Tumalikod siya upang makaharap sa akin.


"Taga-lupa? Bakit? Ano ang iyong nais?" suplado niyang tanong.


"Wala, may susubukan lang ako." Nakangiti kong sabi at tinaas ang kanang kamay ko at pinalabas ang apoy.


Nararamdaman kong unti-unting uminit ang palad ko kasabay noon ang paglitaw ng apoy sa aking kamay.


"Alam ko na iyan taga-lupa. Alam ko nang pareho tayo ng kapangyarihan, bakti mo iyan pinapakita sa akin?" Tanong niya.


"Wala, wala naman. Sige, aalis na ako. Tapusin mo na lamang yang assignment mo." Nakangiti kong sabi habang hindi pa din inaalis ang apoy sa kamay ko.


Pinaglaho kong muli ang aking sarili papunta sa silid namin ni Kirkus; Nang mapunta na ako doon ay tiningnan ko ang naka taas kong kamay. Unti unting humina ang apoy at tuluyan na itong nawala.


Confirm nga. Kaya siguro hindi ko nagagamit ang kapangyarihan ko sa mundo ng tao dahil walang kapangyarihan sa paligid. Usually naman kasi diba kapag nasa panganib lumalabas nalang bigla ang power?


Pumunta ako sa lamesa namin at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang kutsilyo sa loob at pinaglahong muli ang sarili ko papunta sa silid ni Nahamani.


"Nahamani." bati ko kay Nahamani na nakahiga sa kanyang kama at nagbabasa ng libro.


"Kuya!!" Masayang sabi niya at bumaba sa kama para akoy yakapin.


"Ano ang iyong ginagawa?" Tanong ko.


"Study po." Sagot niya at biglang napatingin sa hawak kong kutsilyo. "Ano po ang iyong gagawin diyan?" Tanong niya sabay turo sa hawak hawak ko.


"May susubukan lang si Kuya mo." Sagot ko at umupo kaming dalawa sa kama. "Nahamani, paano mo napapagaling ang mga sugat sa katawan ng isang nilalang?" Tanong ko sa kanya.


"Simple lang po, iniisip ko lang na gumaling ang mga sugat nila." Dretsong sagot ni Nahamani sa akin.


"Eh, paano mo naman napapagaling ang sarili mo?" Tanong ko.


"Pipikit lang po ako at iisipin ang bandag bahagi ng sugat ko at pagagalingin ko ito sa isip ko na siya namang nangyayari." Sagot niya.


"Sige, susubukan lang ni kuya kung kaya niya bang gayahin ang kapangyarihan mo ha, ayos lang ba?" Tanong ko sa kanya.


Tumango lang siya at tinutok ko ang kutsilyo sa kaliwang braso ko.


"Kuya huwag po! Masakit po iyan." pagpigil sa akin ni Nahamani.


"Alam ko Nahamani, pero susubukan lang ni kuya if kaya ko din bang paggalingin ang sarili ko kagaya mo. If hindi ko kaya, andiyan ka naman eh, pagagalingin mo naman agad si kuya hindi ba?" Tanong ko sa kanya.


Tumango lang uli si Nahamani bilang sagot.


Ngumiti ako agad sa kanya at agad na ginalusan ang braso ko.


"Ouch.." Nasabi ko dahil sa hapdi. Medyo madami-daming dugo ang lumalabas sa braso ko dahil napalalim ang ginawa kong sugat.


"Gagamutin na kita kuya!" Sabi ni Nahamani at kinuha sa akin ang kutsilyo.


"Huwag Nahamani, diba sabi ko susubukan kong gamutin ang sarili ko?" Sabi ko sa kanya at agad kong hinawakan ang sugat sa may braso ko.


"Okay, so pipikit na ako at iisipin kung saan banda ang sugat ko at pagagalingin sa isipan ko tama ba?" Tanong ko kay Nahamani habang nakangiti. To be honest sobrang hapdi niya na talaga pero hindi ko lang pinapakita sa bata.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon