Hindi ko alam kung saan kami pupunta that time ni kuya pero habang papalapit na kami sa tatahakin namin nakita ko ang isang paaralan na medyo makaluma pero mukhang napakaganda sa loob at doon naman kami bumaba.
"Bakit dito moko dinala? Anong meron?" Agad kong tanong kay kuya para mapatingin siya sa akin ng deretso.
"Dito kana mag aaral pansamantala Poleng, alam kong medyo luma na ang paaralan na to kung titingnan pero dito nagtapos ang ating ina at ama sa kolehiyo" at napangiti siya sakin dahilan para mapangiti din ako.
Dito nagtapos si mommy at daddy ng kolehiyo, ang Monteverde de College of Tarlac. Exciting naman ito para sakin pero mukhang weirdo? Luma na ito at matagal na baka hindi mayayaman ang nag aaral dito? Argh! Medyo awkward sakin kasi nagmula pa ako sa Manila para mag aral at makapagtapos ng high school at syempre napaka sosyal ng paaralan na iyon. 'Sacred Heart of Manila' gosh mamimiss ko ang paaralan na yon.
"*ehem Poleng tara na sa loob para makapag enroll kana kanina ka pa tahimik diyan, hindi mo ba gusto na mag aral dito sa Monteverde de Tarlac?" Nagtatakang tanong ni kuya at napasulyap ako agad sa mga stuyante din na siguro ay nag papaenroll din. Nginitian ko lang si kuya at ilang minuto lang ay andito na kami sa office ng principal ng paaralan na ito.
'Nagagalak ko kayong makita dito Lei at Paulenette Lopez, natatandaan ko pa nung maging estudyante ko pa ang mga magulang niyo at saksi sa pagmamahalan nila. Naway may magandang dulot ang pagpunta niyo dito?" Masayang tanong ng punong guro na halatang tuwang tuwa talaga na makita kami ni kuya Lei.
'Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Madam Ibarra, nais ko po sanang dito mag aral si Paulenette ng kolehiyo at nais din niyang maging isang matagumpay na negosyante gaya ni daddy at mommy.' Ngiting sabi ni kuya Lei at mukhang tuwang tuwa si Madam Ibarra sa narinig niya at nginitian niya ko na dahilan para ngitian ko din siya.
"Business Management po ang kukunin kong kurso Madam" sabi ko at nginitian siya.
"Sa isang araw na ang pasukan hija at nagagalak ako na nais mo palang dito makapag tapos ng pag aaral kahit may kalumaan na itong paaralan" sambit ni Madam Ibarra habang nakatingala at tinitingnan ang dingding na medyo luma na nga, pero kahit tutuusin ay napakaganda padin dahil karamihan sa mga gamit ay Antique na.
Kung sabagay ay matagal na talaga to 18 nako at 21 na din si kuya Lei at dilaga at binata pa ng mag aral sila mommy at daddy dito.
*ringgggggggg! ringgggg! ringggg!
Nagulat ako ng biglang mag ring cellphone ko dahilan para mapatingin sakin si kuya Lei at Madam Ibarra.
"Excuse me lang po" at sabay akong yumuko at lumabas kwartong iyon pero naririnig kong patuloy padin sa kwentuhan si kuya at madam.
"Hello?" Pagkasagot ko ng tawag.
"Polenggggggg?! May nangyaring hindi maganda at alam kong hindi ikapapanatag ng loob mo!" Sabi nung nasa kabilang linya at napagtanto ko na si Ellaine pala iyon ang matalik kong kaibigan sa Manila, halong takot at kaba ang naramdaman ko :<
"A-ano ba iyon Ellaine?! Ba-bakit?" Utal kong sagooot.
"Paulenette si Marco naaksidente at nasa lubhang kalagayan siya!". Nag aalalang sagot din ni Ellaine at dahilan sa biglang pagkagulat ko na napahawak ako sa bunganga ko at napasigaw ng di naman ganoon kalakas at agad kong in-end yung call.
Ramdam ko ang yapak na papalapit sa akin at sigurado akong si kuya Lei iyon.
'Bakit Pau okay ka lang ba? Anong nangyari? Bat ka napasigaw?' Sunod sunod na tanong ni kuya habang nag aalala.
"Kuya bumalik tayo ng Maynila! Naaksidente si Marco! Nag aalala ako at hindi ko alam gagawin ko! Nasa lubhang kalagayan siya at nais ko siyang makita!" Pag aalala ko habang may namumuong luha sa gilid ng mata ko.
Marco, mahal ko anong nangyari? Sana okay ka lang.
Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni kuya pabalik ng Maynila alam kong di na kami nakapagpaalam pa kay Madam Ibarra dahil maging si kuya ay nabigla at nag alala sakin. Tulala lang ako at pakiramdam ko wala kong naririnig, diko namalayan na tanong ng tanong pala siya sakin. Nagugulumihan ako baka kung anong mangyari kay Marco diko kaya pag nawala siya sa akin.
Napagtanto ko na andito na kami sa hospital ngayon na pagmamay ari nila Marco boyfriend ko, dahilan para dito na kami magpunta at sigurado kami ni kuya na dito siya dinala. Bakas din sa mukha ni kuya ang pag aalala kay Marco dahil ito'y kaniyang matalik na kaibigan kung kayat nag kamabutihan kami ni Marco.
'Nasaan po siya tita? Mabuti na ba ang lagay ni---' at diko na natapos tanong ko dahil agad ko siyang nasulyapan at hinang hina. Nginitian ko si tita Carmen ang mommy ni Marco at niyakap siya dahil alalang alala siya bakas sa mukha niya iyon.
May benda sa ulo, braso, paa, at kamay. Yan ang lagay niya sa tinamo sa aksidente. Ang daming sugat at pasa sa madaming bahagi ng katawan niya. Mabuti na raw at hindi ganon kalala ang nangyari sakanya dahil ang isang kasamahan niya ay namatay dahil daw nabasag ang ulo nito na sanhi ng pagkamatay niya.
YOU ARE READING
Unexpected Changes
Teen FictionIsang dalagang nag ngangalang Paulenette Lopez ay nakaramdam ng kasawian sa buhay noong mamatay ang kanyang nobyong si Marco ngunit lumipas ang ilang taon ay makikilala niya ang muling magpapatibok ng puso niya na si Kenzo Aquira na simple lamang, i...
