Chapter 4

1.3K 25 0
                                    


Tirik na tirik na ang araw at halos lahat na ng tao ay abala na sa kani-kanilang gawain ngayon, habang si Katherine ay nanatiling masarap na natutulog sa kaniyang higaan.

Gateun naraye taeeonaseo
Gateun eoneoro mareul haeseo~
- exo's lucky


Isang napakagandang tinig mula sa kaniyang alarm ang maririnig sa loob ng kwarto ni Katherine. Ngayon, lalo pa siyang nagkaroon ng madaming oras para matulog at magpahinga. Sino ba naman ang magigising sa ganoong kagandang tinig na tila isang anghel na umaawit sa langit? Wala.

Minulat niya ang kaniyang mga mata at inunat ng tuwid ang kaniyang katawan habang nakahiga pa sa malambot niyang kama.

Dalawang araw na din mula nung pumunta siya dito sa Korea. Sa buong dalawang araw na iyon ay ginugol niya ang kaniyang sarili sa apat na sulok ng kwartong ito. Sa madaling salita, hindi pa niya nagawang libutin ang ganda ng Korea.

Nakabagsak ang mga balikat at halos lahat ng bigat niya ay pinunta sa kaniyang mga paa ng siya'y maglakad papunta sa kusina.

Ramyeon at tanging sausage lamang ang kaniyang almusal ngayong umaga taliwas sa naka-sanayan niyang tocilog noong siya'y nasa Pilipinas pa.

Napabuntong hininga na lang siya habang pinagmamasdan ang pagkain sa harapan niya. She had no choice but to eat it. Beside, tinatamad din naman siyang mag luto at magpunta sa market para humili ng lulutuin niya.

Dalawang araw na akong Ramyeon lang ang kinakain..








~

Mula din ng araw na iyon ay maririnig sa building na iyon ang ilang mga yapak dahil sa bilis ng takbo ng isang lalaki kasabay ng paglakas ng patak ng ulan. Madaming tao na may kani-kaniyang hawak na camera ang humahabol sa kaniya. All eyes on him and he heard his name countless times as the lights snaps all over him.

Hingal na hingal at basang basa ang lalaki dahil sa malakas na ulan mula pa kanina. Kanina pa tumatakbo doon sa labas hanggang sa makaabot siya dito sa building. Humahanap siya ng tyempo kung paano makatakas sa sitwasyong ito h

Tumakbo siya ng sobrang bilis at dumertso sa gawing kaliwa dahil may saktong espasyo roon na maaari niyang pagtaguan hanggang sa mawala na ang paningin ng mga tao'ng iyon sa kaniya. Tagaktak ang kaniyang pawis na mas lalo pang dumagdag ng basa sa kaniyang suot at hinahabol ang kaniyang paghinga ng mahinto siya.

Nakahinga na siya ng maluwag na tila natanggalan ng tinik ng hindi niya na makita ang mga tao na iyon. Ilang saglit pa ay nanlabo ang kaniyang paningin at nawala siya sa kaniyang pokus hanggang sa hindi niya na din kayang igalaw ang kaniyang katawan.

Uminit na din ang kaniyang pakiramdam at hindi na maramdaman ang kaniyang sarili. Tumingin-tingin siya sa paligid at may natanaw siyang isang naka bukas na kwarto ilang hakbang lang ang layo sa kinatatayuan niya.

He inhaled and relax himself at sinubukan niyang ihakbang ng paunti-unti ang kaniyang mga paa papunta sa kwartong iyon. Gladly, theres no one. Para bang nakalimutan ito isara ng may-ari.

Tumingin-tingin siya sa paligid ng makapasok sa loob at inaasahang wala ngang tao dito at agad na sinara ang pintuan. Dumeretso siya ng lakad at saglit na umupo sa couch para makapag pahinga.

[EDITING] (COMPLETED) Im Inlove With My Idol (Exo Tagalog Fanfiction)Where stories live. Discover now