Tamara's pov
I miss this place, Hindi pa rin nagbabago.
"Tam" napatingin ako kay nico nang tawagin n'ya ako.
"Yes?" tugon ko habang nililibot ang aking mata ang buong paligid, walang nagbago dito.
"Are you sure about this? Kahit ako na ang humawak ng company at bantayan mo na lang ang anak mo, ayos lang sa akin." Aniya
"No, ako na." Sabi ko. May asawa na kasi s'ya kaya talagang kailangan nyang tutukan ang anak nya.
"Saan kayo matutulog?" Tanong nya.
"Doon na lang muna ako manunuluyan sa bahay ng kaibigan ko habang naghahanap pa ako ng sarili kong condo." Sabi ko.
"Eh how 'bout your son?" Tanong nya.
"Susunduin ko sya sa susunod na Linggo dahil alam kong maraming gawain ang naghihintay sa akin doon sa company, alam mo naman yung batang yun mainipin" sabi ko.
"Yeah, like you" sabi nya kaya inirapan ko sya.
"Tam, ano nga pala ang plano mo?" Biglang basag nya sa katahimikan.
"Plano? Para saan?"
"Sa anak mo" tinitigan n'ya ako nang mabuti.
"Plano kong palakihin s'yang mabuti at magalang, like me diba?" Biro ko sa huli kong saad.
"No, I mean--" halatang pinipigilan n'ya ang sasabihin nya.
"What?"
"I mean, anong plano mo sa bata kung sakaling magkita sila ng ama n'ya?"
Tumango-tango ako.
"Wala, dapat ba may plano ako?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya upang makita nya na okay lang sa akin ang pagkikita namin.
************
"Ayusin mo ang paghawak sa kompanya natin Tamara, inaasahan kita" sabi ni kambal na kanina pa paalala nang paalala sa akin.
"Oo na, kanina ko pa yan naririnig at makakabisado ko na rin ang paulit-ulit mong sinasabi" nauurat na ako dito.
"Pinapaalalahanan lang kita, o sya aalis na ako, tulad ng----" naputol ang sasabihin nya ng sumagot agad ako.
"Oo" sabi ko sabay sarado ng pinto..
"Hoy! tamtam ikaw wag mo akong madadaan sa pagganyan mo ha!" sigaw nya.
napairap nalang ako dahil sa tawag nya sa akin. Ano ako bata?
"Hey miss?" tawag ko sa secretary ko na kanina pa nakatingin sa amin ni kambal.
"P-po?" Tanong nya.
"May appointment ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"A-ahh o-opo kay Mr. Black po" sabi nya.
Hindi lang naman s'ya ang black dito sa mundo no?
"What time?" Tanong ko sa kan'ya.
" 9 am po" Sabi nya.
"Location?" I ask.
"Angel's coffee shop po" sabi nya kaya tumango ako.
Napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumalikod sa akin para pumunta sa kanyang table.
"Hey!" Tawag ko sa kanya kaya mapatalon naman sya sa gulat at nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin.
"P-po?" Tanong nya. she's kinda cute, ang tambok ng pisngi nya.
YOU ARE READING
the ex wife revenge
FanfictionNawala ang mga anak kong mahal na mahal ko dahil sa kanila. Hindi ko kaya, hindi ko kayang maniwala na iniwan nya ito para sa ibang bata.
