Demigoddess - Daughter of Poseidon

59.2K 1.2K 278
                                    

erinedipity's 

Demigoddess - Daughter of Poseidon

"Even my father can't sass me back. No one can sass me back. Unless that No One is Percy, damn it!" 

_______________________________

p r o l o g u e 

"Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday," wika ko habang nakatitig sa plato ko. "Yes naman, Dy. Seaweeds 5ever!" Sarkastiko kong pagkakasabi sa tatay ko pagkatapos kong iangat 'yung ulo ko't tignan siya. 

Umiwas na lang siya ng tingin sa'kin at pasimpleng uminom ng wine sa golden baso niya. Alam niyo bang never in my life kong pinangarap kumain ng seaweeds araw-araw? I mean, ano 'to pinupurga ba 'ko ng tatay ko? Anong gusto niyang palabasin sa tyan ko, 'yung mga intestines ko na mismo?

Naramdaman ko naman ang biglaang pagsiko sa'kin ng kapatid kong si Night. Tinignan ko siya at nakita kong pinandidilatan na naman niya ako ng mga mata. Palagi niya 'tong ginagawa sa'kin kapag sa tingin niya eh 'ginagago' ko na naman 'yung tatay namin. Pero seryoso, seryoso talaga ako kapag sina-sass ko si Daddy.

Napabuntong hininga na lang ako. "Kung bakit kasi ayaw akong payagan ng iba dyan na pumuntang lupa. Feeling ko nga konti na lang tutubuan na ako ng buntot dito or worse, maging kamukha ko na 'yung mga cyclopes dyan sa baba," tuloy-tuloy kong pagdadaldal habang 'yung mga kasalo ko sa hapagkainan eh lamon lang ng lamon. Tinignan ko ulit si Daddy at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Nginitian ko siya ng fake atyaka nagtanong sa kanya. "Hello father dear, pakitignan naman kung iisa na lang 'yung mata ko.

Ramdam kong naiinis na sa'kin si Daddy pero tuloy-tuloy lang ako sa pagngiti sa kanya ng fake. Bigla namang hinigit ni Night 'yung braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Syempre warning na naman 'to mula sa poging-pogi kong kuya. "Ano, Night? Nagiging kamukha ko na ba si Triton?" Kunwari eh nagaalala ako nung tinanong ko 'yun sa kanya. Agad-agad namang napatigil sa pagtru-trumpet si Triton at napatingin ng masama sa'kin. Tinawanan ko lang siya.

You know Triton? Anak ni Daddy sa the legal wife niyang si Amphitrite. Wala siyang ginawa kundi tumugtog na lang ng tumugtog ng trumpet niya and I swear to gods, mas gugustuhin ko pang mawalan ng tenga kesa makinig sa tugtog niya.

"Stacy, tumahimik ka na nga," saway sa'kin ni Night. Binelatan ko lang siya tyaka bumalik ulit sa pangiinis sa Daddy ko. 

Ginagawa ko lang naman 'to kasi gustong-gusto ko talagang pumunta ng lupa! As in alam mo 'yung feeling na nakakulong ako rito tapos puro na lang katubigan 'yung nakikita ko tyaka palagi na lang seaweeds 'yung ulam ko? Nakakasawa, mah men! Gusto ko naman ng bagong environment atyaka curious na curious na talaga ako sa lupa dahil sa walanghiya kong kapatid na si Night na palagi na lang akong iniinggit kapag nakakaahon siya. Kaya gagawin kong lahat, kahit araw-arawin ko pang pestihin si Daddy, gagawin ko.

Oo nga pala obvious naman na siguro 'di ba? Tatay ko 'yung may giant tinidor--este trident. Sea God, Lord Poseidon. Odibadibs, hanep! 

(Pero seryoso, ang boring niyang tatay)

"Excuse me lang Amphitrite, okay? Medyo nakaka-offend 'yung susunod kong banat," paalam ko sa step mudra ko kuno. Amphitrite lang tawag ko sa kanya kasi hindi naman talaga siya goddess or something. Nereid lang siya. You know nereids--female spirits of water blah blah whatevs. So 'yon, hindi ko naman pwedeng sabihing 'no offense' kasi offensive naman talaga 'yung sasabihin ko kaya warning na lang. "Alam mo father dear, 'di ko pa rin matanggap 'yung iba kong mga brothers and sisters. Biruin mo naman kasi 'di ba? Cyclopes? Seriously, Daddy? Tyaka grabe naalala ko! Mahilig ka rin pala sa mga 'freaky' creatures. Medusa, you remember? Grabe Daddy, ang tindi mo!" Wika ko kay Daddy na ngayon eh nakahawak na sa trident niya ng sobrang higpit dahil sa sobrang inis, "Ang pinaka-win-win-win mong desisyon eh 'yung umahon ka, pumunta ng lupa at nakipag-mate sa mga mortals. Odibadibs, tignan mo naman ang kinalabasan!" Bulalas ko sabay ngiti ng sobrang lawak para ipakita sa kanya kung gaano ako kaganda. "Tyaka Da--" hindi ko na naituloy 'yung sasabihin ko kasi bigla na lang nag-walk out si the legal wife na sinundan naman ni Triton. Hooray for today!

Ang naaalala ko lang nun eh nginingitian ko si Daddy tapos bigla na lang akong nakarinig ng isang malakas na 'tud' galing sa trident ni Daddy na ibinagsak niya. Ang sunod na nangyari eh hindi na 'ko sure pero feeling ko nahuhulog ako, feeling ko may humihila sa'kin pababa. Sinubukan kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Basta ang alam ko nahuhulog ako.

_____________________________________

note: hello hahaha comeback story ba kayo na bahala rito oki, kayo na humusga hahaha syempre inspired by pjo pa rin 'to pero i swear iba siya kay percy hihi atyaka lalabas pa rin si dani rito kasi peste siya charot de support siya rito hehehe thank u guys atyaka pala hnd kailangan na nabasa niyo na greek myth bago niyo to basahin kasi ipapaliwanag ko naman lahat dont worry ((pero masaya basahin greek myth i swear)) xx

Demigoddess - Daughter of PoseidonWhere stories live. Discover now