Tila napaka-inosente pa ni Europa para sabihin ko sa kaniya ang lahat. Alam kong maguguluhan siya ngunit sa takdang panahon, saka ko na lamang sasabihin sa kanya ang totoo.

"Anak, wala kang kaagaw sa pagkain. Dahan-dahan naman," natatawang sabi ko dito.

"Eh nanay, masarap eh. Ang sarap ng ampalaya na luto mo. Hindi naman mapait," sabi niya. Napa-iling na lamang ako nang mapansing habang nagsasalota kanina ay mayroon pang laman ang bibig.

Ang kulit na bata.

"Anak, maiwan na kita. Mauuna na akong umalis sapagkat may trabaho ako sa bayan," paalam ko dito at kinuha ang bag ko.

"Sige po, nay! Ako na po maghuhugas ng plato! Bye nanay! Ingat! I love you po!" sabi nito at tumakbo papunta sa lababo. Naghugas siya ng kamay at pumunta sa akin para yumakap.

"Basta huwag kang maglilibot. At wag na wag kang aakyat ulit ng puno! Tsaka kapag may tao sa labas huwag mong pagbubuksan ah? Aalis na ako, ikaw na ang bahala dito," bilin ko sa kanya.

EUROPA'S POV

Ilang oras na simula noong umalis si nanay. Ako? Nakahiga lang sa kwarto at sobrang boring. Hindi gaya pag may pasok kahit papaano less boredom.

Agad akong bumangon nang mag maisip. "Kung lumabas kaya ako ng bahay? Gindi naman malalaman ni nanay kung lalabas ako, hindi ba?" sabi ko sa sarili.

Napatango-tango na lang ako at natuwa sa naisip. Agad akong tumayo at sinimulan na ang paglalakad papunta sa labas ng bahay.

"Ang bilis ng oras, malapit ng lumubog ang araw," nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Nandito ako ngayon sa bukid, naka-upo sa damuhan at nakatingin sa langit. Medyo may kalayuan ito sa bahay kaya anong oras na ko nakarating. "Kahit kailan talaga ang ganda ng sunset," nakangiting sabi ko pa.

Huminga ako ng malalim at dinama ang preskong hangin na tumatama sa aking balat. Humiga ako sa damuhan at ipinikit ang aking mga mata.

"Ang presko at ang sarap dito."

Muli kong iminulat ang aking mga mata at napangiti. Ngunit agad akong napa-upo nang may maalala.

"Patay, baka nasa bahay na nyan si nanay."

Agad akong tumayo at tumatakbo papaalis. Bakit naman kasi nawili ako sa panonood ng sunset eh. Ayan tuloy, makakabingo na ako kay nanay! Eh sa may pagka-oa siya.

"Sana, mamaya pa siya umuwi," bulong ko.

Malayo-layo pa ako sa bahay namin pero nakaramdam na ako ng pagod. Umupo muna ako sa ilalim ng malaking puno na nadaanan ko para magpahinga.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita kong may papalapit na sibat patungo sa aking direksyon. Naitakip ko ang aking palad sa aking mukha sa sobrang takot na matamaan.

Nag-antay ako ng ilang sandali ngunit nakaramdam ako ng malakas na hangin na dumaan. Inalis ko ang aking palad sa aking mukha at nawala na ang sibat.

"Salamat, Lord. Salamat kasi di nyo pa po ako kinuha," dasal ko at nag-sign of the cross pa.

Kahit ang weird ng nangyari sa akin ngayon, nagpapasalamat ako kasi buhay pa ako. Sa katunayan kaya ko pang umakyat ngayon sa puno.

Tumayo na ako upang ipagpatuloy ang paglalakad papunta sa bahay. Ngunit napahawak ako sa magkabilang braso nang makaramdam ng malakas at malamig na hangin.

"Isa pa ito, ang weird rin."

Kung kanina naglalakad ako, ngayon tumatakbo na ako! Ewan ko ba pero parang natatakot ako na ewan. Basta! Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Awww," daing ko nang madapa ako.

"Yung totoo, bakit ang malas ko ngayon? Kanina muntik pa kong mamatay, tapos ngayon ang dumi ko dahil dito sa putik," asar na singhal ko sa sarili.

Agad akong tumayo at naglakad muli. Kapag kasi tumakbo ako baka madapa nanaman ako. Kailangan kong maunahan si nanay sa bahay. Mas lalo ngayon, kailangan ko pang maligo at labhan ang itong damit ko para hindi niya malaman na lumabas ako.

Nang matanaw ko na ang aming bahay ay nagsimula na akong magtawag ng mga santo. Sana wala pa si nanay dahil baka totohanin niya na ibitin ako sa puno!

Nang pumasok ako sa bahay ay nakahiga ako ng maluwag nang makitang wala pang tao. Agad akong naligo at nagbihis. Nilabhan ko rin yung damit ko para walang ebidensya.

"Europa, anak! Nandito na ako!" sigaw ni nanay kaya pinagbuksan ko siya ng pinto at nagmano.

"Anak, ito ang hapunan natin," sabi niya at inabot sa akin ang plastic na may lamang inihaw na manok.

"Wow, nanay! Ang sarap nito!" masayang saad ko at tumakbo papunta sa kusina.

Pagdating sa kusina ay sinimulan ko ng hiwain ito para hindi na kami mahirapang kumain ni nanay.

"Dali mo na dyan, sasandok lang ako ng kanin," sabi nito.

"Yes, nanay!" sigaw ko at napalingon sa side kung nasaan siya.

"Ouch," daing ko nang aksidenteng mahiwa ang aking hintuturo.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sa akin na sipsipin ang dugo na ito kaya wala na akong nagawa. Sinipsip ko ito at sarap na sarap ako.

"Europa! Anong ginagawa mo?!" tanong ni nanay at nang makita niyang sinisipsip ko ang aking sariling dugo at agad niyang inialis ito sa aking bibig.

"Ano bang ginagawa mo?! Balak mo bang ubusin ang iyong dugo?!" asar na sabi niya sa akin.

"Nay, hindi ko po alam pero bakit parang ang sarap-sarap eh," nakangusong paliwanag ko. Nakita kong bahagyang namutla siya kahit matagal naman na siyang maputla.

"Basta, huwag mo nang uulitin iyon, ah? Ipangako mo sa akin," tanging sabi niya lang sa akin na tinanguan ko.

---

Nasa labas ako ng amin bahay ngayon at nakatambay dito sa bakuran. Pinagmamasdan ko ang mapupulang rosas na nakatanim dito.

Pinitas ko ang isa sa mga rosas at isa-isang tinanggal ang petals nito. Wala sa sariling napatingin ako sa buwan at binitawan ang hawak na rosas.

"Wow, ang ganda," nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang bilog na buwan.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay naramdaman ko nanaman iyon.

Ang pag-ihip ng malamig at malakas na hangin.

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now