Jonaxx's (part II)

5.7K 158 88
                                    

Wakas, ang sakit pala talaga mabasa nyan.

Ending na ng UNTIL FOREVER TRILOGY kaya naisip kong gumawa ng nobela, i mean, reaction paper katulad ng madalas kong gawin, haha.

Apat ng story lang sa wattpad yung naumpisahan kong basahin, yung as in prologue palang, at yung talagang sinusundan/sinundan ko araw-araw since naumpisahan ko nga. TMEUAS, The Spaces in Between, Every Beast Needs A Beauty, at syempre, Until He Was Gone, Until He Returned, and Until Forever.

Ganto pala yung feeling. Ang alam ko January yata napost yung UHWG, so eight months ang hinintay para matapos tong klarijah, feeling ko na-attached ako dito, drama putek haha.

Pag kasi tapos ng isulat tsaka mo binasa, matatapos mo yun ng two o three days lang o baka nga one day lang, malalaman mo agad agad yung mga eksena since tapos na pero yung sinusubaybayan mo palang (kaway kaway sa mga katulad kong minsang nahiwagaan sa closeness ni Klare at Elijah at sa mga never kinilig kila Eion at Klare) iba yung feeling (yata)

So..dahil tapos na nga itong kwento nila, naisip kong isulat ang final comment ko sa Until Forever Trilogy. Naisip kong i-appreciate ang pagkakasulat ng kwentong to.

Mayroong five elements and isang story.

Setting, character, theme, plot, at conflict. Isa-isahin natin to.

(Warning: spoiler)

1. SETTING

Sa tingin ko, ito ang isa sa pinaka least na napapansin ng readers, ang setting, pero ako, isa to sa mga unang pinapansin ko.

Gusto ko yung setting ng Until Forever Trilogy, bakit? Kasi totoo yung mga lugar. Hindi imbento. Actually ang alam ko lahat naman ng works ni jonaxx, tunay yata lahat ng lugar dun. Kung may mga fake man dun, masasabi ko na realistic pa rin lahat.

Ang sarap sigurong maging taga Cagayan De Oro o kaya Surigao no, kasi madali para sayong ma-imagine ang happenings since alam mo yung mga lugar.

Sa totoo lang medyo naiinis kasi ko sa mga story na may super unrealistic na setting. Mga weirdong pangalan ng University o mga subdivision na nakakatawa yung pangalan, kaya siguro yun yung isa sa mga napansin at nagustuhan ko kay jonaxx, ayos na ayos kasi yung setting.

Isa rin sa mga gusto ko sa setting ng stories ni jonaxx e yung nasa may probinsya, nakakasawa na kasi yung Manila yung setting tsaka ang sarap mag travel kahit sa imagination lang, tipid pa!

Nung minsan nakita ko sa instagram ni jonaxx, tuwang tuwa ako kasi may picture dun na nakalagay @lifestyle district, o diba tambayan ng Montefalcos haha.

2. CHARACTER

Na-elaborate ko na to sa sinulat dati "Jonaxx's" (shameless plugging), pero uulitin ko ulit.

Ang sabi nila ang story daw e kulang kung walang kontrabida. 80% sakin e naniniwala dito. Mas masaya pag may nakakainis sa storya diba? Pag puro kilig ang kwento, pag puro saya, at puro tawa, nakakaumay. (unless ganun talaga style nung story) So kailangan may kinakainisan lagi.

Para sakin may dalawang klaseng kontrabida, yung basta na lang silang naging kontrabida ng walang dahilan at yung mga naging kontrabida na may pinaghuhugutan, parang Maleficent lang. At para sakin, lahat ng kontrabida sa story na to may dahilan. Hindi lang sila basta mga character na siningit, lahat sila may purpose.

Jonaxx's (part II)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang