Chapter 21: Weird

Start from the beginning
                                    

Tahimik naman akong nagdasal na si Dara ang manalo.

"Our Ms. Sci-Math goes to..."

Si Dara... Si Dara... Si Dara... Lord si Dara po panalunin niyo.

"Goes to IV-B, Ms. Dara Shin Cueto."

Literal na napatalon ako at napasigaw ng marinig kong si Dara ang tinawag bilang Ms. Sci-Math.

"WOOOOOOOOOOH!"

"IV-B! IV-B! IV-B! IV-B!"

Tuwang tuwa ako ng sinuotan na ng sash at korona si bestfriend at ibinigay sa kanya yung trophe.

Masaya akong nakatingin kay Dara na ngiting ngiti habang binibigyan ng award.

I am really proud of my bestfriend.

Nagulat na lang ako ng biglang nag vibrate yung phone ko kaya naman kinuha ko siya sa bulsa at tinignan kung sino yung tumatawag.

Mommy calling..

Ano naman kaya ang kailangan nitong si Mommy at napatawag sa akin?

Jacquelyn POV ( Mommy ni Jill )

*Sa bahay nila Jill*

"Best, di ko na talaga alam kung anong nangyayari sa anak ko ngayon." kwento nitong kaibigan ko na si Xandra.

Nandito kami sa bahay ngayon at nagulat nga ako ng bigla tong dumating dito e.

"Baka naman ganun lang talaga si Yuriel best, alam mo na, teenager na kasi, baka di ka lang sanay." paliwanag ko sa kanya.

Namomroblema kasi tong kaibigan ko sa anak niya dahil lagi lang daw tahimik at halos hindi na daw nila maka-usap sa bahay.

Tahimik lang si Xandra at mukhang nag-iisip ng bigla naman siyang nag snap ng finger niya.

"Alam ko na! Baka naman nag LQ sila ng anak mo best kaya brokenhearted ang anak ko kaya ganun?" sabi niya sa akin kaya naman napa-isip din ako.

"Oo nga noh? Pwede rin yun."

"Kailangan nating mapagbati ang dalawa nating anak best." sabi sa akin ni Xandra. "Pano na yung kasal nila at yung mga plano natin?"

"Tama ka dyan best. Kailangan nating maka-isip ng plano ngayon din."

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now