Chapter 17: Jung Treasure

1.8K 45 2
                                    

Reen's POV:

Ilang araw na kaming sunod sunod na overtime ni Sir Inha.

Di naman ako makatanggi sapagkat napakaimportante ng mga dokomentong ipinagagawa niya sa akin.

Kaya tuloy madalas na sa pag uwi ko sa aking bahay ay mabilis akong nakakatulog sa sobrang pagod.

Gaya ngayon...

Hatinggabi na pero andito pa kami sa loob ng opisina.

"Reen, pakakatandaan mong mabuti ang code ng pintuan ito.. Tanging ikaw lang ang nakakaalam tungkol dito.." seryosong saad ni Inha habang pinipihit ang code ng vault door.

Napakunot noo ako pero napatango pa din.

Lubos talaga ang tiwala ni Inha sa akin kaya di ko ito dapat sayangin.

Tinandaan kong mabuti ang code gaya ng bilin niya.

Nang mabuksan ang vault ay napasinghap ako sa bumungad sa akin.

Kahon kahon ang nasa loob na alam kong kayamanan ng Jung clan.

Pumasok kami sa loob.

Nanatili akong nakasunod kay Inha habang inilibot ang tingin sa paligid.

Para akong nasa loob ng national treasure sa dami ng nakikita kong kahon at mga rebultong ginto.

Saglit na tumigil si Inha at tumingin sa akin.

Napatigil din ako..

"Ang lahat ng ito ay ipapamana ko sa inyo ni Monique.. Kailangan mo siyang protektahan para sa kanya Reen.." pagsasalita uli ni Inha.

Napabaling ako sa kanya.

"Sir Inha, bakit ako po? Wala akong kaalaman sa pakikipaglaban.." tanggi ko.

"Sapat nang itago mo ang tungkol dito Reen.. Hanggang sa araw na maipasa ko ng tuluyan kay Darius at Monique ang lahat.." utas ni Inha.

Humugot pa ito ng malalim na buntong hininga bago muling naglakad..

Pumasok pa kami sa isa pang pintuan.

Ang monitor room..

Pagkasara ng nilabasan namin ay tila ordinaryong dingding na lamang ang makikita.

Wala man lang bitak na palatandaan na may pintuan doon.

Kaagad na ipinaliwanag ni Inha ang bawat file na ipinatago niya sa akin.

Halos mahilo ako sa dami.

Inabot kami ng madaling araw sa pag-uusap.

"That's all Reen..." sambit niya nang matapos ang huling dukomento.

Halos magkasabay kaming tumayo.

Tinanggal niya ang usb at inabot ito sa akin.

Muli ko itong ikinabit sa kwentas na suot ko.

Ito ang bigay ni Inha..

Kalahati daw nito ay nasa kay Darius..

"Ipahahatid na kita sa driver.." sabi ni Inha pagkalabas namin ng building.

Tumango naman ako.

Nakakapagod na nga maglakad at kanina pa kami nakatayo..

"Mauna na ko Sir Inha." paalam ko kay Inha at sumakay na sa kotse.

Naginhawaan naman ako ng makasandal sa malambot na upuan.

Ipinikit ko ang mata upang makapagpahinga.

Behind That SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon