Uuwi na siya? Bakit? Eh di ba birthday 'to nang best friend niya? Bakit uuwi na siya agad?

          "Eh, Kaizer kakarating mo lang di ba? Kaya bakit—"

          Hindi na natuloy ni Tobi 'yung mga sasabihin niya nang bigla na lang siyang harapin ni Kaizer saka ito nagsalita.

          "Gusto ko nang umuwi. Masama pakiramdam ko ngayon. Kaya tapusin na natin 'to."

          Hala! Bakit ganoon siya magsalita? Bakit parang bumalik siya sa dating masungit at ubod nang sumpungin na Kaizer Buenavista? 'Yung egoist Prince ng Eastton?

          Tsk! Tsk! Tsk! Masama na 'to! Kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya na wala naman akong nakita kasi nakuha agad ni MM 'yung picture niya eh!

          "Ah...ano....Kaizer—"

          "Wag ka munang magsalita, Felicity. Masama pakiramdam ko sa'yo."

          Naitikom ko bibig ko at hindi na lang ako nagsalita.       

          Ewan ko ba. Medyo nasaktan ako doon sa coldness ng boses niya. O coldness ng mata niya. Ah ewan! Basta! Lalo akong na-guilty sa coldness niya.

          Sasabihin ko na nga na wala akong nakita eh! Bakit ba siya nagagalit sa akin huh?

          "O...kay. Bakit may pakiramdam ako na may LQ dito sa sala ngayon?"

          Napaangat ako nang tingin kay Tobi tapos nakita ko na napapatango si Kris at Patty doon sa sinabi ni Tobi. Pati si MM na may magulong benda sa kamay napapatango na rin sa sinabi niya.

          Teka! Anong LQ? Sinong may LQ?

          "Sinong may L—"

          "Kuya Tobi sindihan mo na 'yung cake. Uuwi na ako kapag hindi mo pa sinindihan 'yan."

          Katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Saka bakit medyo awkward na rin yata dito sa sala nila MM?

          Narinig kong napabuntong-hininga si Tobi saka niya sinindihan 'yung apat na cake ni MM. Bakit apat? Isa sa akin, isa kay Patty, isa kay Margaret at 'yung isa galing yata kay manyak.

          Ang yaman ni MM! Ang daming cake!

          "Akala ko pa naman magiging masaya 'tong birthday ni Mobibi at welcome party ko. Hindi pala." Bagot na sabi ni Tobi sabay kibit-balikat. "O sige na! Kantahan na natin 'yung birthday boy nang makauwi na iyong isa diyan."

          At maya-maya pa nga, sabay-sabay na naming kinantahan si MM ng birthday song.

          Habang kumakanta, hindi ko mapigilang mapatingin kay Kaizer na masama pa rin ang timpla ng mukha.

          'Ano ba talagang problema nitong isang 'to?'

          Nagkibit-balikat na lang ako saka ngumiti at pumalakpak nang masaya para kay MM.

          Malaki atraso ko kay MM kaya dapat masaya ako sa birthday niya.

          Saka kung ayaw ni yabang na makinig sa paliwanag ko na hindi ko nga nakita 'yung picture niya, eh di wag siyang makinig! Huh! Akala niya!

          Hindi ako magpapaliwanag sa kanya! Neknek niya!

Kaizer's POV

My Tag Boyfriend (Season 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz