Kabanata 10.

3 0 0
                                    

"Malakas ang laban natin. Walang trabahong matino yung nanay ng bata at hindi stable ang isip kaya nasisiguro kong para sayo ang magiging hatol ng korte." Iniabot ni Gleria ang hawak na sobre sa amin ni Gael. "Gusto mo pa bang malaman ang resulta ng paternity test ninyo?"

"Alam kong anak ko si Aioue. Kahit wala na nitong test. Halata naman sa hitsura nung bata." Niyakap ni Gael ang hawak na si Aioue at pinanggigilan ng halik ang leeg nito. Humagikgik ang bata na inilalayo ang ulo ni Gael sa kanya.

"Pero kailangan natin iyan. Afterall, iyan ang basehan natin na may sapat kang karapatan sa bata." Nakakaunawang sagot ni Gleria. Tumango ako at binuksan ang sobre.

Halos mapanganga kami ni Gael nang makita namin ang resulta ng paternity test. It was a 50 percent match.

"The hell?! This most likely mean that you are not father and child. You are most likely siblings Gael." Tila nakainom ng suka sa putla si Gael. Nilingon namin si Tatay Ador na nakaupo sa couch malapit sa amin.

"Patawarin ninyo ako mga anak. Isa iyong gabi ng kahinaan. Lasing ako buhat sa kaarawan ni Kumpareng Pedring. Nang makauwi ako'y si Mari lamang ang aking naabutan. Ako'y talagang lasing na kaya naman dumiretso ako sa kwarto. Hindi na kayo naguusap ng mga panahong iyon anak. Hindi ko rin siya kinakausap kaya naman nagulat ako nang ako'y magising sa tabi ni Mari. Alam ko na agad ang nangyari hindi ko man maalala kaya naman pinaalis ko siya sa bahay nang araw na iyon. Hindi ko akalaing magbubunga ang gabing iyon. Patawarin ninyo ako." Naluluhang kinuha ng matanda si Aioue at niyakap. Nakatulala naman si Gael sa tabi ko.

I held Gael's cold hand and kissed the back of it.

"Tay.. Bakit?" Napailing ako sa kanya bilang pagpigil sa kanyang mga tanong.

"Gael, hindi naaalala ni tatay ang mga nangyari. Isa pa si Mari ang matino nang panahon na iyon. Siya ang dapat umiwas. Bakit siya nasa kwarto ni Tatay? May kwarto naman kayong sarili hindi ba? Huwag kang magalit sa Tatay. Isa pa. Matagal na rin buhat nang mangyari iyon." Niyakap ako ni Gael habang humihinga siya ng malalim. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

"Well, both of you doesn't have anything to do with kid Debs. Kapag hiningi ng korte ito kay Mari agad mapupunta ang bata. May edad na at wala ng stable na trabaho si Tatay Ador." Mahinang sambit ni Gleria.

"Anong gagawin natin?" Litong tanong ko.

"Well, pwede nating gamitin ang huling ginawa ni Mari sa atin laban sa kanya. Kakasuhan ko siya ng physical injury. A police record will definitely make her look bad and they'll reconsider Tatay Ador, Gael and you." Ngumiti siya kaya naman tumango ako kaagad.


------

Itinuloy ni Gleria ang kaso laban kay Mari. Galit na galit ang babae sa nangyari pero dahil malakas ang kaso laban sa kanya ay makukulong pa rin siya sa nagawa niya sa abogado namin.

Nasentensyahan ng anim na buwan hanggang isang taon na pagkakabilanggo si Mari. Isinulong namin ang custody case ni Tatay para manatili sa amin si Aioue. Ayun, nanalo din kami sa kaso.

Hindi na pinoproblema ng mag-ama ang pangangalaga kay Aioue. Naging magaan pa rin naman para sa akin na tanggapin na kahit anong gawin ko ay hindi ko makukuha ang solo custody kay Aioue na gustong gusto ko sanang makuha. Malungkot pero atleast sa akin pa rin pinagkakatiwala ng mag-ama ang bata.

I rolled on my bed towards Aioue's crib. My boy's awake while playing with his toys. He made some baby sound while laughing. It's a better way to wake up in the morning.

Nakangiting binalingan niya ako. I whispered 'good morning' on his ear that might've tickled him making him laugh even more.

Binuhat ko siya at magkasama kaming bumaba patungo sa kumedor. Sally already prepared the table. Tatay and Gael are already there. Kinuha ni Tatay ang anak at niyakap iyon.

"Mag-iisang taong gulang na pala ang anak ko ano?" Nakangiting sambit ni Tatay. Tumango ako at umupo sa tabi ni Gael.

"Good morning!" Masiglang pagbati ko kay Gael. He gave me a sheepish smile that made him look younger. I smiled inwardly. Kinikilig.

"Anong balak mo sa birthday ni Aioue, hija?" I smiled widely at them. Next month's Aioue's birthday.

"Gusto ko po sana ng intimate na birthday celebration. Only yours and my family's invited. Some of my friends are invited too, pwede kang mag-imbita ng mga kaibigan mo Gael." Binalingan ko si Gael na nilalagyan ng kanin ang pinggan ko. He raised a brow at me, umiling.

"Wala akong mga kaibigan na maiimbitahan, Deborah." Mahinang sambit niya.

"But why?" Takang tanong ko.

"Nilayo sila ni Mari sa akin. Galit ang mga iyon sa akin mula nang p-pakasalan ko si Mari." Alinlangan niyang sambit.

"That bitch really have attitude huh?" Kumento ko.

"Lumaki si Mari na hindi maayos ang pamilyang kinagisnan niya hija. Maaring may mali sa ugali niya. Pero alam kong kailangan niya lamang ng pamilyang mananatili at hindi mananakit. Siguro'y sa tulong ng paggabay ay magiging mabuti rin siyang tao." Mahinahong pagpapaliwanag ni Tatay Ador.

"Sapat na bang dahilan iyon upang manakit ng kapwa? Sapat na ho bang dahilan iyon para iwan niya ang anak?" Tanong ko.

"No. Alam kong hindi. Ako man ay sumuko sa kanya Deborah. Pero tulad ni Itay, naniniwala akong maaaring magbago ang tao. Parang si Inay. Iniwan niya kami kahit na alam niyang kailangan namin siya. Pero hindi na ako nagagalit sa ginawa niya. Everything happens for a reason Debbie. Maybe there's a bigger plan for them out there. Like how He planned for me to meet you after all those failures. After all the pain. After all the unanswered questions. I now know that God wanted me to be heart ready to meet you. So I can learn how to forgive. And how to let go of those that hurt me. Para mas maging magaan ang pagmamahal ko sayo. Para maging buo. Para mahandle ko kahit masyadong malakas at nakakayanig."


"Para maging handa ako para sayo." Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako ng mahigpit sa kamay. Tila nahihipnotismong nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang sa mapukaw ng pagpalakpak ni Aioue ang aming mga atensyon.

"Blaaa.. Maaa.. Paaaa. Blaaa. Bla" he blabbled while laughing. We laughed with his cuteness.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting HeartsWhere stories live. Discover now