Chapter 17

11.3K 352 18
                                    

Dedication: Zliah04 user65821894 goarang2435 abigailmanalili73 jhonabell22j publicvsprivate Duncicwife

arakulitjune QueenAzaleah mapeh03mapeh03 ShainaSongLabriaga eeneehcselga merfaiza23 shelinekhalil rm100394
MyraBermejoDelaRosa Frozen181995 kinjazz14 dagdacs TonetLumangaya8 msbahay SittiChemedarJamani @lukemille ainna7 cath725


MANILA.

Kaninang umaga ay natanggap nya ang kanyang kopya ng annulment papers at simula niyon ay parang wala siya sa kanyang sarili.

"Heaven? Saan ka na ba tinangay ng brains mo, bebe girl? Lumilipad na naman ang isip mo..." untag sa kanya ni Kesler. Pumasok sila ng kaibigan sa Salvatore Cuomo & Bar sa BGC.

"Pasensya ka na, Kes. May naisip lang kasi ako," pagdadahilan nya. Biglang nahagip ng kanyang paningin sa isang sulok ng restaurant si Earth, nakaupo at masayang nanananghalian kasama ang isang napakagandang babae.

Napabuntung-hininga siya sa paalalang nakalimutan na siya ng lalaki at lumalabas na ito kasama ng ibang babae. Bigla ay naisip nyang lumipat nalang sa ibang kainan

"Kes, sa iba nalang kaya tayo kumain?"

"Bakit naman, friend? Sabi mo kanina nagki-crave ka ng mga pagkain dito. Are you alright?" Mayamaya ay sinundan nito ng tingin ang tinitingnan nya. "Oh, my goodness! Si Earth 'yon, 'di ba? Tara, lapitan natin."

Hindi na nya naawat ang hitad na dire-diretsong lumapit sa mesa ng dalawa. "Pare, kumusta? Dito rin pala kayo kumakain?" boses lalaki na ulit ito.

"Yeah," maiksing sagot ng lalaki. Titig na titig naman sa kanya si Earth.

"Earth, who are they?" tanong sa kanila ng magandang babae.

"That's Kesler, a friend of mine. And Heaven----" sagot nito na hindi natuloy dahil inagapan nya.

"I'm also a friend of his," salo nya rito.

Pilit na ang ngiti nya pero gusto nyang palakpakan ang sarili dahil nagawa nyang panatilihin ang kanyang composure at hindi nya nagawang sakmalin ang babae.

Dealing with the Boss (Completed)Where stories live. Discover now