Candle in The Wind

94 0 1
                                    

"boss yosi?"

NADINIG ko malapit sa kina-uupuan ko. Kaya tinangal ko ang tingin ko sa binabasa kong libro at luminga-linga sa harapan ko. Nakita ko ang isang matandang lalake na may bit-bit ng iba't-ibang klaseng paninda binebentahan ang mga grupo ng mga lalake na malapit sa'kin. Sabay sa marusing nitong hitsura ay naamoy ko ang amoy nito na 'di nagustuhan ng aking ilong.

"boss yosi? O candy?" ulit nito sa mga katabi kong lalake.

"'dun ka nga! Tang-na ang baho mo manong! Anong taon ka uling naligo?!" rinig kong pagsuway nung isa sa kanila sa nagtitinda, at nagtawanan ang mga kasama nito.

"pasensiya na mga bossing maghapon kasi akong naglalako. Yosi? Ililibre ko na kayo ng candy" mahinaong sagot nung matanda.

Bumilib ako sa pasensiya ni manong. Sa isip-isip ko kung ako yon, ihahampas ko kagad sa kanila ang mga dala kong paninda bago pa man sila makapagsalita ng masakit. Tahimik ko pa rin silang pinanood. Kumuha si manong ng isang supot ng chichiria sa isang malaking plastic bag na bit-bit niya at inabot niya 'to sa kanila.

"'to limang piso na lang mga bossing" nakangiti niyang tugon.

"puta! 'di ka ba makaintindi?! Sa itsura mong yan baka bumula pa bibig namin sa mga paninda mo!" pagyayabang nung isa, na nakangisi habang dinuduro niya ang mga paninda ng matanda.

"'di naman boss, malinis po 'to. Yosi nalang po kung gusto niyo. 'to po oh, hindi pa nakabukas, malinis po ito." mahinaon paring sagot ni manong na inaabot ang isang kaha ng sigarilyo.

Habang pinapanood ko sila'y nahahabag ako sa matandang nakikita ko, nakakaramdam din ako ng galit at kaba, kaya inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila at idinako ulit sa librong binabasa ko.

"sige, sige ng lumayas ka na at bumango na ulit 'tong paligid. Bilhin ko na yan, magkano ba isang kaha?" dinig kong sabi nung isa.

"35 po bossing!, pero para makabenta, 27 na lang oh." sagot ni manong.

"oh eto! Tapos alis kana ah! Naaalibadbaran na kami!" sigaw pa nung isa at pakasambit nito narinig ko na nagsi-tawanan ulit sila.

napatingin ulit ako sa kanila. Nasulyapan kong kinuha ni manong ang bayad nilang isaandang piso, tapos kinalkal ang isang garapon na narinig kong may mga baryang nagkalan-singan. at saka siya nagumpisang magbilang.

"puta! Anong oras na manong? Isan-daan lang yan Baka abutin pa tayo ng new year!" sabi nung isa sa kanila na nakatitig sa matanda at nakapamewang.

"sandali lang mga bossing medyo mahina ako sa math." sagot nung matanda na nakangiti, na mukahng natataranta sa pagkalkal mula dun sa garapon.

"tulungan ka na nga namin ng matapos na. 100-27= 89!" sabat nung isa nilang kasama.

Napailing na lang ako sa mga nasaksihan at narinig ko mula sa kanila. Pinagmasdan ko na lamang ang matandang nagbebenta na tuwang tuwa at inaabot ang sukli.

Nakita kong umalis kagad yung mga grupo ng mga lalaki pagkakuha ng sukli, dinako ko ang tingin ko kay manong na umupo sa isang tabi at tuwang-tuwa na nagbilang ulit dun sa kanyang garapon.

Napailing nalang ulit ako, hinubad ko ang suot kong bag, at hinanap ko ang wallet ko sa loob nito. Binuksan ko 'to at dumukot ng fifty pesos.

Naglakad ako papunta sa matandang nagbebenta, pero natigilan ako sa nakita ko.

"tatay pabili oh ng chichiria, saka oh dalawang candy." sabi ng isang babae na nakangiti at hawak ng isang kamay nito ang balikat ng matanda.

Napatingin ako dun sa babae na numakaw kagad sakin pansin ang pagka-mestisahin niya. Nakatingin at nakahawak parin siya sa matanda at nakangiti.

Inabot ni manong ang binibili nung babae na agad naman nagbigay ng bayad.

"ay, naku Ineng pasensiya ka na wala akong palit dito. Masyado 'tong malaki." nakakunot na sambit ng matanda, binabalik ung pera sa babae.

"ganon po ba tatay, wala ho kasi akong barya." nakangiting sagot parin nung babae.

"kung gusto mo ineng hintayin mo ako dine, ipapabarya ko lang 'to diyan sa may tindahan."

"ok sige po tatay, magiingat po kayo lagi ah." sagot nung babae. Napaisip ako kung bakit kailangan pa niyang paalanin ung matanda, sa tingin ko malapit lang naman ung pupuntahan niya.

Sinundan ng tingin ko si manong na naglalakad tangan ang mga paninda niya. Nainip ako sa mabagal niyang paglakad kaya sinulyapan ko nalang ung babaeng bumili sa kanya.

Nagulat ako ng makita ko siyang ulit na nakangiti, nakatingin siya dun sa matanda at saka tumalikod at naglakad papalayo.

Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko'y napakaligaya ko. Naramdaman ko na lamang na may tumulong tubig buhat sa'king mata.

Bumalik ako sa pagkakaupo. Tumingin ako sa malayo at nagisip, nang may tumapik sa balikat ko. Nakaramdam ako ng inis, kaya dali-dali ko 'tong hinarapan.

"hoy? Ano nangyari sayo kanina pa kita kinakausap 'di ka kumikibo. Nakatanga ka lang diyan at nakangiti na parang sira." bungad niya sa'kin.

"nakangiti?" sagot ko sa kanya.

"oo kaya!, para kang timang! Nalipasan ka na naman ng gutom noh?, 'di mo ba napansin ang pagdating ko?" tugon niya. Tinignan ko siya sa mata. Pakiramdam ko nagising ako mula sa isang magandang panaginip, at bumungad sa'kin ang mukah ng girlfriend ko.

Inalis ko ang tingin ko sa nobya ko at dinako kung san nakatayo ung babae kanina, ginalugad ng tingin ko ang presensiya niya, pero hindi ko siya mahanap. Napatingin ako sa kamay ko, hawak-hawak ko pa pala ung fifty pesos. Nakaramdam ako ng ligaya at hiya, kaya agad ko 'tong tinago sa'king bulsa.

"kumpara sa sanlibong piso niya." bulong ko sa'king sarili habang umiiling.

.

.

.

.

itutuloy. . .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2010 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Candle in The WindWhere stories live. Discover now