Forty Six

826 21 3
                                    

Forty Six

"Liligawan ko po si Astrid!" Kaagad kong naibuga ang iniinom kong tubig sa mukha ni Kapitan dahil sa sinabi niya.

Sinuri ko ang mukha ng mga bisita namin, lalo na si Lola at nakita ko kaagad ang pagkislap ng mga ito. Dali-daling lumapit sa kanya si Lola at nagpasalamat pa. Seriously La?!

"Mabuti naman at may nagkamali din." Halos takpan ko ang mukha ko dahil sa pamumuri nila sa katapangan kuno ni Harris, parang pakiramdam ko ay biglang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko nung mga oras na iyon at sa sobrang kahihiyan ay lumabas na muna ako ng bahay at naupo sa labas- pinagmasdan ko ang bilog na bilog na buwan habang tamad na ngumunguya ng chips.

Isinubsob ko ang aking mukha sa table nang maramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.

"Sorry- nabigla ba kita? Before coming here desidido na kasi ako na bago ako dumiretso sayo para hingiin ang permission mo ay sa kanila muna para wala ka nang dahilan pa para tanggihan ako." Proud na proud na sambit niya.

Bigla kong narinig ang malalim niyang paghinga at seryosong tumingin sa akin. "I just wasted the whole one year to prove to you that I can handle myself, na kaya kong maghintay pero sa tuwing nakakaya ko- na naiisip kong kaya kong wala ka at wala ang islang ito ay nakikita ko na naman ang sarili kong nangungulila sayo. Mahirap but thanks to you I realized the value of life and the people beside me..." sa sinabi niyang iyon ay doon unti-unting may sumilay na ngiti sa labi ko.

"Befor I met you I have this mindset na kapag mawala ako- for sure wala namang malulungkot gaano maliban sa family ko and my fans, I dont have a friend only my manager. Pero noong nakilala kita binago mo ang pananaw ko- you value your family so much, your Lola and every person here na para bang kapag mawala sila- mawawala ka din at isa yan sa pinaka-nagustuhan ko sayo. You value every little things in this world and your simple life makes my world crumpled because you always find joy in everything that you do."

Hinayaan ko lamang siyang magsalita.

"I know nasaktan kita, I'm sorry pero sinabi na sa akin ni Gino ang lahat kaya nga nung nalaman ko iyon ay ilang beses kong pinigilan ang sarili kong puntahan ka. I'm sorry." I dont know pero bigla ko na lamang nakita ang sarili kong tumayo sa aking pagkaka-upo at niyakap siya.

"It's alright- I'm sorry din kung napagsalitaan kita ng hindi maganda noon. Its just so hectic nung araw na iyon at hindi ko na alam ang gagawin ko. About my Ate- tanggap ko na ang lahat, tanggap na namin ni Lola kaya wala ka ng dapat pang alalahanin."

"So alam din ni Lola?" Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya.

May biglang tumikhim sa aming likuran dahilan upang bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya- pagtingin ko ay si Lola pala.

Naupo ito sa tabi namin at seryosong tiningnan si Harris. "Ipagpa-umanhin niyo na pero narinig ko yung pinag-usapan niyo at ipapakiusap ko lang sana sayo Harris na baka pwede naming kunin ang labi ni Yanna sa Maynila- nahihirapan kasi kaming puntahan siya doon taon taon sa tuwing birthday at araw ng patay- para sana maitabi namin siya sa puntod ng mga magulang ni Astrid iyon ay kung papayag ka...."

"Ou naman po- sige po ipapa-ayos ko kaagad." Sagot nito.

"Noon kasi kaya hindi namin dinala ito ay para pagbibigay galang na lang din sa mga kaibigan niya pero noong nalaman kong ikaw pala ang naging kasintahan nito ay natuwa ako dahil alam kong papayag ka sa gusto naming mangyare." Natahimik ako sa osang banda habang pinagmamasdan silang dalawa at ilang sandali ay hinawakan ni Harris ang kamay ni Lola.

"Lola." Malumanay niyang tawag sa akin. "Hindi po ba kayo galit sa akin, about sa nangyare sa apo niyo?"

Mariing pumikit si Lola at hinaplos din ang kamay nito. "Bakit naman ako magagalit sayo- hindi mo kasalanan ang nangyare, katulad nga ng palagi kong sinasabi, ang pagkawala ni Yanna ay naka-plano na sa palad ng ating panginoon, nasaktan ka at nakabangon para mas maging mabuting tao ka pa at para makaya mo lahat. Minahal mo siya at minahal  ka din niya kaya nung nalaman naming wala siya ay parehong kirot, sugat at pangungulila ang naramdaman natin dahil hindi natin maikaka-ila na naging parte tayo ng mundo niya at gayun din ito sa atin. Ang magagawa nalang natin ngayon ay mas mabuhay ng may saya para kung nakatingin man siya saatin ngayon ay nakangiti at wala itong pagsisisi. At kung iniisip mo na baka galit ako kasi naging kasintahan mo siya at nililigawan mo ngayon ang kapatid niya- huwag kang mag-isip ng ganyan dahil ang padating mo dito noon ay hindi mo kagustuhan- ang pagtibok ng puso mo ay hindi mo kontrolado kaya alam ko at naniniwala ako na 'baka dinala ka dito ni Yanna upang ipakilala ang mas magmamahal pa sayo habang wala na siya at iyon ay ang kapatid niya'" Biglang  tumulo ang aking luha dahil sa mga binitawang salita ni Lola.

Umiiyak na din si Lola nang abutin niya ang kamay ko.

"Kaya kayo- huwag niyong sayangin ang bawat oras dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lang ba tayo mabubuhay, kailan lang ba natin malalanghap ang sariwang hangin na ito. At lagi niyong tatandaan na talagang may ipinapakilala sa buhay  natin upang makilala natin ang tunay na kaligayahan."

At matapos nun ay tinawag na si Lola ng mga kasamahan niya kaya naiwan na ulit kaming dalawa roon.

Naiilang pa akong tumingin sa kanya at naguli ko siyang umiiyak, napangisi ako.

"Bakit?" Tanong niya

Nagkibit balikat lang ako at umiling-iling. "Wala!" Pagsusungit ko sa kanya.

Tumayo na ako at nagbabalak na ulit na umalis nang magsalita siya ulit.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko..." kumunot noo ako.

"Na ano?" Bigla na rin siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Na manliligaw na nga ako."

"Tapos?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"I am asking your permission now- papayag ka na ba?" May pilyong ngiting sumilay sa aking labi at mapanuksong lumapit sa kanya.

"Akala ko statement yung sinabi mo- nagtatanong ka parin pala. Did you think makakatanggi pa ako kung brinodcast mo na sa mga tao dito?. Tsk. Tsk!" Naglakad na ulit ako papasok at mapanuksong tiningnan siya.

"No need to ask- Its always YES!" Sagot ko at tuluyan ng nakapasok sa loob ng bahay.

VOTE, COMMENT

A Place Where You BelongWhere stories live. Discover now