"Kahit ako ay hindi ko rin naman alam eh," nakayukong sabi niya.

"Pero huwag kang mag-alala, balang araw ay makikilala mo rin sila," dagdag pa nito.

"Sana nga po, nay."

"Anak may itatanong ako sa iyo," sabi niya kaya napakunot ang aking noo.

"Ano po iyon?"

"Paano kung isang bampira ako? Matatanggap mo pa ba ako?" tanong niya.

"Opo naman, nay. Kasi at least yung bampira na iyon pinatunayan na mahal na mahal ako. Wala naman po kasi sa akin kung tao o bampira ang mag-aalaga eh. Basta malaman ko na mahal niya akong totoo, masaya na po ako," at tsaka ngumiti ng tipid sa kanya.

Hindi ko man alam kung bakit itinatanong ni nanay ang mga iyon pero iisa pa rin ang magiging sagot ko. Tanggap ko siya sapagkat tinanggap niya rin ako.

"Salamat anak," sabi niya at niyakap ako.

"Anak, kumain kana muna. Magpapahinga ka at matulog sapagkat alam kong napagod ka ngayong araw," bilin niya kaya napakunot ang aking noo.

"Sa labas lamang ako at magpapahangin. Huwag kang mag-alala sapagkat tapos na akong kumain," nakangiting sabi niya tsaka lumabas ng bahay.

Wala sa sariling pumunta ako sa kusina at naghanda ng aking makakain. Kahit may pagkain na sa harap ko ay parang ayoko pang kumain.

Hindi kaya bampira si nanay kaya niya itinatanong sa akin ang mga bagay na iyon?

"Europa," tawag ni nanay sa akin kaya agad akong napalingon sa aking likuran.

"N-nay? Akala ko po ba nasa labas kayo at nagpapahangin?" takhang tanong ko sa kanya.

"May dalawang uri ng mga bampira, ang mga Arusseb at mga Aklirah," panimula niya. Nagtaka naman ako sa kanyang mga sinasabi.

Magsasalita na sana ako ngunit itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay, senyales na huwag muna akong magsalita.

"Ang mga Alkirah ay ang mga purong bampira at ang mga Arusseb naman ay maaaring kalahating tao at kalahating bampira, o di kaya naman ay may dugong tao," dugtong pa nito. Mas lalo akong na-confuse sa mga sinasabi niya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya sinasabi ito at kung bakit niya alam.

"Ang mga Arusseb ay maaaring walang pangil ngunit may abilidad na gaya ng sa mga Aklirah na mga bampira. Maaari rin namang baligtad, may abilidad ngunit walang pangil."

"Nay, bakit sinasabi nyo po sa akin ang mga iyan? Tsaka bakit alam niyo po ang tungkol sa mga b-bampira?"

"Dahil isa akong Arusseb."

Kumunot naman ang aking noo sa kanyang mga sinabi. Magtatanong pa sana ako kaya kang biglang nawala si nanay sa harap ko.

"May abilidad ngunit walang pangil."

Tumalikod ako at hindi ako nagkamali, nasa likod ko si nanay. P-paano niya nagawa iyon? Ibig sabihin, isa talaga siyang Arusseb?

"Anak, sana matanggap mo ako. Ayoko na itinatago ko ang aking totoong pagkatao sa iyo," sabi niya at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Nanay, tanggap po kita. Tsaka alam ko po na hindi naman kayo magbabago, hindi ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo anak, hindi," nakangiting sabi nito bago hinalikan ang aking noo.

"Sige anak, magpahinga ka na. Alam kong pagod na pagod ka ngayon," sabi nito at iniwan ako.

ELARA'S POV

Lumabas ako sa aming munting tahanan sapagkat kahit anong oras ay nararamdaman ko na tutulo ang aking luha.

Napatingin ako sa mga rosas na nakatanim sa aking bakuran. Ang mga mapupulang rosas.

"Luna, nasaan kana ba?" tanong ko sa mga mapupulang rosas. Parang tanga ako sapagkat kinakausap ko ang bulaklak na hindi naman ako sasagutin.

"Napalaki ko naman ng mabuti ang iyong anak. Napakabait ni Europa," sambit ko tsaka pinunas ang aking luha.

"Hindi ko inaasahan na matatanggap agad niya ako. Akala ko, magagalit siya sa akin. Akala ko lalayas siya... Akala ko lalayasan niya ako kasi hindi ako nagsabi ng totoo. Pero hindi eh, inintindi at inunawa niya ako," sambit ko bago inamoy ang rosas.

Tumayo ako at itiningala ang tingin. Ang mga ulap, mga bituin at ang kalahating buwan.

"Luna..."

"Kung nasaan ka man ngayon, Luna. Sana masaya ka. Hihintayin ko ang iyong pagbabalik," nakatingalang saad ko habang nakatingin sa buwan.

Umihip ang malamig na hangin kaya napahawak ako sa aking mga braso at ipinikit ang aking mata.

May babaeng naglalakad na patungo sa aking direksyon. Ang babaeng iyon! Siya yung babaeng pumunta sa akin noon at nagsasabi ng kung ano-ano!

Pinilit kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Parang nay pumupigil dito. Maski ang aking katawan ay hindi ko maigalaw.

"Ito na ang takdang panahon,
Mababawasan na ang mga malalakas na alon.
Makikilala mo na siya,
Huwag kang mabibigla.
Siya ay maaasahan,
Sapagkat noon pa man,
Nakatadhanang siya'y maging bantay.
Mag-iingat ka palagi,
Huwag pababayaan ang iyong sarili.
Malapit mo nang makita si Luna,
Nalalapit na rin ang pagtatapos ng sigalot."

Nang bigla siyang nawala ay naigalaw ko na muli ang aking katawan at naimulat na ang aking mga mata.

Makikilala ko na siya? Sino ang kanyang tinutukoy? Sino ang misteryosong babaeng iyon? Bakit palagi siyang nagpapakita sa akin at nagsasabi ng mga bagay na hindi ko maintindihan?

Bakit kilala niya si Luna? Bakit sabi niya malapit ko na siyang makita?

Napakaraming tanong ang gumugulo sa akin. Nais kong magtanong sa misteryosong babaeng iyon ngunit wala na siya. Nais kong malaman kung bakit tila parang alam na alam niya ang detalye tungkol sa akin?

Wala sa huwisyo akong napatingin sa puno ng mangga na nakatanim malapit sa aking bahay. Napakunot ang aking noo nang mayroong nakitang kahina-hinala.

Mayroon akong nakitang isang pigura ng lalaki. Naka-upo ito sa sanga at tila nakasilip sa binatana ng aking tahanan.

Marahan akong naglakad at sinisipat kung totoo nga ba ang aking nakikita at hindi isang guni-guni lamang.

Napatingin siya sa aking direksyon. Tila parang nabigla ito nang makitang nakatingin ako sa kanya. Napansin ko iyon sapagkat bigla siyang tumayo sa sanga.

Mabilis kong pinuntahan ang sanga kung saan siya naka-upo kanina ngunit hindi ko na siya naabutan.

Pinagmasdan ko ang paligid dahil alam kong nandito lamang siya. Hindi siya lalayo sapagkat nararamdaman kong may pakay siya dito.

Bumaba ako sa sanga at bumalik na sa aking tahanan. Ngunit bago ako makapasok sa pintuan ay mayroong umihip na malakas at malamig na hangin.

Napahawak ako sa aking braso. Ramdam ko ang pangingilabot ko. Nagsitayuan ang aking balahibo.

Nandito lamang siya. Nararamdaman ko ang aking presensya. Maaaring nataguan niya ako ngunit alam ko na nandito pa rin siya.

Isinarado ko ang pinto at pinuntahan ang aking anak sa kanyang silid. Mahimbing na siyang natutulog ngayon.

Napatingin ako sa kanyang kwintas na simula noong bata siya ay hindi pa nahuhubad. Ang kwintas na gaya ng ibinigay sa akin ni Luna noon.

"Ikaw ba ang nagpasuot nito kay Europa?"

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now