Final Chapter: Wedding

Start from the beginning
                                    

Sino kaya ang may party at may gown dito?

Di na kasi ako nagtataka dahil madalas naman akong binibilhan ni D ng gown para sa party na dadaluhan namin.

Kinuha ko ang gown at may nahulog na maliit na papel mula rito.

Wear this mhie.. I'll meet you later. A service chopper will bring you here..

Napataas mg kilay ko.

Sosyal.. Sasakay pa ako ng helicopter para lang aatend ng party.

Napangiti ako sa sariling naisip.

Di ko naman alam kung anong oras ako susunduin kaya ibinalik ko muna sa pagkasabit ang gown at lumabas ng silid.

Tahimik ahh.. Nasaan kaya sina yaya Eyang at Darrene?

Dahil mukhang nag-iisa nalang ako sa bahay ay nagluto nalang ako ng sariling pagkain.

Medyo gutom na din ako kaya kahit mag-isa lang ay magana pa din akong kumain.

Nang matapos ay muli akong pumasok sa silid at nag-ayos na lamang..

Isinuot ko ang gown at inayos ang make-up at buhok na ibabagay sa suot ko.

Saktong sakto lang ang gown na suot ko.

Off white ang kulay nito at malambot ang tela na lumilipad sa bawat galaw ko.

Pwede ko ng isiping wedding gown ang suot ko..

Napangiti ako sa naisip ko..

Kalokohan.. Di pa naman kami nag-aayos ng kasal..

Ilang saglit pa ay may narinig na akong ugong ng helicopter kaya tumayo na ako at sumilip sa bintana.

Uu nga pala nasa bahay ako ni Phantom kaya pwede ang chopper dito at may helipad.

Pero nakapagtataka talaga at tahimik ang buong mansion..

Lumabas na ako ng silid at tinungo ang maindoor.

Paglabas ko ay kaagad na sumalubong sa akin ang crew at iginiya ako pasakay ng hopper.

Nakipagkwentuhan pa ito at ang driver habang nasa himpapawid kami.

Tinanong ko kung saan kami pupunta pero sabi ay sa beach daw.

Halos kalahating oras din ang byahe bago kami lumapag sa dalampasigan.

Pagkababa ko ay nakita ko si Nina at Nick na nakaabang sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at kumaway.

Kumaway din naman sila pabalik sa akin.

Kaagad ko silang nilapitan.

Nagbeso kami ni Nina.

Sa lahat ng kaibigan ni D ay si Nina ang napalapit ng husto sa akin..

Mabuti naman at andito kana.. Kanina kapa namin hinihintay.. nakangiting sabi ni Nina.

Huh? Anong oras pala ang party? Wala naman kasing sinabi si D eh.. nagtatakang tanong ko.

Saglit na nagkatinginan sina Nina at Nick.

Teka kailangan ka naming piringan at surprise dapat ang intrance ng party.. natatawang saad ni Nick at piniringan nga ako.

Sinigurado pa talaga niya na wala akong makita.

Nagtaka man ay naging sunod sunuran lamang ako sa kanila.

Ano kayang meron at may blindfold pa..?

Inalalayan nila ako habang naglalakad.

Pakiramdam ko naman ay di kami umalis sa dalampasigan dahil ramdam ko pa din ang buhangin sa suot kong high heeled shoes.

Behind That SmileWhere stories live. Discover now