Five

1.1K 27 1
                                    

Five

Maghapon akong umalis na ng bahay para sa aking gagawin- bitbit ko ang gitara habang naglalakad patungong center. Nakita ko narin si Johny ang nag-iisang batang tuturuan ko ng academics. Yep- I am a teacher.

"Hello ticher, magandang hapon po." Masiglang bati niya kaagad saakin with bow.

I also bow "Magandang hapon din po Ginoo" Napangiti siya sa inasal ko kaya inilahad ko sakanya ang aking kamay para sabay na kaming pumasok sa loob.

Johnny is a 7 year old kid. "Kumain ka na ba? Anong ulam niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ulam po namin ay gulay."

"Kumain ka ba? Alam mo naman kung gaano ka-importante ang gulay sa katawan hindi ba?"

"Yes na man po, inubos ko nga po ang pinggan ko."

"Wow naman- very good!" Sagot ko sakanya.

Pinaupo ko na siya sa kanyang upuan at inilabas ang libro. "Ticher, balita ko may panauhin daw po tayo na tumutuloy sainyo, kamusta naman po?" Biglang umusok ulit ang ilong ko dahil sa tanong niya, naalala ko na naman kung gaano ka-demanding iyong lalaking iyon sa kwarto niya.

"Huwag nalang natin muna siya pag-usapan at kailangan mo pang mag-aral, okay?"

Wala na lamang itong nagawa kung hindi ang tumango na lamang sa sinabi ko. Mabilis na lumipas ng oras at nang tumuntong ang alas kwatro ng hapon ay sabay na kaming iniluwa ni Johnny ng school, magka-hawak kamay kami habang ihahatid ko na siya sa bahay nila.

Sa labas pa lang ay nakikita ko na kaagad si Aling Lolit- Ina ni Johnny na nagwawalis ng bakuran.

"Ma!" Masiglang bati ni Johnny at nag-mano rito.

"Magandang hapon po Aling Lolit, mauuna na po ako." Nakangiting pahayag ko.

"Astred, salamat sa pag-hated dito sa bunso ko, nga pala baleta ko, grabe daw ka-gwapo ang bisita niyo"

Napakamot ako sa aking ulo. "Hindi naman po- mali po ang na-balitaan niyo."

Inibahan niya kaagad ako ng tingin. "Sussss, ikaw ah- Astrid mukhang type mo!" Panunukso niya saakin. Kaagad akong umiling-iling.

"Naku Aling Lolit mukhang malabo- malayo siya sa standard ko, napaka-antipatko..." sumuko na lamang ito at tuluyan na akong umuwi saamin.

Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng bahay, hindi ko rin napansin ang bisita namin- nagtuloy ako sa kwarto at doon sandaling nagpahinga. Inihiga ko ang aking sumasakit na katawan at doon hinayaang makatulog.

~*~

Nagising ako sa pag-hampas saakin ni Lola.

"Laaa naman!"

"Gumeseng kana at doon tayo maghahapunan sa bahay nila Kardu, hanapin mo na din ang panauhin natin- kanena ko pa si-ya hinde nakiketa" Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto ni Lola. Nagbihis ako ng maayos at tsaka hinanap yung bisita namin na iyon- at halos inabot ako ng ilang minuto para lang hanapin siya at yun pala ay nasa tuktok siya ng lugar na ito.

Naningkit ang mga mata kong nakamasid sakanya habang nakahiga ito sa damuhan at ang nagtatakip lang sa kanya laban sa inet ay ang kamay niyang nakapatong sa noo niya.

Is he okay?

Iritable akong tumuyo sa tabi niya at masama siyang tiningnan habang nakahiga padin ito.

"Psssst- kakaen na daw!" Tawag ko sakanya pero hindi niya lamang ako pinansin.

Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya o nagpa-panggap lamang ito.

A Place Where You BelongWhere stories live. Discover now