Hindi napigilan kahit ang kasiyahang hatid ni Dev kanina ang kawalan ng pag-asa ko.

Everything seems to disappear when I'm alone. Lahat ng dahilan ng ngiti at tawa ko kanina ay tila isang kandila na unti-unting natutunaw at nawawala sa isang kwartong puno ng kadiliman.

Hanggang sa mamatay ang liwanag na dala nito.

Naghari ang itim na kulay sa paligid at kinakain nito ang kaninang liwanag na dala ng kandila, hanggang sa tuluyan na itong nilamon ng kadiliman.

I closed my eyes as memories started to flood my mind.


"Do you want to go to Disneyland, princess?" Malambing na tanong ni Mommy sa akin.

Lumiwanag ang ekspresyon ko sa sinabi niya.

"Really, Mommy? Can we go to Disneyland?!"

She chuckled. "Of course we can, baby! We will do anything that will make you happy..."

She smiled, but that smile slowly faded as days passed.

Natigil ako sa pagbaba ng hagdanan nang marinig ang malakas na boses ni Mommy. I saw them fighting on the living room.

"What the hell did you do, Marco?! How can you do this to us!" Umiiyak na sigaw ni Mommy.

"Don't you dare shout at me, you bitch!" At umalingawngaw ang malutong na sampal sa tahimik na bahay.

Napa-upo si Mommy sa sahig sa lakas ng sampal ni Dad. Doon bumuhos ang luha sa mga mata ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanila para yakapin ang umiiyak kong Mommy.

"Don't hurt my Mommy, Daddy!" Awat ng sampong taong gulang na ako. "Stop fighting, please..."

Nabaling sa akin ang nanlilisik at namumulang mata ni Dad.

"Isa ka pa! Pabigat kang bata ka! Puro ka luho!" Sigaw ni Daddy at akmang hihilahin ako kay Mommy pero agad na tinulak ni Mommy si Daddy.

"Huwag mong idamay ang anak ko, Marco! Sige! Magsugal ka at gumamit ng droga hangga't gusto mo pero sa oras na saktan mo ang anak ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na isuplong ka sa pulis!"

Iyon ang unang beses na sinigawan ni Mommy si Daddy. They love each other so much and this is the first time I saw them fighting.

At nasundan ng nasundan ang away nila...

"I'm sorry, Mrs. Araneta. The bank called and they said that your husband is in debted to several people with a total of three hundred billion pesos. The investors are also withdrawing their investment because of the issue of your husband being a drug user. They lost their trust in the company and if this continues, the company will face a huge bankruptcy." Dinig kong sabi ng family lawyer namin.

Mommy cried so much that night and I was awake the whole time. Madalang na lang ang pag-uwi ni Daddy at nag-aaway pa sila tuwing nagsasalubong ang landas nila. I was so lost and confused. Nagsisimulang bumagsak ang lahat sa paligid ko at hindi ko alam kung anong dapat gawin.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now