagpalit ka sa iba? Sa tingin mo ba pagmamahal pa yon ha!" I ignored her. Just like how I ignored all the rejections and pain sa mundo. I'm used to this. Ano ba naman kasing magagawa nila kung talaga gusto ko ang isang bagay? Tinalikuran ko na lamang siya dahil buo na ang desisyon ko.
Buo na ang desisyon ko na muling kausapin si Timothy. Gusto kong maayos lahat ng nasa pagitan sa amin. Wala naman akong planong makipagbalikan sa kanya kahit ilang beses niya na akong niloko pero, parang ganoon na nga ang nakikita ng mga tao. At parang ganoon na nga ang bagsak ko.
Makikipagbalikan pa rin ako kahit alam kong ginagago na ako. Kahit alam kong mali na ang ginagawa sa akin. Pero ano pa bang magagawa ko? Iyon yung gusto ko. Ito yung sinisigaw ng puso ko.
Kinuha ko ang car keys ko at muling tinignan si Alyx. Sobrang lumo niya at disappointed sa akin. Alam ko iyon. Marami na akong nabigong tao dahil paulit ulit kong pinili yung lalaking mahal ko over them... But, I just can’t let him go.
"Sorry Alyx, i’ll chat you kung magiging ayos ang lahat," kinuha ko ang car keys ko at nagpaalam. Bago ko pa man maisara ang pinto ay may sinabi na siyang hindi ko naintindihan.
Nang makarating sa kotse ay punong puno ng kung anong thoughts ang isipan ko. I tried to shrug it off. Finocus ko ang lahat ng atensyon ko sa pag drdrive. Ilang beses ako napakagat labi dahil sa tuwing nawawala ang atensyon ko ay may mamumuntik akong mabanggang iba.
Dumadagundong ang puso ko. Hindi sa kaba dahil sa pagdrdrive ko o sa kaba dahil makikita ko ulit ang maamo niyang mukha. Ilang beses ko ng pinagdasal na huwag naman ako sana basta basta mahulog sa mga titig at mapalamuting salita niyo ngunit parang wala talaga akong magagawa.
Parang pinagkoneksyon talaga kami... Oo na! Ako na ang tanga. Pilit kong pinaniniwala yung sarili ko sa delusyon pero alam kong minahal ako nung taong iyon. Lalo akong kinabahan dahil palapit na palapit na akong kung saan kami magkikita.
I parked my car. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at nag isang pasada pa ako para tignan ang aking sarili sa salamin. Inayos ko ang medyo magulo kong buhok at nilagyan ng kaunting kulay ang aking labi at pisngi.
Bakit ba ilang beses natin inaayos yung sarili natin para lamang doon sa mga taong sisirain lang tayo ulit?
Inayos ko ang paglalakad ko. Mahigpit ang kapit ko sa aking shoulder bag. Diretsong diretso ang tingin ko sa aking dinadaanan habang papasok ng restaurant ay lalo akong pinagkakaitan ng hangin.
Halos tawagin ko na lahat ng santo mailaban lang na maging ayos ito. Bumuga ako ng hangin. Inikot ko ang aking paningin hinahanap ang taong iyon at nakita ko siya.
Mukha siyang pagod na pagod. Magulo ang kanyang buhok at halatang stress ang kanyang mukha. Nanginig ang mga labi ko. Inhale. Exhale. Dahan dahan akong lumapit sa kanya na parang bawat kilos ko ay calculated upang hindi lamang niya mapuna ang aking pagkakamali. I smiled at him nang tumingin siya sa akin.
"Love, you look beautiful as always..." Malambing ang tono niya. I smiled at him at inuupo ang sarili ko. Minsan, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na Lovely ang pangalan ko dahil sa bawat sambit niya ay tila merong mga paro paro sa aking tyan. May automatikong waiter ang lumapit sa amin. Nakatitig lamang ako sa kanya habang siya’y nagoorder. Nang matapos ay humarap siya sa akin.
"I’m sorry..." Nginitian ko siya. Medyo awkward ang sitwasyadk kaya hindi ako sumagot. Sa kadahilanan na hindi ko naman talagang alam kung ano ang aking isasagot. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas bago dumating ang aming pagkain.
"Thankyou," I murmured when the waiter served our food. Tumingin akong muli kay Timothy. Nakatitig lamang siya sa akin at halos hindi niya ginagalaw yung pagkain niya.
"What’s wrong?" I asked him bago isubo ang pagkaing nasa aking kutsara. Dahan dahan ko itong nginuya. Napapikit siya ng mariin at pagkadilat niya’y sinalubong niya ako ng ngiti.
"Mamimiss lang kita Lovely. Siguro, dahil... Ayoko na. Hindi ko na kaya. Ayoko na sayo," tumigil ang mundo ko. Pati na ang paghinga ko. Nang tumayo siyang bigla ay doon na rin ako napatayo. Punong puno ako ng emosyon!
"Anong sinasabi mo?!" May kalakasan ang pagsambit ko ng mga salitang iyon kaya may mga taong kumakain ang napatingin sa akin.
"Lovely, huwag kang gumawa ng p—"
"Wala akong ginawa kung hindi ipakita sayo kung gaano ka kahalaga sa akin! I’ve never been tired of loving you and proving you gaano ka kaimportante sa akin. I’ve forgiven you many times Timothy! Ilang beses kitang tinanggap. Dahil nga mahal kita, kaya pleas—"
"Shut up!" A girl showed up. She’s well dressed. Pink cocktail dress ang kanyang suot at nakaheels iyon. Suplada ang kanyang mukha. Napakagat ako ng labi at sa katagalan o kalakas ata ng pagkakagat ko ay nalasahan ko ang onting dugo.
Napatawa ako ng mapait nang biglang mamutla si Timothy, hinatak ng babae ang aking buhok. Maraming tao ang nagtitinginan sa amin. Pero, nawalan ako ng pake. Parang ang nakikita ko lamang sa lugar na ginagalawan ko ay kaming tatlo.
Ang lalaking manloloko. Ang babaeng nagpapaloko. At akong tanga na nasa harapan ng mga basurang 'to.
I smiled bitterly to myself. Hindi ko alam pero tila napuno na ng galit yung puso ko. Ito yung taong paulit ulit mong nilalaban. Ito yung taong paulit ulit mong minahal. Ito yung taong patuloy mong pinagkakatiwalaan. Ngayon, harap harapan ka ng niloko Lovely...
At hindi ko namamalayan na kinuha ko ang kamay ng babaeng nakahawak sa aking buhok, at itinulak siya. Kinuha ko ang wine na nasa table at binuhos ang laman na iyon sa kung ano mang suot niya. Halatang halata ang mantsa na iyon sa kanyang suot.
Dahil kahit gaano ka katama, mali pa rin ang unang makikita sayo. Kung ano yung mantsa mo.
"What have you done to my dress?!" Nanggalaiti siya. Pero, mas malaki ang inis ko sa kanila pareho. Nangingilid ang mga luha ko. I smiled at her. Ibinato ko ang hawak kong wine glass at nabasag iyon sa harap. Walang pagaalilangan na sinampal ang lalaking kaharap ko. At hinarap akong ang babaeng mukhang pinagkaitan na ng dugo dahil putlang putla na rin siya ngayon.
"Are you ashamed? You second low class girl," tumawa ako ng malakas at talagang nageenjoy ako sa atensyon. Nandidiri ako sa kanila pareho. Sobrang nandidiri ako.
"And oh, about your dress? I can buy you tons of that. Isaksak ko pa sa dibdib mong hinaginan," lumapit ako sa kanya and I smiled at her sweetly.
"I think you have the cash. But please, always remember.. Hindi mo mabibili yung class na wala ka ngayon. Taga pulot ka lang ng tira-tira ko..." At lumakad ako papalayo. May ilan akong narinig na pumalakpak. At ang isang waiter na dumaan ay binigyan ko ng ilang libo. Mukhang sapat na yon sa nabasag ko.
Ngayon, ako ay papalayo na sa mga taong nakatingin. Sa gulo ng mundo. Sa babaeng iyon. At sa lalaking walang ginawa kung hindi saktan ako.
Hindi ko alam kung gaano kahalaga ang pagmamahal. Pero, onti onti na akong nawawalan ng pakielam. Onti onti na akong hindi magtitiwala. Onti onti na akong nawawalan ng pagasa. Dahil lamang sa isang tao.
And I promised myself. Maliban sa wala ng magpapatumba sakin...
Astherielle Lovely Madrigal, will never love again.
STAI LEGGENDO
Worth of Love (Worth Series #1)
Storie d'AmoreKung masakit na, lalaban ka pa ba? Kung walang wala na, lalaban ka pa ba? Hahanap ka pa rin ba ng rason para manatali doon sa taong ilang beses kang sinaktan? Kasi ako, oo. At kahit paulit ulit, pipilin kong hanapin... Kung anong tunay na halaga ng...
