TLT 1

3.8K 135 8
                                    


       We always want a happy and fulfilled life to live. And sometimes life also messes with us to get it---

      Rusty

      Tahimik kong binuksan ang pinto ng aking unit. Pagod na pagod ako mula sa maghapong pag-upo sa opisina. Parang gusto ko nalang matulog dahil dumagdag pa ang traffic na dinaanan ko makauwi lang.

      Napasalampak ako sa sofa ng maliit kong sala. Sinubukan kong ipikit ang aking mata upang makapagpahinga ako kahit saglit lang.

   Bigla naman akong may naalala at agad kong kinapa ang aking phone sa bulsa ng aking pantalon. I checked on the screen pero walang kahit anong message o missed call manlang na nakaregister doon. Huminga nalang ako ng malalim at ibinaba sa maliit na mesa ang phone ko. Sumasakit ng kunti ang aking sentido kaya naman agad na akong tumayo at tumuloy sa aking kwarto upang itulog na ang aking masamang nararamdaman.

    But something caught my eye before I slowly fell into a deep slumber.

     Ang picture naming dalawa na nasa bedside table ko. Our happy and smiling faces in the heat of the sun. I tried to smile pero sa tuwing naaalala ko ang mga panahong masaya at walang problema sa aming dalawa, naiiyak nalang ako bigla.

    -------------

     Napamulat ako sa ingay na nagmumula sa sala. Nakabukas ang ilaw ng kwarto at may nakasabit na damit sa mga sabitan. He is home. Napangiti ako ng mapakla.

    Bumangon ako sa kama at agad na nag-inat bago pumasok sa banyo upang maghilamos. I checked the time and it was almost 9 PM. Kaya pala gutom na ako.

    Pagkatapos kong maghilamos ay agad akong nagpalit ng aking damit. Shorts at sando. My typical clothing when I'm at home.

    Nang iawang ko pa ng maluwag ang pinto ng kwarto, nakita ko si Keagan. Holding a can of beer in his hands at mga upos na sigarilyong nasa ashtray. Umiling nalang ako at nagtuloy sa kusina upang makapaghain na ng aking makakain.

    "How was your day?" biglang tanong ni Keagan and I looked at his direction. Ibang iba na siya sa dating Keagan na minahal ko. Ang Keagan na minahal ko ng sobra-sobra. Ang masayahin at palangiting Keagan.

     "It was fine." tangi kong sagot bago muling humakbang patungo sa maliit na kusina. Narinig ko pa ang pagyupi niya ng beer can na kanyang hawak.

    "For how long will you treat me like this, Rusty? Hindi ka pa ba nagsasawa na iwasan ako?" may hinanakit sa tinig niya habang ako ay patuloy na tinitingnan sa ref ang pwede kong mabilisang lutuin.

     "Hanggang kailan mo ako ituturing na parang hangin? Ilang beses pa ba akong hihingi ng tawad for you to forgive me?" sunod sunod pa niyang tanong na kinatigil ko.

   Hinarap ko siya at naabutan ko siyang nakatayo malapit sakin.

      Ang mga tingin niya sakin ay para bang ako pa ang may kasalanan. Pinaparamdam niya sakin na siya ay biktima lamang na hindi ko naman mapaniwalaan.

    "Bakit, Keagan? Noong nakipaghalikan ka sa babaeng 'yun sa harapan ko mismo, inisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko?" di ko alam kung ano ba ang mararamdaman. Sumisikip bigla ang dibdib ko at parang pinipiga ako ng paulit-ulit kapag naaalala ko ang gabing iyon.

    "For godsake! It was just a kiss.. Walang ibig sabihin yun! Ilang beses ko nang pinaliwanag sa'yo that I was just drunk. Hindi ko alam ang ginagawa ko. I was out of control."

   "She was your ex.. Ang babaeng halos sirain na ako sa lahat ng tao dahil lang di niya matanggap na ako ang pinagpalit mo sa kanya. And what do you think I would feel? Na ayos lang sa akin 'yun?" singhal ko sa kanya bago ko siya muling talikuran.

The Last Time (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon