Teka? Bakit ako nagso-sorry? Di ba galit ako?


Muling bumuka ang bibig ko. "Deserve ko ang galit mo. Kung galit ka sa akin, sige, magalit ka."


Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. "Do you really think I am mad at you?"


"Hindi ba?"


Kumibot ang gilid ng kanyang mga labi. Inismiran niya ako?!


Bakit siya ganito? Bakit cool lang siya kahit ang awkward naming dalawa? Nakakainis! Nabuhay tuloy ang galit ko na kani-kanina lang ay tila bulang naglaho.


"Ito na naman tayo. Ginaganyan mo na naman ako. Alam mo bang ang hirap hulaan ng nasa isip mo?"


Bahagyang dumilim ang mga mata niya. "Go back to your room now. It's getting late."


"Hindi pa ako aalis dahil kakausapin pa kita!" matigas kong sabi na hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sagutin siya nang pabalang. But I'm so proud of myself na nasagot ko siya.


Tila naman siya nabigla sa sinabi ko. And his reaction was priceless!


Nagpatuloy ako. It's now or never. Kailangan niyang marinig ang mga sasabihin ko. "Pumunta talaga ako rito para kausapin ka!"


"Really, huh?"


"Gustong-gusto mo akong laruin nang ganito. Nililito mo ako. Pinapakapa mo ako sa dilim kahit pa alam na alam ko naman na galit ka sa akin. Bakit hindi mo na lang kasi ako diretsahin at parusahan nang harapan? Bakit patalikod ka kung tumira?!"


"Are you raising your voice on me?"


"Oo!" nakataas ang baba na sagot ko. "Dahil hindi ko itatago ang feelings ko. Hindi ako makikipagplastikan na okay ako kahit hindi ako okay!"


Napailing-iling ang kanyang ulo. "You're really a grown up lady now, doll. Marami ka ng salitang alam."


Maraming salitang alam? Natigilan ako. Bakit? Dahil ba noong bata pa ako ay wala akong alam sabihin kundi "sorry" tuwing may kasalanan ako? Pero ngayon ay kaya ko nang manumbat at mangatwiran?


Itinaas ko ang baba ko tiningnan siya nang matalim. Ganado ako dahil malakas ang loob ko ngayon. "Ikaw ang nagpapasara ng DEMU. Alam ko na ikaw lang ang may kakayahang gawin iyon. Bakit kailangan mong idamay ang buong eskwelahan?"


Nagsalin siya ng wine sa kanyang wineglass at sinimsim iyon habang nakatingin sa akin.


"Paano ang mga scholar sa school? Paano ang ibang estudyante na graduating at maaapektuhan nito? Paano ang mga ordinaryong empleyado ng DEMU? Mula sa mga prof, janitors, guards at iba pa? Inisip mo rin ba sila? Sana hindi lang sina King ang inisip mo! Sana sila rin!"


Wala siyang imik. Hindi siya apektado sa laki ng desisyon niya. Nalulula ako kung paano gumalaw ang taong ito. Wala siyang puso.


Anong klaseng pag-iisip ang magdedesisyon agad nang ganoong katinding desisyon? Kumbaga sa krimen, hindi lang ito basta murder kundi massacre! At maraming nadamay na wala namang kasalanan!


"Ako ang naagrabyado ni King, hindi naman ikaw!" Dinuro ko siya. "Pero kung makareact ka, parang ikaw ang binastos at sinaktan! Hindi naman ikaw, kasi ako! Ako rin ang may kasalanan kaya nagawa niya iyon sa akin. Dahil matigas ang ulo ko, dahil sinuway kita kaya ako napahamak. Kaya ako ang dapat sisihin, ako lang dapat!"


Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Ang mga kamao niya ay nakakuyom at dinig ko ang pagtunog ng mga buto niya sa kamay.


"Sa akin ka lang magalit, wag kang mandamay ng iba!"


Gustong-gusto ko ring ibulyaw sa pagmumukha niya na hindi niya dapat idamay si Calder sa galit niya sa akin. Dahil kahit hindi niya sabihin, alam ko na may kinalaman siya kaya wala na rito sa mansiyon si Calder.


Minuto ang nagdaan, wala siyang imik. Makailang beses siyang nagsalin ng wine at tinungga iyon habang ang mga mata ay nakatutok sa dingding.


"Bakit mo pinaalis si Kuya Calder?" mahinang basag ko sa katahimikan.


Huminto sa ere ang hawak niyang wineglass.


"Pinaalis mo siya, di ba?"


"No."


"So kusa siyang umalis? At bakit naman?" Mapakla akong ngumiti. "Aminin mo na kasi, pinalayas mo na siya at pinagbawalan na makipagusap sa akin. At dahil tinakot mo siya, kaya wala siyang ibang magagawa kundi sundin ka!"


"Iyan ba ang sabi niya sa 'yo?" malumanay niyang sabi at marahang ibinaba sa mesa ang wineglass.


"Hindi niya kailangang sabihin. Alam ko na pinaalis mo siya."


"Do you wanna find him?"


Nanlambot ako nang magtama ang aming paningin. Hindi na siya galit, iba na ang nasa mga mata niya. Hindi na galit pero mas nakakatakot na emosyon.


"Do you wanna find him?" ulit niya sa mas malamig na boses.


Napaatras ako. 


Lumakad siya palampas sa akin.


"Go ahead, find that man. Kung magpapakita pa siya sa 'yo."


Matagal siyang nakatayo paharap sa pinto ng study room. Gusto ko siyang tawagin ngunit hindi ko naman alam ang pwede kong sabihin. Lumipas ang mga minuto na ganoon lang kaming dalawa; nandon lang siya at naririto lang ako na nakatingin sa perpektong likuran niya.


"Fran." Malungkot ang mga mata niya ng lingunin niya ako.


Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito kalumbay ang mga mata. Pakiramdam ko ay may sumikmura sa akin dahil doon.


"You disobeyed me when I chose to trust you. Do you have any idea how that makes me feel?" Tila patalim na humihiwa sa akin ang mga salita niya.


Napahikbi ako. Sa isang iglap, gusto kong lunukin ang lahat ng sumbat na pinakawalan ko kanina.


"Fran, hindi lang ikaw ang may pakiramdam sa ating dalawa."


JF

Obey HimWo Geschichten leben. Entdecke jetzt