Chapter 1: The Bad Nightmare

0 0 0
                                    

...

Ayu's POV

"Mama? Papa? where are you?" madilim ang paligid, pakiramdam ko ako lang mag isa pero bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril

Agad akong napatakbo sa sobrang gulat pakiramdam ko may mawawala na taong napaka importanti sa akin

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakita ko ang mama at papa ko na naka bulagta na sa sahig habang tinututukan sya ng baril ng lalaking naka itim na may snake tattoo sa batok

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at agad tumakbo para lapitan ang kinaroroonan nila

"Mama! Papa! Wag niyo kung iwan!.. Maaaa! Mah! Pah naman eh!" Niyoyug-yug ko ang balikat ni mama para magising ito pero tila isang yelo na ito sa sobrang lamig at naninigas narin ang katawan katulad lang din kay papa

"Bakit mo pinatay si Papa at Mama?! Bakit!!! Waaahh! Mama ko!! Ibalik mo sakin ang Mama at papa ko!" Iyak lang ako ng iyak parang walang katapusan

"Ginawa ko lang ang dapat matagal ng nangyari, maiintindihan mo rin ang lahat pag na sa tamang edad ka na" tumalikod na ang lalaki at lumakad paalis, nakarinig ako ng mga siren ng mga police at mga taong tinatawag ang pangalan ko

"Ayumie! Ayumie! Nasaan ka!? Ayumie!" Pero ang boses na nangunguna ay boses ng matandang lalaki na parang nag aalala

"Ayumie!"

"Ayumie!"

"Ayumie! Gising! Gising!"

"Ayumieeeee!!!"

Napabalikwas ako bigla dahil sa ingay nayun, agad kung nilingon yung bwesit na tao na nambulabog dito sa kwarto ko

"Ayu, gising ka na dyan na nanaginip ka na naman" malungkot na tugon ni Suzie ang personal maid ko, isa sya sa mga babaeng inabuso na natulongan ko, pero sya ang pinili ko para maging personal maid dahil napaka buti nyang bata kahit muntikan na syang napatay pinatawad nya parin ang kanyang tiyo

"I'm ok, baba lang ako mamaya ng ilang oras" tumango naman sya at agad ng lumabas

Tumayo na ako para maka pag ayos na sa sarili dahil naalala ko na pupunta pala ako ng mall para makabili ng mga gamit sa papasukin kung school

Nagbihis ako ng black crop top  may skull design sa likod tapos naka white ripped jeans at black converse shoes, nag bonnet rin ako ng grey para hindi magulo ang buhok ko

Pagbaba ko sa mataas na hagdan ay yumuko lahat ng mga maid at bumati ng good morning lady Xandra

Agad na akong umalis pagkatapos kumain, pumunta ako sa garage at pinili ang black sports car nakaka release lang sa companya ni tanda, oo syempre buhay pa ang matandang yun dahil matagal pang mamatay ang masamang damo tulad niya

Agad kung pina takbo ng mabilis, at embis 30 minutes ang tagal sa pag byahe ay dumating lang ako ng 10 minutes, malayo kasi ang mansion ko sa kabihasnan, oo magubat sya pero at malawak ayuko kasi ng maingay kaya dito ko naisipang ipatayo ang magiging bahay ko

May nakita akong kotse na katulad ng type ng kotse ang meron ako pero inunahan ko yun dahil alam kung upgraded itong akin dahil yun ang request ko kay tanda

Agad namang humabol ang pulang kotse na inunahan ko, siguro nag hahamon ito

"Tsk... People are so hot headed this days" nasabi ko nalang dahil ang dali namang mainis ang may-ari ng kotseng yun

Nakikipag karera sya sakin pero alam kung hindi naman siya makakahabol kasi mas malakas ang akin

Binalak niya sanang banggain ang akin pero its a big No! No!, kaya agad ko nang ipinaharurut ang akin at nawalan siya ng control kaya nabangga siya puno, 'hahaha buti nga sayo'  tawa ko nalang sa aking isipan, buti nalang at tinted ang kotse ko kaya hindi kita kung sino ang nasaloob nito

Agad naman akong nakarating sa mall at pinark na ang kotse, pagbaba ko agad napapatingin ang lahat ng tao dito sa mall sa akin 'tsk... What are they looking at?' Binalewala ko nalang ang mga tingin at bulongan nila at agad ng pumasok

"Wow! Ang kinis naman ng balat, sana ganyan din akin" sabi nung babaeng morena

"Shit ang sexy niya tol, kung hindi lang magaling sa kama ang girlfriend ko matagal nakong nakipagbreak tapos ligawan ko yan" tsk.. Fuckboys, I hate them!..

Lumapit ako sa isang babae na busy sa kaka tingin sa cellphone nito

"Excuse miss, can I ask where is the National Book Store here?" Napaturo naman siya sa kanyang sarili at tumango naman ako, agad naman niyang tinuro kung saan kaya nagpasalamat naman ako hindi na siya sumagot kasi nakatulala parin siya saakin

'Gosh nakaka tomboy naman ang babaeng yun ang lakas ng karisma, kahit sino ma iinlove  (^_^“)'  isip ng babaeng kausap niya kanina << narrator's short POV

Back to Ayu's POV

Nakita ko naman ang National Book Store at binili na ang mga kakailanganin, pagkatapos ay umuwi na agad at bumalik sa pagtulog wala kasi akong maayos na tulog dahil busy naging busy ako sa pag ma manage ng UGAFs (Underworld Gangster Fights) noong mga nakaraang araw

Hindi pa pala ako nag papakilala, so my name is Xandra Ayumie L. Jung, ¼ Pinay and ¾ Japanese, si mama ang Pinay at si papa naman ang Japanese, 17 years old, isang gangster at isang assassin, ipinalaki ni tanda sa Japan ngunit ipinatapon niya sa Pinas dahil madami na akong records sa police station pero agad namang nakaka labas dahil sa mga connections ni tanda

Inaantok na ako kaya tutulog na muna...

...

To be continue...

Thanks for reading...

The Girl With The Red HairWhere stories live. Discover now