Eheeem: Where It All Started

77 5 5
                                        

Sangayon ba kayo sa programang K2-12? Ako 50-50? Haha wala lang, tinanong ko lang. Syempre di naman kayo nagpunta dito para basahin ang opinyon ko tungkol sa K2-12 na yan.

Anong grade na pala kayo ngayon? Comment na kayo at baka makatulong pa ako sa assignments nyo. Jowk lang haha.

So ayon nga, sa di nakakalam taga-negros occidental nga po ako, search nyo nlng po sa Google Map okie? Uhmm grade 11 ako ngayon taz stem yung napili kong strand kase I'll be taking engineering in college.

Sa mga interesado palang malaman yung 'pinagdaan' ko before akong magsenior high basahin nyo ang nasa ibaba.

💜

Eto na nga sa isang public school po ako nag high school at di sila nag o-offer ng STEM kaya kailangan ko pang maghanap ng school na nag o-offer nito. When I was in elementary I graduated as class valedictorian, edi syempre my parents and relatives expect so much of me during my high school.

Pero ng grade 8 na ako may nagtransfer sa school namin. Actually he was my schoolmate nong grade 5 kami tapos ang sabi nila matalino daw sya pero di ko majustify ang mga sinasabi nila kase di ko nga sya classmate tapos nagtransfer sya ng cebu nong grade 6 na kami. And then bumalik sya ng grade 8 na kami. Ewan ko nga kung bakit. I hate him, dahil sa kanya naging top 2 na lang ako sa grade namin at sya ang nag top 1.

Di ko alam kung ilang beses na akong umiyak dahil pinipilit kong agawin sa kanya yung trono ko. Alam nyo yung feeling na bigla lang syang dumating tapos inagaw nya yung posisyon mo? Tapos sobrang depressed ako ng mga panahon na yun kasi si Mama (teacher po sya) pinupush akong mag top 1 tapos di ko magawa. Tapos di mo magawang i voice out yung opinion mo kasi alam mo na di ka nila pakikinggan.

Tapos nitong grade 10 ako sobrang dami ng problemang dumating. Well actually, isa lng naman talaga ang problema na pinagmulan ng lahat eh 'financial problems'. Inaamin ko na to ha? Maarte po talaga ako when it comes to the people I interact with and also the environment.

Syempre dahil alam mo na magta-transfer ka next year dapat mayroon ka ng school na sinasight for senior high school. Eh ako gusto ko kase sa syudad mag-aral eh. 4 hours yung ita-travel mo para makarating sa Bacolod City (City of smiles, paki search nlng po sa Google) kung galing ka sa lugar namin. Tapos si mama parang ayaw nya pa akong ipagtake ng STEM. Halos araw-araw kami nag aaway tungkol lang sa Senior High na yan. Pero sa wakas nanaig din ako sa laban namin dahil sa UNIVERSITY OF NEGROS OCCIDENTAL-RECOLETOS ako mag-aaral wooooohooooo!

Tsaka malelessen naman yung babayaran namin kasi dba mayroong voucher program ang DepEd? Tapos nag apply ako for scholarship nila so di talaga sila mama mahihirapan sa pag papaeskwela sakin.

💜

Share ko lang po yan hahaha bahala kayo umintindi ng sitwasyon ko.

How To Survive STEM Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora