[94] Girls' Night Out

Magsimula sa umpisa
                                    

The only key to finish this problem is Gail. The problem is … Does she still love Kurt?

Me: Ewan ko. Kung yan talaga ang dapat na tamang gawin, well, I’m going to marry Kurt anyway.

*END OF CHAT CONVO*

GAIL’S POV

Papunta na kami ngayon sa MIDAS BAR para sa aming girl’s night out for the first time in my 19 years of existence. Kahit nung nasa Germany pa kami ni Nathan, never pa akong nagpunta sa bar. Yeah, nakapunta na ako but that was a resto bar wherein a band is performing. Hindi katulad ng may inuman and party music. 

We’re super excited.

“Hey girls, nakapunta na ba kayo sa ganung klaseng lugar?” I asked while focusing my eyes on the road. Nag-dra-drive ako samantalang sina Lovely at Sandy ay nasa backseat, nag-reretouch. Si Iya naman ay nakaupo sa passenger’s seat.

“Oo, hihihi. Thrice na!” Sagot ni Sandy. Si Iya naman, nag-hand gesture na once pa lang daw siya nakapunta dun. 

“Ey! Wag masyadong magpapakalasing ah!” Sabi ko nang makarating kami sa parking space ng GALAXY BAR. They showed their thumbs up while giggling as their respond.

Pagka-park namin ay lumabas na agad kami at dumiretso sa loob ng MIDAS BAR. They welcomed us with a party music and party lights which make my eyes blink at times. Ang sakit din sa mata ah. Naaamoy ko rin ang mga usok ng sigarilyo.

Medyo ang wild ng mga tao sa dancefloor. May nakikita pa akong nag-me-make out sa gilid. Gosh! Hindi ko ata carry dito.

“ATE GAIL, LET’S PARTEEEEYYYY!!” Sigaw ni Sandy habang nagsisimula ng sumayaw. Si Lovely din nadadala rin sa music. Ako naman, napangiwi lang.

“Sige go, enjoy yourselves. Dito muna ako,” naghanap ako ng mauupuan. Sakto naman na walang masyadong nakaupo dun sa may high stools dun sa may bar counter kaya dun ako umupo.

Humarap ako dun sa bartender na nag-mimix ng alcoholic drinks. He mixes it gracefully. Matangkad siya, maputi at gwapo rin. Pero mas gwapo yung mahal ko. :”>

Naramdaman ko na may kumalabit sa akin kaya napalingon ako, “Ate Gail, nagtext na yung Mama ko. Pinapauwi na ako eh. Pakisabi nalang kina Sandy at Lovely ah?” Si Iya pala.

I nodded and gave her a peck on her cheek, “Nice to meet you, Iya!!! Thanks pala ah!!!” I smiled sweetly at her.

“No problem, Ate Gail. Text tayo minsan?!?” Tanong niya habang sinesenyas ang phone niya sa akin. Bago siya umalis ay nag-exchange numbers muna kami. Malaki rin kasi ang naitulong niya sa akin eh.

I turned to face the bar counter again and then the bartender approached and smiled at me. “What’s yours, Miss?” Tanong niya habang nakangiti pa rin. Ang cute ng dimples niya.

Napatingin ako sa mga babaeng napapadaan sa gilid ko. Tinitignan ko yung iniinom nila. Eehhh kasi eh! Wala akong alam sa mga ganito.

“U-Uhhmm…”

He suddenly chuckled, “I guess, it’s your first time coming in a pub like this,” nakangiti pa rin siya sa akin. Nakakatunaw ang titig niya. Yung tipong direkta sa mata ko. Napatango nalang ako. “May I suggest a drink for you then, Miss gorgeous?” He winked.

Nag-init bigla ang pisngi ko. Nagpapacute ba ito sa akin? 

“A-aahh, sure… Anything mild will do,” I answered shyly. I’m starting to get conscious nang maiserve niya sa akin ang ano ba ito.. cocktail glass na color pink yung liquid tapos may cherry sa gitna with lime pa.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon