KABANATA XIII:ANG PLANO PARA SA BAGONG MUNDO

Start from the beginning
                                    

AQUIL:Hayaan mo na lang sila,tayo din naman eh..(Inakbayan niya si Danaya at hinalikan sa pisngi)

DANAYA:Ikaw Talaga!(Pinisil niya ang ilong ni Aquil)

PIRENA:Alam niyo inaantok ako sa inyong pinagagawa kaya doon muna ako sa aking silid..

Tumayo si Pirena at hinila naman siya ni Azulan pabalik at niyakap patalikod

AZULAN:Huwag kanang umalis mahal,dito ka lang..(Hinalikan naman niya si Pirena sa leeg at hinarap naman siya nang aking nakakatandang kapatid)

Sa pagharap ni Pirena ay inilibot ni Azulan ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang habang inilibot ni Pirena ang kanyang mga kamay sa batok nang kanyang asawa..

PIRENA:Kung manatili ako dito meron ka bang magagawa upang mawala ang aking antok?

AZULAN:Meron(Inilapit niya ang kanyang mukha kay Pirena at hinalikan niya ito sa labi at pinagdikit ang kanilang mga noo)

Nang biglang dumating si Wantuk..

WANTUK:Iba talaga itong si Rama Azulan!

Napakalas naman sila ni Pirena..

AZULAN:Bigla bigla ka nalang sumusulpot na parang kabote!

PIRENA:Ang sarap mo talagang tisirin,kung hindi ka lang kaibigan nang aking asawa tinusda na kita!

WANTUK:Hehehe...Poltre mga kamahalan nandito na pala si Paopao..

ALENA:Mabuti naman,asan siya?

WANTUK:Pumunta muna sa kanyang silid upang magbihis Hara.

ALENA:Ganon ba,pakisabi nalang sa kanya na doon na namin siya hitayin sa silid pulungan..

WANTUK:Masusunod Hara..

SA SILID PULUNGAN

Pagkalipas nang ilang minuto ang dumating na rin si Paopao....

PAOPAO:Avisala sa inyong lahat!,poltre medjo natagalan ako..

Bumati naman palabalik ang lahat na nasa silid pulungan at sinimulan na nila ang pagpupulong

ALENA:Ayos lang Paopao ang importante ay nandito kana,kompleto na ba ang mga documento na kakailanganin natin?

PAOPAO:Opo at pwede na tayong makabili nang bahay at lupa doon pati na rin sasakyan kung ating nanaisin.

ALENA:Mabuti naman kung ganon,ang nais ko sana ay bumili nalang tayo nalang lupa pagkat medjo madami tayong titira doon.

PIRENA:Sang-ayon ako diyan hara pagka walang nabebenta nang bahay na lagpas sampu ang silid doon kaya kailangan talaga natin magpagawa.

AMIHAN:Kung ganon ay magsimula na tayong maghanap nang bakanteng lote na binebenta para tatayuan natin nang ating matitirhan.

DANAYA:Kami nalang nang asawa ko ang maghanap pagkat wala kaming masyadong ginagawa.

AQUIL:Sige Danaya kung iyan ang iyong nais,hindi na tayo lalabas nang Encantadia para maghanap nang mga binebentang lote di ba?

DANAYA:Hindi na dahil meron tayong mga teknolohiyang ginagamit nang mga tao tulad nang smartphone,laptop,at wifi sa katunayan ay mas malakas ang internet dito pagkat sa ating mundo ay malakas ang enerhiya.

YBRAHIM:Kung makahanap na kayo ay sabihan niyo agad kami kung magkano nang saganon ay masimulan na nating mag-ambag nang mga ginto at diyamante..

Meron pa sana kaming nais pag-usapan nang biglang pumasok si Amaro para ipaalam na merong mga vedalje..

SA KASALUKUYAN...

Sa silid pulungan nang Hathoria....

PIRENA:Bilang Hara nang Hathoria ay sisimulan na ang pagpupulong

AZULAN:Bilang Rama nang Hathoria ay binibigyan ko nang pahintulot na simulan ang pagpupulong.

PIRENA:Napag-usapan natin ilang oras lang ang nakalipas ang tungkol sa pagambag-ambag nang mga ginto at diyamante kung makahanap na sila Aquil nang lupa,ang pag-usapan natin ngayon ay tungkol sa kakailanganin natin sa pagpapatayo nang bahay.

AZULAN:Sa pagkakaalam ko na kailangan natin nang engineer,architech,at interior designer since may kaibigan akong architech at engineer ako nalang ang mag-contact sa kanila.

MIRA:Sa interior designer naman kami nalang ang bahala ni Lira,di ba besy?

LIRA:Oo naman ang dali lang e contact si tita Ange palaging available iyon.

MEMFES:Ang dami na talagang nagbago simula nang huling digmaan,namamangha ako pagkat hindi ko inakala na nakikisabay na tayo sa mga tao..

AZULAN:Siyang tunay Rehav ngunit naisipan namin na lumabas nang Encantadia sumubok nang ibang mga bagay,at maghanap na rin nang koneksiyon kung sakaling kakailanganin natin ang tulong nila.

LIRA:We thank Ashti Pirena dahil siya ang nakaisip nang mga bagay na iyan.

PIRENA:Maliit na bagay lang iyon aking hadia ngunit walang anuman,kung hindi lang sa pangungulit niyo ni Mira hindi ko naisip ang mga iyon,and I commend you for what you did.

MIRA:Hehehe...thank you Yna..

Natawa naman ang lahat pagkat wala nang ibang nasabi si Mira at naisipan na rin nilang magpahinga sa kani-kanilang kaharian pagkatapos nilang maghapunan sa Hathoria..

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now