Chapter 13

48 0 0
                                    

 “Ha?” sabi niya sabay harap kay Zedrick

“Alam kong nasasaktan ka sa mga nakikita mo.Nagseselos ka e.Pero pwede mo rin naming ibaling yung paningin mo sa iba bakit mo pa parurusahan yong sarili mo kakapanuod sa kanila.” pasarin naman ni Zedrick

“Haixt…Bakit pa kasi siya bumalik..” nasabi na lamang ni Aleja

Hinawakan ni Zedrick ang kamay niya at sinabing “Hayaan mo na.Andito naman ako e.Akong bahala sayo.”

“Ha?what do you mean?” tanung niya

“Aaliwin na lang kita para di mo mapansin pinaggagawa nila.” Wika nito

Natawa naman siya at sinabing “Anung tingin mo sa sarili mo clown?”

“Pwede akong maging clown,magician o kahit anu basta para sayo.” Tugon nito

“Loko ka talaga.” Natatawang sabi niya

Malaki talaga ang pasasalamat niya na may isang Zedrick na dumating  sa buhay niya.He is always there for her at kahit pa nga binasted na niya ito ay nanatili pa rin sa tabi niya ang lalaki.Dahil nga first day pa lang half day lang ang klase nila.At kasalukuyang kasabay nilang kumakain sa isang seafoods restaurant si Mhady para sa lunch…

“Mosh.try mo tong alimango.paborito ko kasi ang alege e.” sabi ni Aleja kay Andrew

“No…As in big no-no…may allergy si Andrew sa crab.” pag saway sa kanya ni Mhady.

“Yeah mosh.allergic ako sa crab.Inorder ko lang talaga yan para sayo kasi alam kong gusto mo yan.Hindi rin kasi kumakain nang crab itong si Mhady so para talaga sayo yan.”

“So dapat ba na matuwa ako kasi inorder mo talaga para sakin to o made disappoint ako kasi may alam si Mhady tungkol sayo na hindi mo man lang nabanggit sakin?” nasabi ni Aleja sa likod nang utak niya

Maya-maya pa may dinala na namang pagkain ang waiter sa table nila

“Nori-wrapped Salmon with Ponzu Sauce” na e-excite na wika ni Andrew

“Yeah..I really ordered that one for you.Di ba favorite mo yan?” sabi naman ni Mhady

“Oo..mukhang mapaparami ako ngayon ah?” dagdag ni Andrew

“Much better..hehe.Wait ipagsasalin kita.” sabi ni Mhady sabay salin nang pagkain sa plato ni Andrew

Mukhang tuluyan na nga atang nakalimutan nang dalawang ito ang presensya ni Aleja at kailangan na niyang magpapansin so she faked a cough.

“Ooppss..” maarteng sabi ni Mhady

“Ah…Mosh.try mo to.I’m sure magugustuhan mo to.mahilig ka rin naman sa Japanese food di ba?” pagyaya ni Andrew

When The Last Teardrop FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon