"I'm really sorry," ulit nyang paumanhin. "Kasalanan ko." Natawa naman siya sa pagpipilit nitong mag-Tagalog. To her amusement ay tumawa rin ito.

"Yeah, I know. My Tagalog really sucks."

"Not really. At least, you're trying."

Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki. "By the way, I'm Jacob Miller."

"I'm Heaven." She extended her hand. His grip was strong yet gentle. Kahit ang bahagyang pagpisil nito sa kamay nya sa hindi siya nakaramdam ng malisya.

"Ah, that's celestial, huh? Lovely name, as lovely as the person who owns the name."

"That's very flattering."

"I'd settle for a dinner."

Doon siya natigilan. Tama bang sumama soya sa taong ngayon lang nya nakilala?

"Hey, it's okay if you don't want to. I understand." Tinitigan nya ang lalaki. "I don't want to rush into anything."

"Actually, Jacob, I'm a married woman...who's getting her marriage annulled."

"I see. Don't worry, it's just a dinner."

"Actually, I'm hungry."

"Alright! It's settled. I'm starving."


*******************************

ILANG ULIT na rin silang nagsalo ni Jacob sa pagkain. Nalaman nyang half-Filipino ito na ngayon lamang nakarating sa Pilipinas. Isa itong computer programmer sa isang software development company sa Canada at nagdesisyong sa Pilipinas na mamalagi.

Pinangatawanan nya ang hindi pag-contact kay Earth kahit namimiss nya ito. Itinuon na lamang nya ang sarili sa pagtatrabaho at sa paminsan-minsang pamamasyal kasama ni Jacob. He had been a jovial companion na panhandling nakapagpalimot sa kanya ng mga problems. Pero hanggang sa simpleng companionship lamang ang relasyon nila. Hindi nya magagawang ibigay ang puso nya sa iba dahil mayroon ng nagmamay-ari niyon.


**************************************

NAKATANGGAP NG MENSAHE si Earth mula sa private investigator na inupahan nya tungkol sa kinaroroonan ni Heaven. Kasalukuyang naninirahan sa Baguio ang kanyang asawa.

Mula nang malaman iyon ay nag-indefinite leave siya sa opisina para hanapin ang babae. At heto nga, nasa labas siya ngayon ng bahay nito. Ilang gabi nya na ring ginagawa iyon. Nagpark siya sa hindi kalayuan sa tapat ng gate nito.

Isang Chevrolet Trailblazer ang dumating. Sa wakas ay bumukas ang gate at lumabas mula roon si Heaven. Sinalubong nito ang lalaki na lulan ng kotse. Iyon ba ang boyfriend ni Heaven?

Napahigpit ang kapit nya sa manibela. Halos hindi nya matanggihan ang tuksong lumabas ng kotse nya at hatakin ito sa mga bisig nya, iuwi sa bahay nya at dalhin pabalik sa kanyang kama. Paano ba nya tatanggapin na wala na ito sa buhay nya? Paano nya tatanggapin kung isang araw ay malalaman nyang magpapakasal na ito sa iba?

Nagmasid siya habang nag-uusap ang dalawa habang papasok sa bahay ni Heaven, hanggang sa naipinid na ang seradura ng gate.

Matutulog ba ang lalaki sa kama ng asawa nya, ibibigay ba  rito ng asawa ang mga halik na dapat sana ay sa kanya?

Natutukso siyang pasukin ang bahay at agawin si Heaven mula sa lalaking kasama nito ngunit pinigilan nya ang sarili. Para ano pa? Isinubsob nya ang noo sa steering wheel ng kotse at pumikit. Hindi na nya namalayan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang pisngi.

*****************************


"I JUST CAME here to thank you for the wonderful time we spent together," nakangiting wika sa kanya ni Jacob habang nilalantakan nila ang tuna and red pesto pasta na niluto ng lalaki sa kusina nya. "It was short but sweet."

"Masaya rin akong nakilala kita."

"You know, it's about time you stop hiding, Heaven. You can't hibernate forever. Sooner or later, you will need to come out."

"Alam ko." sagot nya habang nagsasalin ng champagne sa dalawang flutes.

"Do you love him?" tanong nito.

"I do." Mabilis na sagot nya.

"Iyon naman pala eh. Is it too complicated?"

"We can't be together, Jacob."

"Why can't you? Sometimes it's just us who make things harder. If you love him, tell him."

"It's not easy."

"Well, nobody really knows how to ride a dragon until they ride one."

"Jon Snow?" amused nyang tanong.

"Hell yeah! So pull yourself together and you'll be fine," payo nito sa kanya. Sa mga usapan nila ay nakuwento nito sa kanya na wala itong girlfriend at the moment.

"Tama ka. Maiba tayo, kailan ba ang alis mo?"

"By Saturday morning," sagot nito.

"Ihahatid kita sa airport nyan."

"No need, pretty lady. I can handle it. Fix your marriage with him before it's too late."

Am I too late?

Hanggang sa isang araw ay bumiyahe pabalik ng Canada si Jacob dahil may aayusin ito. Nangako naman itong babalik agad at bibisitahin daw siya nito pati ang bakeshop nya pagbalik nito sa Pilipinas.



Dealing with the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon