13-Announcement

10.7K 272 10
                                    

Sam POV

Andito kaming lahat ngayon sa Court ng school dahil meron daw i-aannounce ang principal.

"Uy bes okay na ba?"

"Oo.Okay na ako" Masayang sabi ko sa kanya.

"Grabe naman ang ginawa nila sayo.Kung nakita ko lang sila baka ako mambugbog sa kanila.Wala akong paki kahit babae pa sila" Nanggigigil na sabi ni Enzo.Natawa na lang ako sa kanya.

"Okay.Good morning everyone.This is the announcement" Panimula ng Principal

"We are having a trip in Zambales.In our trip will be having a different kind of activities.All is free we have tent,foods.So I hope all of you are going.This trip is on Friday."

Biglang naghiyawan ang buong court sa sobrang tuwa.Grabw nakakaexcite naman.

"Bes nakakaexcite naman.Libre lahat"

"Oo nga eh di na ako makapaghintay sa araw na yun."

Para kaming tanga ni Nikki dito dahil talon kami ng talon.

Sasama kaya si Kurt? Alam ko kaseng wala syang hilig sa mga ganun.Pero sayang naman kung di sya sasama.Tanungin ko na lang sya mamaya.

"Sam,sama sama tayo sa isang bus nila Nikki ah." Naeexcite na sabi ni Enzo

"Sige ba! Mas masaya yun"

-Sa Bahay-

"Kurt sasama ka ba sa School Trip?

" Hindi"

"Ah sige.Sayang naman yun.Magkakasama sana tayo nila Enzo at Nikki sa bus.Tsaka kung di ka naman pala sasama kay Enzo na lang ako sasabay papuntang school" Sabi ko kesa mag commute eh ang daming dadalhin na gamit diba?

Nagulat ako ng biglang nanlaki mata nya.Mas ikinagulat ko ang sinabi nya.

"Sasama na pala ako kase baka mamaya kung ano pang mangyari sayo tapos pagalitan na naman ako" OMG sasama na sya.

"Tsaka sa akin ka na sumabay sa kotse papuntang school.....wala akong tiwala dyan sa Enzo na yan"

Nag nod na lang ako kahit di ko naintindihan yung huling sinabi nya.Hayyst bahala na ang mahalaga kasama sya.Mag aayos pa ako ng gamit ko.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Where stories live. Discover now