30-Anniversary pt.2

7.7K 157 1
                                    

Sam POV

Akala ko nakalimutan na talaga nya yung Anniversary namin.

"Natuwa ka ba sa surprise ko?" Tanong nya sa akin.

"Natuwa naman ako sa surprise mo pero dun sa dahilan mo na may nagyari sayo.Di magandang dahilan yun."

"Sorry wifey.Di na mauulit"

"Thank you sa effort kurt"

"You're always welcome my wifey"

Pagkatapos naming kumain ay isinayaw pa ako ni Kurt.Grabe sobrang saya ko ngayon.Pagkatapos naming sumayaw umupo kami malapit dun sa may magandang view.Kitang kita namin yung mga buildings at mga magagandang ilaw sa kalsada.Nagulat ako ng biglang may lumabas na magagandang kulay sa langit.Wow ang ganda ng fireworks.

Habang masaya akong pinapanood ang mga fireworks ay bigla akong sinuotan ni Kurt ng kung ano sa leeg ko.Yun pala necklace na may nakalagay na "kurt and Sam Forever".

" Thank you Kurt."

"Masaya ka ba?" Tanong nya

"Di mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayong araw na to."

"Mabuti naman at natuwa ka sa surprise ko.Pinaghirapan ko kaya yan" Aba nagyabang pa.

"Alam ko naman yun.Kaya super thank you talaga" Binigyan ko sya ng isang napakahigpit na yakap.

Kumalas sa yakap ko si Kurt pagkatapos pinaglapit nya yung noo namin.Unti unti nyang inilalapit ang mukha nya sa akin kaya napapikit na lang ako.At naramdaman ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin.

Pagkatapos ng halik na yun ay niyakap nya ulit ako.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Where stories live. Discover now