CHAPTER 2: THE BEGINNING

2K 73 5
                                    

I feel the cold covering me. And I also could feel the softness of the bed that relaxes my body. I don't want to open my eyes yet then suddenly naramdaman ko na lahat ng sakit sa katawan ko; Ang likod ko parang puno ng pasa, ang braso ko namamanhid at di ko mai-galaw at ang higit sa lahat ang matinding pananakit ng ulo ko.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at doon ko narealize na totoo nga ang lahat ng nangyari. Na totoong nabundol ako, at totoong andito ako ngayon sa... teka? Parang hindi na 'to ang clinic ng campus namen ah? Ospital na ba to?!

Inilibot ko ang paningin ko, nasa isang higaan ako na pinalibutan ng mga kurtinang asul. Akala ko nga nasa lamay nako eh, hayst buti nalang ospital lang! Nakita 'kong may nakalagay sa kaliwang braso ko, kulay blue na nakapulupot. Matigas ito kaya mejo manhid ang kaliwang kamay ko.

Dahan-dahan akong umupo nang may biglang pumasok na lalaki sa mga kurtina. Hindi siya naka puti na katulad ng mga nurse kundi parehas kami ng suot, malamang ka-schoolmate ko ata ang lalaking ito?

Ahhh naalala ko na! siya yung pesteng naka-bundol saken!?

"Gising ka na pala? Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?" sunod-sunod niyang pagtatanong. Umukit bigla ang simangot sa noo ko. Pilit 'kong inaalala ang mga nangyari. Naisip ko kagad si mama! Ayaw kong nagaalala yun, teka? Alam na kaya niya? Baka na-report ng ng school ko ang mga nangyari!

"Uy! Ayos ka lang ba? Teka tatawag ako ng nurse!" Bigla niyang pagpukaw ng ulirat ko. Andito nga pala siya!

"HINDI! Wag na, okay lang ako.... okay lang ako." ang sabi ko. Napasigaw ako ron ng onte ah! Ako'y Tila naiilang na sumagot dahil hndi ko naman kilala ang lalaking kinakausap ko ngayon.

"Sigurado ka ba? Anong nararamdaman mo ngayon?" ang dami naman niyang tanong!

"Oo nga, okay lang ako. Teka, sino ka ba?!" pagtatanong ko ng pabalang.

"Ah ako nga pala si Richo, yung... uhm, ahh... yung nakabundol sayo." pagpapakilala niya. So tama nga ang hinala ko na siya nga yung nakabangga saken. Maswerte pa pala ako sa kamay ng lalaking to, dahil siguro kung mamalasin katulad ng iba baka pabayaan nalang ako rong nakahandusay sa kalye O baka napilitan lang niyang gawin dahil nasa school campus nangyari yun at responsibilidad niyang siya ang magdala saken dito. Pero mukha naman siyang mabait? Maamo ang kanyang mukha, mas malaki lamang ang katawan niya saken, mas matangkad, mas maputi and his eyes, those brown-hazel eyes? Ughhh!  Ngayon ko lang narealize na, ang gwapo niya pala?

"Fabian, Im so sorry. hindi kase kita napansin nung una at huli na ang lahat para kumagat ang break.  I know its my fault and I was so stu--"

"It's fine. It happened already." I cut him off. It's really fine with me. Okay na yung sorry niya at isa pa hindi naman niya ko pinabayaan na nakahandusay ron at dinala pa niya ako dito sa ospital kaya okay na yun. Nabalot kami ng katahimikan, walang nakapagsalita sa aming dalawa.

"Ahm, pwede na bang umuwi?" tanong ko sa kanya at pagputol na ren ng katahimikan.

"Ahh, ehh teka, jaan ka muna! Tatanungin ko na muna yung Doktor kung pwede ka nang umuwi." Agad siyang umalis, nawala siya sa pagitan ng mga kurtina.

'Ughhhh ano bang nangyayari saken?! Dahil sa katangahan ko eto, nabundol pako at eto ako ngayon, pilay ang kaliwang kamay ko! Ang tanga tanga ko talaga!!!' bulong ko sa sarili ko. napasabunot nalang ako ng aking buhok nang may naramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko. Nakakagulat naman tong si Richo andito na pala siya!

"Huy ayos ka lang ba talaga?" pagtatanong niyang muli. Tila nakuryente ako sa paghawak niya sa balikat ko, nang tawagin niya ang pangalan ko kanina parang may something ren? Pero *erase* *erase*

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon