Halos manlaki ang mga ilong ko litanya niyang mahaba pa sa buhok ko. Nagpa-balik-balik ang tingin ko sa suot ko at sa suot niya. Oo, malayong-malayo pero magkaiba naman kami. Hindi naman p'wedeng 'yung taste niya ay taste ko rin dahil magkaiba kami ng dila. Wait, what?

"Ylona, malapit na tayo. Do what I said!" She tapped my accessories. "Take this away. And this. Remove, remove, remove. Fast!"

I moved away as if she's a contagious disease. "If I do, then I'm a princess no more."

Tinignan niya ako na parang ako na ang pinakabaliw na nakilala niya sa mundong ibabaw.

"We're going to a university not a castle. And you're a student not a princess, my God. Alam mo, Ylona, bahala ka."

The car stopped in front of the school gate—school that I have already seen when I was a kid, but its old image was lost in time. Ibang-iba na siya.

Umaabot sa aking pandinig ang halu-halong boses ng mga nasa loob—ingay na nabubuo kapag vacant ng klase o wala pa ang subject teacher.

Wew, student life. I've been a student too. I can relate somehow. Though all of those are now just fading memories.

Sinipat ko ang aking pambisig na relo—five minutes na lang ay seven twenty na. It would be the start of classes Ivy have said.

Ora-oradang pinagbuksan kami ng pinto ng driver ko. Umibis ako at saglit pa akong nanigas sa kinatatayuan ko. I can't believe I'm standing in this ground right now.

"Ylona!" Narinig ko ang sigaw ni Ivy. Medyo malayo na siya sa akin. "My God, sumunod ka na sa akin. Takbo! Hindi mo pa naman alam ang pupuntahan mo. And kakanta ang ma-late, alam mo ba 'yon?"

Itinakbo ko ang suot kong boots na may two inches heel pa. Nagdudulot ito ng ingay sa walang katao-taong pasilyo. Nakikita ko ang mga estudyante na nasa kani-kanila nang silid. Hindi ako sigurado kung assumera lang ako o sadyang napapasunod talaga ang tingin nila sa akin.

"Colanse."

"Ma'am!" narinig kong sigaw agad ng pinsan ko pagkapasok na pagkapasok niya ng room.

Sa kakatakbo ay lumampas pa ako nang kaunti sa pintuan ng room. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, pero para namang walang pakialam sa akin itong pinsan ko at nakalimutan na niya yatang nandito ako.

Dahan-dahan akong pumasok ng silid. Ayaw kong maglikha ng ingay pero kahit anong gawin ko ay nakakakuha pa rin ng atensiyon ang tunog ng suot kong boots. Napatingin silang lahat sa akin pagpasok ko. May mangilan-ilang sumipol. Very unethical.

"Good morning, Ma'am," bati ko sa guro na bahagyang nanlaki ang mga mata nang mapansin ako.

"Ikaw ba ang sit in student, Miss?" pormal niyang tanong sa akin.

I smiled awkwardly. "Yes, Ma'am. Ako po." Bakit, mayroon pa bang iba?

Hindi nakatakas sa aking paningin ang tingin niya sa akin na parang nanunuri. Dumaan ang kanyang mga mata mula sa aking ulo pababa sa talampakan.

"It seems like you are a fan of Disney Princesses," pansin niya. "That's so cute of you."

Luh. Kinilig ang buntot ko. "Salamat po."

I'm Dreaming for a Fairy TaleWhere stories live. Discover now