Kabanata 8

1K 54 1
                                    

Kabanata 8

Nang makarating kami sa Apartment na inuuwian ko agad na napangiwi ang baklang katabi ko. Ako naman ang napataas ang kilay at napailing sa reaction niya.

“Yuck, what's that smell?” Tukoy nito sa nilulutong tokwa ng kapitbahay. I scratched my nape and gave him a glare. Nakatalikod ito sakin kaya hindi niya napapansing matalim na ang titig ko.

“Where's your room ba?” Maarte nitong tanong.

Ayan kase nauuna kung di ka ba naman pabida eh. Palihim akong natawa sa'king naisip.

Nagpatiuna ako maglakad at hinayaan siyang tignan ang mga nadadaanan naming kwarto. Nang makarating kami sa kwarto ko'y binigyan niya ako ng di makapaniwalang tingin.

“What the hell? This room is too small and plain like it's so pang poorita.” Napailing na lamang ako sa panglalait niya sa apartment na inuupahan ko.

Hindi naman ganon kaliit ito sakto lang sa isang tao masyado lang siyang maarte. Nagtungo ako sa Cabinet ko at binuksan ito. Hinigit ko sa ibaba nito ang malaking bag ko at nag-umpisang magtupi.

Hindi ko na aasahang tulungan ako ng baklang 'yon dahil rinig na rinig ko parin ang panglalait niya sa apartment ko. I wonder why did he choose to accompany me here kung gaganiyan ganiyan lang din naman siya.

“Are you done?” Nakangusong ani Max. Para itong bata, nakakarindi pero ang cute. Argh.

“Kung sana hindi ka na sumama dito hindi ka maiinip diyan.” Mahina kong ani rito. Mas lalong humaba ang nguso nito at lumipad ang tingin sa Picture frame na nakasabit.

Nilapitan niya ito at tinitigan ng mabuti. Nakakunot ang noo nito habang tinititigan ang Family Picture namin.

“K-Kloux and P-Praina..” Nanlaki ang mata ko ng banggitin niya ang pangalan ang mga Magulang ko.

“B-Bakit mo sila kilala?”






Third Person

Naka-awang pa 'rin ang bibig ni Prim habang nakatingin sa baklitang nakatitig sa Family picture nila. Nag-iwas ng tingin si Max 'don.

“M-May maliit kaseng pangalan na n-nakasulat..” Aligaga ito at pinagpapawisan ng malamig.

Agad naman iyong napansin ng dalaga kaya mas dumoble ang rason niya para paghinalaan ang bakla. She clenched her teeth, Malaman ko lang na isa ka sa kanila Trevour buburahin kita sa mundo.

She felt a pang in her chest, imagining how that gay will die in her own hands pains her.

She shooked away that thought and continue packing her things. Nang matapos niya iyon at nasiguradong wala na siyang naiwang gamit ay binalingan na niya ng tingin ag bakla. Tulala pa 'rin ito at tila nasa malalim na pag-iisip.

“Master.” Pukaw niya ng atensyon nito. Tila nagitla pa ito dahil bahagyang nanlaki ang mata nito. Mas lalong kinutuban ang dalaga.

“You done?” Bumalik ito sa kaniyang normal na kilos. Prim just nodded her head as an answer. Napalabi naman ang bakla saka nagsalita.“Hmm, then lets go.”



Nang makarating sila sa baha—Mansion ni Max ay agad na humanga ang dalaga. Napakalaki at napaka-elegante kung titignan sa labas. Agad na umawang ang bibig niya dahil para itong palasyo, kulay ginto at magandang tignan pag-gabi!

“Bunganga mo gurl mapasukan ng langaw.” Ani Max at humagikgik. Nangunot naman ang noo ng dalaga at sinarado ang bibig.

Nang makapasok sila sa loob ay mas lalong humanga ang dalaga para talaga siyang nasa palasyo! Gold na gold ang theme ng bahay mula sa chandelier na pagkalaki-laki, sa mga dingding at iba pang kagamitan.

“A palace indeed..” Wika ni Prim at napangiti. Ito kase ang kaniyang dreamhouse noong bata pa siya at hanggang ngayon ay ayon pa 'rin ang gusto niyang matupad.

“Hmm, I know that my house is beautiful but hey I'm more beautiful.” Pangeechos ng baklang nasa tabi niya lamang.

Hindi niya ito pinansin at patuloy lamang ang pagtingin niya sa bawat sulok ng Sala nila.

“Lets go na we're going to your room okay? Para na 'rin makapagbeauty-rest ka.”

Tumango lamang ang dalaga at patuloy lamang sa pagtingin sa bawat madadaanan nila. Minsan pa'y napapasinghap siya sa mga paintings na gawa ng mga tanyag na pintor. Napatigil siya ng may makita siyang pamilyar na litrato.

Litrato niya nung maliit pa lamang siya.

“Bakit siya merong litrato k-ko?” Nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. Simula kanina sa apartment niya ang paraan ng pagtingin niya sa mga magulang ng dalaga at pagbanggit niya ng pangalan ng mga ito ay mas lalong lumakas ang hinala niya.

“Saverola!” Nagitla siya ng may kamay na humigit sa kaniya, matalim ang titig sa kaniya ng bakla at tila iritang irita.

Ano na naman ba? Ani ng dalaga sa kaniyang isip. Gusto niyang ismidan ito at talikuran ngunit alam niyang mas lalo lang itong maiinis.

Nagtama ang mata nila, kumalabog ng husto ang puso ng dalaga. Nac-cute-an siya sa irita nitong mukha at di maipaliwanag ang elektrisidad na dumadaloy sa kaniya sa dahil sa hawak-hawak ng bakla ang braso niya.

Damn, bakit ganito ang pakiramdam ko tuwing malapit siya?

Akmang aalisin ng dalaga ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso ngunit mas hinigpitan lamang iyon ng bakla. Kinunot niya ang noo niya at nagkunwaring asar, kahit sa totoo'y di na magkamayaw ang puso niya kakakalabog.

“What are you doing here? I thought you're following me, damn.”

Prim bit her lower lip. “A-Ah wala may nagandahan lang ako sa isang p-painting.” Anito ng hindi nakatingin sa bakla.

“Hmm, you’re more beautiful than those painting, you’re indeed a work of art by god.” He whispered.

Nanlaki ang mata ng dalaga at namula ang pisngi niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at pakiramdam niyang matutumba siya dahil nanghihina ang tuhod niya.

Hindi niya mawari kung anong nararamdaman niya. Nag-iwas siya ng tingin at pekeng umubo.

“Yes, I am.” And thank god she manage to say those words without stuttering.

Max chuckled as he pulled Prim closer.“But I’m the most beautiful here duh.” Anito at tumalikod saka muling naglakad.

Napahawak naman sa kaniyang dibdib ang dalaga.

Damn, malala na 'to.” she whispered while staring at the gay's back. A genuine smile crept unto her lips.






Loving that Pretty Man Where stories live. Discover now