••Chapter 12••

Start from the beginning
                                    

Napabuntong hininga ako ng makaupo ako sa mesa ko. Agad namang lumapit ang tatlo sakin.

"Bespren, anong ibig sabihin nun?" Nakangising tanong ni Mira.

"Tigilan mo ako, Mira." Dapat pagalit ang tono nayun pero kasi hindi ko mapigilang mapangiti.

"Oh! Don't tell me kayo na ni senior!?" Pasigaw namang tanong ni Kiddo kaya tinakpan ko agad ang bunganga niya.

"Kid, wag kang maingay." I said to silence him.

Tumango naman siya. "So kayo na nga?"

Ngumisi muna ako bago tumango sa kanilang tatlo.

"Aayyyiiiee!!" Tili agad ni Mira sabay yakap sakin. "Gosh, bespren, salamat naman at hindi ka tatandang NBSB."

"Siraulo ka talaga, Mira." Sabi ko na lang.

Narinig ko namang napabuntong hininga si Jamm. "Basta, Dylan, sabihin mo lang samin kung pinapaiyak ka niyang si senior dahil bubugbugin agad namin nina Kiddo at Ao."

Napailing naman ako sa sinabi ni Jamm pero agad din naman akong napangiti. It's good to have friends. May resbak.

"Infairness, bespren, ngayon ko lang nahalata ang pandak mo pala nhu?"

Namilog naman ang mata ko sa sinabi ni Mira. "Ano?! Hindi kaya."

"Ano ka ba, Mira. Hindi naman pandak si Dylan, sadyang matangkad lang talaga si senior Haru." Pagtatanggol ni Kid sakin.

Mira just shrugged. "Kung sabagay... besides senior Haru is an adult."

"Luh! Eh sixteen pa lang naman si Dylan." Hindi makapaniwalang sabi ni Jamm.

"Sugar daddy?" Nakangiwing sabi ni Kiddo na agad namang binatok ni Mira.

"Gago! Bata pa naman si senior Haru." Sabi ni Mira.

Napatango na lang si Jamm. "Gwapo din naman si senior kaya hindi halatang adult na."

"Asus! Mas gwapo ako." Sabay pose ni Kiddo.

"Ulul! Mas gwapo ako." Pagmamayabang naman ni Jamm.

"Mga gago! Ang papanget niyo kaya." Sabi naman ni Mira na sinimangutan ng dalawa.

Lihim na lang akong napangiti sa tatlo at hinintay na lumipas ang oras. Nakakahiya mang aminin pero kasi... excited akong makasamang umuwi si Haru. Kaya hindi ko mapigilang bantayan ang oras.

Nang matapos ang huling klase namin ay nagmamadali akong tumayo at inayos ang mga gamit ko.

"Oho!~ nag-mamadali ata tayo ah." Sabi ni Mira na nag-aayos na din ng gamit niya.

"Hayaan mo na, Mira. May date ata eh." Nakangising sabi ni Jamm at pinakita sakin ang thumbs up niya.

"Ewan ko sa inyo." Umiiling na sabi ko.

I immediately run after I finished putting all my things inside my bag. I was about to run on the left when someone grabbed my hand that caused me to bump on someone's chest.

"Hey, what's the rush?"

Agad na nag-init ang pisngi ko ng makita kung sino ang humila sakin. It's one and only... Haru the great.

Shit! Ano na ang sasabihin ko sa kanya? Na excited akong umuwi kasi makakasama ko siya? Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya yun.

Pero agad na kumunot ang noo ko ng makitang tumatawa siya. Ano na naman kaya ang tinatawatawa ng isang to. Pinagtitripan ata ako nito eh.

"Ba't ka tumatawa diyan? Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya at nagpakawala ng buntong hininga. "You're just so cute."

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Where stories live. Discover now