Napayuko ako. Sana di niya ko nakilala. Ay, oo ngapala. Naka-disguise ako kagabi. Buti na lang.


"Hoy, panget!"


Napatingin ako dun sa lalaking tumawag sa akin ng ganun at ng magtama ang paningin namin ay biglang kumulo ang dugo ko. Si handsome-evil guy!


I gave him my death glares. 


"Okay, mukhang kilala niyo na si Ms. Tuazon... You may sit guys and Ms. Tuazon?" tawag sa akin ng aming professor kaya napatingin ako sa kanya. "Don't be late next time." She said smiling.


I took a deep sighed and nodded my head. Kahit kailan talaga napakabait ni Ma'am.


"Eeeeeeh! So lucky princess Amethyst!"


"Kilala siya nung four hotties gosh!"


"Gusto ko maging kasing ganda niya!"


"Gusto ko maging siya! OMG!"


Ayan na naman yung 'bulungan' nila. Well, I can't blame them. I flipped my hair as I walked going to my designated seat.


Uupo na sana ako sa upuan ko ng biglang may maglagay ng bag doon. Inins kong binalingan kung sino yung hinayupak na gumawa nun at hindi nga ako nagkamali.


He just smiled at me devilishly sabay upo sa upuan ko. 


"Hoy, baliw! Umalis ka diyan!That's my chair!" naiinis na baling ko sa kanya.


"May pangalan mo ba ang upuan na 'to? Wala naman diba?" sarkastikong sagot niya.


Tiningnan ko lang siya ng masama. Pwede bang evil guy na lang? Goddamit! Kung hindi lang 'to gwapo.


"Amethyst, may vacant pa oh," Jace suddenly uttered pointing the chair beside him. 


Siyempre napangiti ako. Jace Clarkson na katabi ko, choosy pa ba?


Napatingin naman ako dun sa Carl na kasalukuyang nakikipag-usap kay Trish? Aba, close agad? Tama lang yan, kay Trish na yung future husband ko dahil kay Jace na ako! Sana lang hindi magsalita tong si Trish, sobrang daldal pa naman no'n to the point na nasasabi niya minsan ang dapat na secret lang. Makakalimutin e.


--


Carl's POV


"Ikaw yung future husband ni Amethyst!" she said.


"Ikaw yung future wife ni Cloud!" I said.


"HUH?!" sabay na tanong namin.

My Naughty Bratinella (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang