CHAPTER 1: TIME TO SLEEP

3.4K 79 3
                                    

 In the next million days the sun will continue to rise and set and as humans we will continue to live and look for our purpose. The purpose may not be around that easy but that's actually the challenge.

We sleep

We wake up

We sleep

We wake up

Like a pendulum rotating over and over, repeating it's movement 

Minsan may mga bagong kaganapan, pero madalas pareho pareho lang ang mga nangyayari sa pang araw araw. There are days where your passion is burning your guts to do better but there are days like this that I feel stagnant. Empty.

My eyes are open but I don't feel I am awake.

"Ughhhhhhh!"

Di ko napansing lumilipad na naman 'tong isip ko. muli na naman siyang humiwalay sa katawan ko. Ako nandito naka-upo pero ung isip ko, gumagala, humihiwalay sa katawan ko. Pati ata isipan ko ayaw akong kasama?

Kaya heto ako ngayon, mag-isang naka-upo sa Garden ng school namin. No one knows me here, just a few of my friends knows my name. I'm a nobody, I am here but I feel like I am not!

By the way, I'm Fabian. Now you know my name. Well, let's throw it as early as now that I'm gay but I'm not outside my closet yet, as a matter of fact, my friends never knew that I was. I chose to shut my mouth and hide my real gender. I prefer it this way cause for me it makes it simpler. But I know how REALLY complicated to keep it to myself. Just like now, pinili ko na lamang mapag-isa ngayon kesa sumama sa mga kaibigan ko.

Kanina, one of my seatmate asked me

"Are you gay?!"

Just like that. She threw it like she's just asking what time is it!

Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya imbes na ang bibig ko ang gumana, mukhang ang mga paa ko nalang ang umandar at eto nga tinahak ako sa lugar na ito. Kaya ako nagiisa.

Each day, I would like to believe that I'm straight. That this is just a mind-over-matter thing that triggers me to like the same gender. But it's not it. It's really the perks of being me. I've realised I couldn't change that. But to be honest, I am still very in-denial!

Messed up right? Kung hindi pang-aasar at pangungutya ng mga tao sa paligid, may mga matang mapanlinlang, may mga bibig na mapanakit damdamin at kung iisipin ko pa ang tungkol sa pagtanggap saken ng magulang ko kung nalaman nilang bakla ako? Ewan ko nalang! Jusko! baka ma-itaboy nako!

Kaya napapaisip ako, saan kaya ako lulugar?

Idagdag mo pa ang pag-asa na magustuhan ka ng taong gusto mo. Ughhhh napasabunot nalang ako sa buhok ko!

Bakit ang hirap hirap sa akin, pero para sa iba ang dali?

Napatingin ako sa ulap, tila nagkukumpulan silang lahat sa taas para bumuo ng ulan.

Ulan?

*flashback*

"Ahmmm, Jommy?" ang sabi ko habang hinahanap ang lakas ng loob at hawak hawak ko ang payong para hindi kami mabasa ng ulan

"Anong meron?" malamig niyang tugon

"May gusto sana akong sabihin sayo...." Nangingig kong tugon. Hindi ko alam bakit sa dinami-raming pagkakataon ngayon pa talaga habang naglalakad kami sa ulan?!

"Ano nga? Weird mo ha!" Hndi ko na pinakinggan ang mga nasabi niya, nabingi nako hanggang sa nasabi ko na ang gusto kong sabihin...

"Jommy, I like you."

* Silence*

"What the fuck fabian?" He told me, and then pushed me out of his way!

Tumakbo papalayo saken si Jommy, tila diring diri sa nasabi ko. Nawala lahat ng lakas ng mga kamay ko, hanggang sa nabitwaan ko yung payong na hawak ko.

*end of flashback*

Reality is messed up! Pero ang sarap lang sa pakiramdam na kahit masalimuot ang buhay, nakakayanan mo paring lumaban and that makes me feel more alive! Naisip ko nga, kelan kaya ako magiging masaya? Kelangan ko lang siguro talagang tanggapin na ako to, na eto na ako! Maybe that will make me happy. I guess...

"sh*t! Time na pala!"

Gulat ko nang makita ang orasan! Magsisimula na ang susunod kong klase, napasarap ang pag mumuni muni ko! nasa kabilang building pa naman ang classroom ng susunod kong klase!

Kaya dali-dali akong umalis sa kinauupuan ko. Hindi nako naglakad, tumakbo nako para makaabot sa susunod kong subject na terror pa naman yung professor ron! Sa bilis ng takbo ko at ang tanging nasa isip ko lamang ay bilisan para umabot sa klase! Hindi ko na naisip tumingin muna sa kalsada bago tumawid.

Di ko namalayang may kotseng humaharurot kasabay ng aking pagtawid. Huli na ang lahat para iwasan ko ang kotseng paparating! Agad na tumama ang bumper ng kotse sa kaliwang balakang ko pati na ang kaliwang braso ko! I felt I lost the gravity and I was pushed away by an intense pressure!

"Is this really happening?" thought to myself.

I don't feel any pain.

I feel numb

Am I still alive?

I can't hear anything and I feel like the time rapidly got slower finding my self lying there on the road. I don't know which part of my body is painful and which part was the most injured. Nakadilat pa ng kaunti ang aking mga mata pero unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko, hanggang sa nakaramdam ako ng pagka-hilo.

May naaninag akong bumaba mula sa kotseng nakabunggo sa akin, sa may paanan ko dun sya tumayo para ako'y tignan. Matipuno ang katawan ng lalaking lumalapit sa akin. Hula ko estudyante ren ito dito dahil parehas kami ng unipormeng suot. Tinititigan ko siya ngunit ang labo labo ng paningin ko't hindi ko siya maaninag ng maayos. Ang labo na talaga ng paningin ko, matindi na ang pananakit ng ulo ko! 

"Sana panaginip lang to." ang huling bulong ko sa sarili ko

Hanggang sa tuluyan nakong napapikit



***** end of chapter 1 ****

AWAKE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon